Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 555 - Kailangan Ding Manatiling Ligtas ni Mommy

Chapter 555 - Kailangan Ding Manatiling Ligtas ni Mommy

Tinitigan ni Haoran ang likuran nito ng may kumplikadong emosyon. Nagulat siya sa talim ng mga mata nito. Hindi niya akalain na isang puno ng pagkasuklam na titig ay manggagaling sa isang babaeng tulad nito. Sumusumpa siyang nakita niya ang kamatayan doon. Kaya naman mayroong tanong sa isip ni Haoran, Bakit kinamumuhian niya ng husto ang Bao Hwa?

…

Ang sumunod na hakbang ni Xinghe para kainin ang Bao Hwa ay ang magbukas ng isang engradeng jewelry showcase. Ang planong ito ay nagpalito sa ilang mga tao. Bakit ang pagbubukas ng isang jewelry showcase ang makakatulong na makain ang Bao Hwa? Hindi nila ito makitaan ng saysay.

Wala ni isa ang nakakaintindi ng kanyang plano. Kahit si Lolo Xi ay ipinatawag si Xinghe sa kanyang study. Nagkaroon sila ng isang buong oras na pagpupulong sa loob ng study. Si Lolo Xi ay nabigyan ng buong bersiyon ng kanyang plano.

Tumango siya. "Kung ganoon ay ipagpatuloy mo ang iyong plano. Kahit na ano ang plano mong gawin sa hinaharap tandaan mo na susuportahan ka ng Xi family."

"Salamat."

"Hindi na kailangan pa ng pasasalamat." Napabuntung-hininga si Lolo Xi. "Ang lahat ng ginagawa mo ay para kay Mubai at sa benepisyo ng Xi family. Dapat nga ay kami ang magpasalamat sa iyo."

"Isinakripisyo ni Mubai ang kanyang sarili para iligtas ako."

Kaya, kailangan niyang gawin ang lahat ng ito.

"Sa ilalim ng mga ganoong pagkakataon, ang instinct niya ay dapat na iligtas ang sarili niya, pero hindi niya ito sinunod bagkus ay nilabanan niya ito. Kaya naman, ito ay ang kanyang kagustuhan na sagipin ka."

Nanginig ang mga mata ni XInghe. Kahit na ba kagustuhan pa nito iyon, hindi niya ito gusto. Mas gugustuhin niyang ito ang ligtas, at siya ang namatay.

"Xinghe, kahit na ano ang mangyari, matapos ang napakaraming bagay, sigurado ako na may relasyon sa pagitan ninyo ni Mubai. Isa pa, nandiyan si Lin Lin para ikunsidera. Kaya naman, mula ngayon, isa ka na sa amin, kaya huwag mong akuin ang lahat ng responsibilidad sa paghihiganti, ibahagi mo ang mga ito sa amin."

Tumango si Xinghe. "Gagawin ko."

"Mabuti, kung ganoon ay hindi ko na kukunin pa ang oras mo. Puntahan mo ako kung kailangan mo ng tulong."

"Okay." Matapos umalis ni Xinghe sa study, napansin niya ang maliit na anino sa may hagdanan.

Ang mga inosenteng mata ng maliit na bata ay nakabukas ng maigi, blangkong nakatitig sa kawalan. Ang kanyang mahahabang pilik ay kumukurap pataas at pababa, tulad ng balahibo, ay kinarinyo nito ang puso ni Xinghe. Pakiramdam ni Xinghe ay lumalambot siya.

Tila ba naramdaman na umalis na siya sa study, itinuon ni Lin Lin ang tingin sa kanya at nagmamadaling lumapit.

Itinaas nito ang ulo para tingnan siya at nagtanong na mababanaag ang hindi pagkagusto, "Mommy, aalis ka na agad?"

Tumalungko si Xinghe pababa para salubungin ang mga mata nito. Nakita niya na lumiit ang katawan nito. Namayat ito.

Imbes na sagutin ito, mariing sinabi ni Xinghe, "Lin Lin, magiging maayos ang tatay mo."

Nagsimulang maluha ang mga mata ni Lin Lin. Sinubukan nito na pigilan ang mga mata at sinabi, "Gusto ko siyang makita."

"Matapos ang ilang araw, dadalhin kita para makita siya."

"Mommy, kailangan mo ding mag-ingat at manatiling ligtas."

"I will." Hinila siya ni Xinghe para yakapin, natatakot na baka makita nito ang kalungkutan sa kanyang mga mata. Niyakap din siya ni Lin Lin. Agad na naalo ito.

Pakiramdam ni Lin Lin ay nawala ang kanyang mga pangamba sa yakap ng kanyang ina. Ang mag-ina ay nanatiling magkayakap ng ilang oras hanggang sa nakatulog si Lin Lin na nakaakap sa kanyang ina. Umalis si Xinghe sa lugar na iyon matapos ihiga ito sa kama.

Bago umalis, hinaplos ni Xinghe ang maliit na mukha ng anak at ito ang nagbigay sa kanya ng determinasyon na ibigay ang magandang laban. Para sa kapakanan ni Mubai, Lin Lin at sarili niya, ipagpapatuloy niya ang mahirap na daan na ito ng walang takot!

Related Books

Popular novel hashtag