Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 559 - Ou Yang Family

Chapter 559 - Ou Yang Family

Isa pa, kailan pa nagsimulang makipagtulungan ang Xi Empire sa Ou Yang Family? Kaya naman pala ang lakas ng tiwala ng mga ito na sabihing magho-host sila ng isang showcase na walang katulad.

Ang Ou Yang family ay may higit pa sa daang taong kasaysayan sa industriya ng pag-aalahas; kilala sila sa kanilang mga klasikong disenyo at hindi matatawarang kalidad. Mas pinahahalagahan nila ang kalidad kaysa sa dami. Para sa kanila, ang alahas ay isang art at hindi negosyo lamang.

Kaya naman, kahit na napakatanyag nila, ang kanilang kita ay mababa. Sa Hwa Xia, kung ang kinikita ng Bao Hwa ay nangunguna sila naman ay ang ikalawa.

Gayunpaman, kung kalidad at kasiyahan ng mga mamimili ang pag-uusapan, ang Ou Yang Family ang maituturing na hari. Sinubukan ding kainin ni Lin Jing ang Ou Yang Family pero nabigo siya. Pagkatapos nito, nagbago siya ng taktika, humihingi ng pakikipagtulungan ngunit tinanggihan din siya.

Kaya naman, nagulat siya nang piliin ng mga ito na makipagtulungan sa Xi Empire!

Kung isa itong joint showcase sa pagitan ng Xi empire at ng Ou Yang family, ang showcase ay mas maigi pa kaysa sa nakita niya. Nalukot ang noo ni Lin Jing sa pagkainis, pero agad niyang pinakalma ang sarili.

Ang sumunod na sinabi ni Ou Yang Qin ay kinumpirma ang kanyang mga hinala. "Natural na nandito ako dahil isa itong joint showcase sa pagitan ng mga pamilya ng Ou Yang at Xi. Hindi namin ipinakalat ang impormasyong ito dahil gusto naming bigyan ang lahat ng isang magandang sorpresa," sabi ni Ou Yang Qin sa isang makinis na tono, ipinapakita ang taas ng kanyang pinag-aralan.

Dumilim ang mukha ni Lin Jing. Siguradong hindi ito masayang sorpresa!

Kung alam lamang niya na makikipagtulungan ang Ou Yang family sa Xi family, dapat ay isinagawa na niya nang mas maaga pa ang pag-atake. Nandoon siya ng araw na iyon para makita ang Xi Empire at ang showcase na mabigo. Gayunpaman, dahil sa pakikialam ng Ou Yang family, ang showcase ay maaaring maging matagumpay at magiging istorbo ito ng husto sa plano niyang kainin ang Xi Empire.

Walang saya na ngumiti si Lin Jing. "Nagbibiro yata si Mr. Ou Yang. Ang Xi Empire ay parang isang sanggol sa industriya ng pag-aalahas, bakit makikipagtulungan ang Ou Yang Family sa kanila? Mr. Ou Yang, kailangan ko itong sabihin na, hindi ito nakahanay sa kung paano umakto ang isang matagal na at kapita-pitagang brand."

Direktang nagtanong si Ou Yang Qin, "Sa madaling salita, iniisip ni Miss Lin na ibinababa ko ang sarili ko sa pakikipagtulungan sa Xi Empire?"

Naiilang na pumintig ang mga labi ni Lin Jing. Totoo ba talaga ito? Ganito ba kapurol ang utak nito at kadirekta?

Gayunpaman, nagawang maisalba ni Lin Jing ang sitwasyon sa pamamagitan ng ngiti. "Hindi iyon ang ibig kong sabihin, inisip ko lang na hindi mainam na makipagtulungan ka sa Xi Empire."

Tumango ng nakangiti si Ou Yang Qin. "Naiintindihan ko ang ibig sabihin ni Miss Lin, pero dahil ang Xi Empire ay magkakaroon na ng sangay sa industriya ng pag-aalahas, ang pakikipagtulungan na ito ay paghahanda para sa hinaharap."

"Nagulat ako na ang Ou Yang family ay pagkakatiwalaan ng husto ang Xi Empire," may laman na sabi ni Lin Jing. Tinutuya niya ang mga ito sa pagpili na makipagtulungan sa Xi Empire. Maaaring ang Xi Empire ay mahusay sa online na negosyo, pero sa pag-aalahas, ang Bao Hwa pa din ang pinakamahusay.

Sumakay na lamang si Ou Yang Qin at maginoong sumagot, "Tama si Miss Lin, talagang karapat-dapat lamang ang Xi Empire na pagkatiwalaan namin, marahil pagkatapos ng showcase, maiintindihan mo kung bakit."

"Ganoon ba?" Mayabang na tumawa si Lin Jing, "Pero ito lamang ba ang lahat ng nasa exhibit?"

Kung ito nga iyon, ang kanyang opinyon ay hindi mababago.

"Siyempre, hindi. Halos nasa tamang oras na, kung mamarapatin ng lahat, pakiusap ay sumunod kayo sa akin; pupunta na tayo sa susunod na bulwagan ng pagtatanghal."