Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 563 - Chapter 563: Ang Huling Dumating Last Arrival

Chapter 563 - Chapter 563: Ang Huling Dumating Last Arrival

"Hmm, masyado na bang makapal ang mukha ng Xi Empire kaya naman kailangan na nilang umasa sa tulong ng ibang tao para gawin ang showcase na ito? Nakakahiya ang Xi Empire na nagtatago sa balat ng isang leon."

"Hindi, dahil sa ang isang bituin tulad ng Xi Empire ay magpapakita lamang sa bandang huli."

Isang malinaw na tinig ang pumailanlang sa madla. Mabagal na lumabas mula sa likuran ng entablado si Xinghe. Nagulat ang mga tao nang makita siya. Sino siya?

Kilala ni Lin Jing kung sino siya; nalaman niya kay Lin Xuan na siya ang dating asawa ni Xi Mubai at maswerte na nakaligtas sa pagsabog. Sa ibang kadahilanan, nang masalubong ni Lin Jing ang titig ni Xinghe, may tensiyon agad doon. Kalimitan ay may kumpetisyon sa pagitan ng miyembro ng kaparehong kasarian at tao na may kapangyarihan.

Sa isang tingin lamang, alam ni Lin Jing na ang babaeng ito sa kanyang harapan ay may kakaibang ugali. Isang mayabang na babae tulad ni Lin Jing ay hindi makakapayag na maungusan ng ibang babae. Isa pa, ang Xi family at ang Lin family ay parang tubig at langis, maging sa personal o propesyonal na dahilan pa, ang ugali ni Lin Jing tungo kay Xinghe ay nakakasakit.

"Bituin?" Ngumisi si Lin Yun. "Nasaan ang bituin? Huwag mong sabihin na ikaw ito, paumanhin, pero sino ka ba?"

Tinitigan siya ni Xinghe at marahas na sinabi, "Makikilala mo din kung sino ako. At ang paglabas sa huli ng Xi Empire ay natural lamang dahil ito ang bituin ng palabas."

Sarkastikong tumawa sa kanya si Lin Jing. "Narinig naman ng lahat ang sinabi niya hindi ba? Sinabi niyang ang Xi Empire ang bituin ng palabas. Makinig kayo sa kanya at kung gaano kayabang ang dating niya."

Nagsimulang tumawa ang mga tauhan ng Bao Hwa. "Miss, sigurado bang hindi ka nababaliw? Nangahas kang sabihin ang isang bagay na ganito sa harap naming mga taga Bao Hwa, para bang inilalagay mo ang paa mo sa bibig mo."

"Bakit, ganoon ba kagaling ang Bao Hwa ninyo?" Tanong ni Xinghe. Mula sa kanyang posisyon, nakatingin siya pababa sa kanila, ang kanyang pangungutya ay kitang-kita. Si Lin Jing, na buong buhay niya ay tinatratong parang prinsesa, ay natural na hindi matatagalan ang kanyang tingin.

Walang tuwang tumawa ito. "Ang Bao Hwa namin ay maaaring hindi ganoon kahusay, pero mas mahusay pa ito kaysa sa Xi Empire. Mula sa sandaling nagdesisyon kayo na pumasok sa industriya ng pag-aalahas, natalo na kayo. Anuman bukod doon ay paghahanap lamang na mapahiya ang sarili ninyo."

"Ganoon ba? Kung ganoon, tingnan mo ito at sabihin mo sa akin kung sa tingin mo ay hindi pa din kayang tapatan ng Xi Empire ang Bao Hwa." Hinila ni Xinghe ang kurtina sa kanyang likuran at ang star display ay nabunyag sa mga tao.

Ang lahat ay nalaglag ang panga sa sahig nang makita nila ito!

Ano ba ito…

Sa taas ng display stand ay kasing laki ng isang itlog ng manok na diyamanteng kulay rosas na perpekto ang pagkakahati!

Ang diyamante ay kuminang na tila isang ilusyon na ikinakalat ang mga liwanag. Ang mga mata ng lahat ay natural na napako doon; tinitigan nila ang diyamante na tila ang mga kaluluwa nila ay hinihigop nito.

Kahit na ang karamihan sa mga taong nandito ay marami nang nakitang alahas, ito ang unang beses na nakakita sila ng malaki at kulay-rosas na diyamante ng malapitan. Ang cutting nito ay perpekto, wala ni isang pangit na naggulo.

Kahit si Lin Jing ay natigilan. Hindi niya inaasahan ang exhibit na mayroong bagay na ganito. Ang kulay-rosas na diyamanteng ito ay tila isang granada na nagpasabog ng mga utak nila.

Kahit si Ou Yang Qin ay tumitig dito ng buong rubdob. Gayunpaman, kumpara sa pagkagahaman sa mga mata ng ilang tao, ang kanya ay kakikitaan ng paghanga.

Ang tanging dahilan na personal siyang nasa showcase ay para makita ng kanyang mga mata ang pinakaperpektong diyamante sa mundo.

Hindi siya nabigo. Ang diyamante ay maganda, sobrang ganda na nagawa nitong makuha ang kanyang hininga.

Related Books

Popular novel hashtag