Naglakad patungo sa ikalawang lugar si Ou Yang Qin. Sa kanilang harapan, ang pintuan ay mabagal na bumukas upang ilantad ang ikalawang bulwagan ng pagtatanghal.
"CEO Lin, tingnan natin," may sumulsol sa kanya.
Bahagyang ngumiti si Lin Jing. "Oo, sige, tingnan natin kung ano ang natatangi sa exhibition na naisip nila."
Ang mga takong ni Lin Jing ay tumutunog sa buong bulwagan. Ang kanyang grupo ay nakasunod sa kaniya, umaakto na tila nandoon sila para tingnan ang lugar. Wala ni isa sa mga mag-aalahas ang nangahas na maglakad sa kanyang unahan, natatakot na baka magdamdam siya. Naglakad patungo sa harapan si Lin Jing na tila isang reyna na pinamumunuan ang kanyang korte.
Hindi nagtagal, pumasok na sila sa ikalawang bulwagan. Ang ikalawang bulwagan ng exhibit ay mas magarbo kaysa sa una. Ang mga alahas na naka-display ay nadoble; mayroon doon na may limampung piraso. Ang ilaw ay maliwanag para magbigay pansin sa mga alahas. Ang mga bato ay kumikislap sa ilalim ng mga spotlight na eksakto ang pagkakalagay.
Ang eksena ay nagbigay impresyon sa lahat na nasa loob sila ng isang lugar ng mga natatagong kayamanan, at napahanga nito ang lahat. Ito ay dahil sa malaking pagkakaiba ng mga alahas dito at sa nauna. Ang mga piraso na nasa ikalawang bulwagan ay mas bihira at mas mahalaga.
Mayroong pito hanggang walong piraso ng mga royal jewelry at sila ay mga personal na aksesoriya ng mga nagdaang reyna, kaya naman nagkakahalaga sila ng mahal.
Marami sa mga mag-aalahas ay inalis ang kanilang kagandahang-asal at nagsimulang kumuha ng mga larawan. Ang tanging naiiba ay si Lin Jing. Pinasadahan niya ang bulwagan ng may pagkutya at pandidiri.
"Mr. Ou Yang, ang mga alahas na ito ba ang iyong nakakamanghang mga piraso?" Sinubukan ni Lin Jing na magtanong ng kaaya-aya pero ang panunuya at yabang na kalakip ng kanyang tono ay hindi mapipigilan.
Pinanatili ni Ou Yang Qin ang kanyang pagkamaginoo at sumagot, "Ito ay iilan sa mga pinagtutuunang piraso. Bakit, may pagtutol ba si Miss Lin?"
Hindi sumagot si Lin Jing pero isa sa mga alalay niya ang sumagot, "Mr. Ou Yang, hindi naman sa gusto naming tumutol pero… ang mga ito ay hindi naman ganoon kahalaga. Hindi ba't sinabi ninyo na ito ay isang showcase na walang katulad? Pumunta kami ng may kasabikan at ito lamang ang ipinakikita ninyo sa amin?"
"Tama iyon, ang mga koleksiyon dito ay napakanormal naman," ang iba pa sa mga shareholder ay direkta pang sinabi.
"Mahalaga nga, pero hindi sila ang masasabing walang katulad."
"Nakapunta na ako sa jewelry showcase ng Bao Hwa, mas malaki at mas mainam pa ito kaysa dito."
Nakuha ni Lin Jing ang kanyang hudyat at mapagkumbabang ngumiti. "Isa lamang simple at karaniwang showcase ang ginawa namin; wala namang interesante doon."
"Hindi ba't nangangahulugan nito na ang dapat ay ang showcase na walang katulad ay mas mababa pa kaysa sa regular na showcase ng Bao Hwa?" Isa sa mga madla ang nanuya. Ang iba ay nagsimula na ding humagikgik.
Kahit na nararapat lamang na irespeto ang Ou Yang family, ang ilan sa kanila ay mas nanaisin pang kumampi kay Lin Jing dahil may mas malaking kumpanya ito at tanyag sa pagiging malupit.
Ang Ou Yang Family ay grupo ng mga kakaibang pintor; masyadong mahirap na makuha ang mga pabor ng mga ito, kaya marami ang nagdesisyong sumuko sa kanila.
Ang Xi family? Kung nandito pa sa paligid si Xi Mubai, marahil ay bibigyan nila ito ng paggalang. Gayunpaman, wala siya, at ang Xi Empire ay makakain na ng Bao Hwa, kaya naman ang Bao Hwa ang magwawagi dito. Sino ang hindi gugustuhing kumampi sa nanalo?
Habang hinaharap ang mga mapangkutyang komento ng mga ito, pinanatili ni Ou Yang Qin ang kanyang banayad at maginoong pag-uugali.