Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 564 - Sampal sa Mukha

Chapter 564 - Sampal sa Mukha

Maaaring hindi man ito ang pinakamalaking diyamante sa mundo, pero ito ang siguradong pinakaperpekto. Natural na nakuha nito ang atensiyon ng mga tao at, ang pinakaimportante, ang klase ng diyamante na ito ay hindi normal na magpapakita sa isang showcase ng isang negosyanteng mag-aalahas!

Isa itong bagay na ipinapakita lamang sa mga pribadong koleksiyon o pambansang museo. Sa sandaling nabunyag ang kulay-rosas na diyamante, ang estado ng showcase ay agad na tumaas.

Maaaring madaming nagawang showcase ang Bao Hwa sa nakaraan, pero ang lahat ng makatigil-hiningang alahas nila kahit pagsama-samahin ay hindi matatawaran ang nag-iisang kulay-rosas na diyamanteng ito. Ang kanilang pamumuna sa showcase na ito ay agad na nabura. Isa talaga itong showcase na walang katulad.

Ang lahat ay hindi maiwasan na humilig paabante para tumingin ng maigi. Ang kislap ng media ay hindi tumigil kahit minsan. Ang singhap ng publiko at ang shutter click ng mga camera ay tila malalakas na sampal sa mukha ni Lin Jing.

sinubukan niya ang lahat ng kanyang magagawa, pero ang pintig sa kanyan gma labi ay ipinakikita ang tunay niyang nararamdaman. Isa pa, ang inis sa kanyang mga mata ay hindi maikakaila. Hindi niya inisip na makukuha ng Xi Empire ang kulay-rosas na diyamanteng ito para tapusin ang kanilang exhibit!

"Maraming taon na ang nakakaraan, ang pink diamond na ito ay miminsang lumitaw sa pribadong koleksiyon ng isang bilyonaryo sa Country Y."

"Alam ko, ang magandang ito ay nagmula sa sarili nitong minahan. Ipinakita ito matapos na mahati ito, pero matapos ang minsanang pakitaan na iyon, ang diyamante ay tila naglaho mula sa daigdig."

"Noong taong iyon, ang pink diamond na ito ay nagkakahalaga ng walong bilyon."

"Ngayon, naniniwala na ako ang presyo ay hindi bababa sa walumpung bilyon."

"Maganda, napakaganda."

"Ang Xi Empire ang pinakamakapangyarihang kumpanya sa ating bansa dahil nagawa nilang makuha ang batong ito para sa showcase."

"Ito na ang pinaka memorableng sandali ng buhay ko."

Isang matandang mag-aalahas ang sabik na nagsabi, "Makakapagpahinga na ako ng mapayapa ngayong nakita ko na ang pinakaperpektong diyamante sa mundo!"

Nakangiting nakikinig sa mga reaksiyon nila si Ou Yang Qin. Bumaling siya sa mga tao at nagtanong, "Nangangahas na akong itanong ito sa inyong lahat, ang showcase na ito ba ay walang katulad?"

Namula ang mga mukha ng grupo ng mga mag-aalahas na ito. Nabigyan sila ng matunog na sampal sa mukha dahil sa pagdududa nila sa kalidad ng showcase na ito noong una pa lamang.

"Siyempre, walang katulad!"

Tumango ang mga tao, ang pagrereklamo na naman ay paghahanap na lamang ng mali."

Dahil ang mga alahas ng Ou Yang family pa lamang ay sapat na para mapatikom ang kanilang mga bibig, mas lalo na kung isasama pa ang kulay-rosas na diyamanteng ito.

Kung sinasadya nilang humanap ng mali, ay sumosobra na sila. Hindi sila ganoon kayabang.

"Mukhang may nais pang sabihin si Miss Lin," biglang sabi ni Xinghe na nagtuon ng atensiyon kay Lin Jing.

Ang lahat ay hindi sinasadyang napabaling para tingnan si Lin Jing at nakita nila ang lungkot sa mukha nito.

Muli ay naipaalala sa kanila ang hidwaan sa pagitan ng Bao Hwa at Xi Empire. Ngayong ang jewelry showcase ng Xi Empire ay isang malaking tagumpay, siguradong maiinis si Lin Jing nito.

Gayunpaman, makitid ang utak ni Lin Jing. Kahit na mahirap hilingin na maging masaya siya para sa kanyang katunggali, kailangan ba talaga niyang ipakita ang kanyang disgusto ng hayagan?

Related Books

Popular novel hashtag