Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 568 - Walang Kukuhaning Bilanggo

Chapter 568 - Walang Kukuhaning Bilanggo

Ang ikatlong takda ay nagsasabi na ang Xi Empire ang may kumpletong kontrol sa pag-aangkat. Sa madaling salita, matapos na ibigay sa kanila ng Country Y ang kumisyon, ay malaya silang hatiin ang mga materyal kung saan nila gusto. Maaaring ibigay ng Xi Empire ang diyamante sa kung kanino nila gusto; kahit na wala silang ibigay sa Bao Hwa, ay magagawa nila!

Hindi makapaniwala si Lin Jing. Ano'ng klase ng takda sa pakikipagpalitan ito! Isa itong monopolyo sa merkado!

Gayunpaman, isa itong komisyon sa pakikipagpalitan na ibinigay ng Country Y, kaya hindi makikialam ang Hwa Xia kahit na gustuhin pa nila, pero bakit naman bibigyan ng Country Y ang Xi Empire ng ganitong kapangyarihan? Napaka-imposible naman nito…

Namutla ang mukha ni Lin Jing na tila ba napulbusan ito. Bago pa siya makabawi, pumailanlang muli ang boses ni Xinghe.

"Magmula ngayon, ang kahit anong korporasyon na lalayo sa Bao Hwa ay magiging kaibigan ng Xi Empire at ang mga kakampi pa din sa Bao Hwa ay magiging kaaway ng Xi Empire!" Makapangyarihang pahayag ni Xinghe.

Itinaas ni Lin Jing ang ulo para tingnan si Xinghe na nasa entablado. Pakiramdam niya ay nakidlatan siya. Siya ang young mistress ng Lin family; hindi pa siya nakaranas ng sobrang pamamahiya tulad nito…

Nanginginig sa galit si Lin Jing at gusto na niyang patayin si Xinghe. Ang pakiramdam ay pareho lang; gusto din ni Xinghe na wasakin siya at ang buong Lin family.

"Mga tauhan mula sa Bao Hwa ay makinig, nasa aking mga kamay ang sampung porsiyento ng mga share ng Bao Hwa. Sa kapasidad ko bilang shareholder, humihiling ako na magkaroon ng isang pagpupulong ng mga shareholder bukas sa City T at humihiling na magbotohan para mapawalang-bisa ang posisyon ni Lin Jing bilang CEO. Kung hindi maipapasa ang takdang ito, ay maghihintay na lamang ang Bao Hwa sa kanyang katapusan."

Napaatras si Lin Jing sa nakakatawang paraan. Ang lahat nang naroroon ay nagulat; ang pahayag ni Xinghe ay nagpapakita ng kanyang kawalan ng awa. Napaatras sa pader si Lin Jing. Hindi nila inisip na sobra ang gagawin nito. Kailangan ba talaga niyang gawin ito dahil sa kinalaban ng Bao Hwa ang Xi Empire?

Ang mga grupo ng mag-aalahas ay natakot; nakahinga sila ng maluwag dahil hindi nila kinalaban ang Xi Empire…

Inisip nila na, matapos na maaksidente ni Xi Mubai, ay nawalan ng kapangyarihan ang Xi Empire, pero ngayon ay alam na nila na nagkamali sila.

Makapangyarihan at nakakatakot pa din ang Xi Empire. Ang babaeng ito ay kayang tapatan si Xi Mubai sa kanyang karahasan. Matapos ang jewelry showcase na ito, wala nang mangangahas na kutyain pa ang Xi Empire. Kahit wala si Mubai, ang Xi Empire ay hindi dapat kalabanin dahil mayroon pa silang Xia Xinghe. Sino ang makakapagsabi kung ano pang klase ng mga halimaw ang natatago sa Xi family bukod sa Xia Xinghe na ito.

Sa kahit ano pang kaso, ang pagkilos na ito ni Xinghe ang nagbigay ng intensiyong epekto nito; pinapalo niya ang aso sa harap ng leon, pinatitigil ang mga iyon na may masamang intensiyon sa Xi Empire na huwag kumilos.

Gayunpaman, nagkaroon ng pagkakataon si Xinghe na tuluyang sirain si Lin Jing!

"Lin Jing, kung matalino ka, pipiliin mong ibigay ang iyong pagbibitaw. Siyempre, kagustuhan mo pa din iyon, pero makikita natin ang mangyayari kapag tumanggi ka," malamig na banta ni Xinghe, at inihayag iyon sa lahat.

Mabilis siya, walang awa, at tiyak pagdating sa pakikitungo sa Lin family!

"Xia Xinghe—" nawala na ang lahat ng kayumian kay Lin Jing, at sumigaw ito na tila isang baliw, "Sino ka ba sa tingin mo? Pangahas kang tratuhin ako ng ganito, hintayin mo lang ang paghihiganti mula sa aking Lin family!"

"Paghihiganti ng Lin family? Narinig naman siya ng lahat, tama? Ang Lin family ay ginagamit muli ang kanilang kapangyarihan para gipitin ang iba. Kung kahit sino sa amin na mula sa Xi Empire ay nasangkot sa kahit anong aksidente, alam na ninyo kung sino ang salarin!"

"Ikaw…" hindi inisip ni Lin Jing na mahuhuli siya ng ganito ni Xinghe. Masyado siyang marahas. Sinabihan niya ang sarili na kumalma; maaaring may paraan pa na makalusot dito. Gayunpaman, nakita ni Lin Jing na hanggang hindi siya pinakitaan ng Xi family ng kabutihan, wala na siyang pagkakataon pang makabawi!