Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 556 - Isang Regalo Mula sa Langit

Chapter 556 - Isang Regalo Mula sa Langit

Sumuko na ang Xi Empire!

Inisip ni Lin Jing na ang Xi Empire ay mamomoblema sa kontrang pag-atake ng Bao Hwa ng ilang panahon, pero sino ang makakapagsabi na matapos lamang ang dalawang araw matapos itaas ng Bao Hwa ang presyo, ay itinigil na ng Xi Empire ang kumpetisyon. Sa madaling salita, tumigil na sila sa pagbili ng mga stock ng Bao Hwa.

Nagulat ang publiko. Naghihintay sila sa Xi Empire na itaas pa ang presyo, pero sumuko na sila sa laban ng pagbili. Ano ang nangyayari, hindi na sila makahabol o wala na silang pakialam pa sa kumpetisyon?

Natural na sa tao na masama ang isipin ng publiko. Inakala nila na talagang mamamatay na ang Xi Empire at ang kanilang pagpapakita ng kapangyarihan ay isa lamang pabalat-kayo. Natatakot sila nang maging seryoso sa kanila ang Bao Hwa. So, talagang pabagsak na ang Xi Empire…

Ang pangyayaring ito ay nagpagulat din kay Lin Jing. Natutuwa siya dahil sigurado na siyang hindi na makakahabol pa sa panggigipit ang Xi Empire. Sa wakas ay sumuko na sila. Isa itong magandang balita para sa mga shareholders ng Bao Hwa. Ang panganib na hinarap ni Lin Jing ay malaki ang ibinalik.

Nagpatawag ng emergency meeting si Lin Jing. "Ipagpatuloy ninyo ang pagpapakalat ng mga balita na ang Xi Empire ay malapit nang malugi at agad nating ibababa ang presyo na itinalaga natin sa pagbili ng mga stock ng Xi Empire. Matatakot sa mga balita ng pagkalugi ang mga stockholder ng Xi Empire at magmamadali silang ibenta sa atin ang kanilang stocks kahit na gaano pa kababa ang ialok natin.

Agad na kumilos ang mga grupo ng shareholder na ito. Sabik na sabik sila, iniisip ang araw na ang Xi Empire ay mapapasakanila. Ang Xi Empire ang pinag-uusapan nila dito! Dahil dito, magkakaroon sila ng kayamanan na tatagal ng ilang habambuhay.

Ang mga tao ng Bao Hwa ay inisip na isa itong regalong ibinaba mula sa langit at hayagan nilang ginawa ang kanilang negosyo, samantalang ang mga tao ng Xi Empire ay ipinagpatuloy ang kanilang low profile. Hindi sila nagkumento tungkol dito.

Imbes ay nagpahayag sila ng ibang bagay; ang Xi Empire ay magsasagawa ng isang malaking internasyonal na jewelry showcase. Ang showcase ay mangyayari sa loob ng isang buwan. Hindi magsasagawa ng malaking promosyon ang Xi Empire maliban na lamang sa pangako na isa itong showcase na walang katulad…

Nagbigay ito sa publiko ng impression na nanlalansi ang Xi Empire. Ang pinakaprodukto ng Xi Empire ay walang kinalaman sa alahas, kaya paano nila magagawa ang isang bagay tulad nito? Isa pa, ang showcase na gagawin nila sa isang buwan, magkakaroon ba sila ng sapat na panahon na maghanda?

Nanghahamak na napasinghap si Lin Jing nang makita niya ang balitang ito. Ang buong silid ng shareholders ay humahagalpak na ng tawa.

"Ano ang ginagawa ng Xi Empire? Sinusubukang nakawin ang mga kliyente natin?" Isang shareholder ang tumawa ng tumawa hanggang sa naluluha na ito.

"Isang showcase na walang katulad? Nagpapatawa siguro sila!"

"Seryosohan, ang mga board member ba ng Xi Empire ay nababaliw na? Sa tingin nila ay kaya nila tayong hamunin sa ating industriya?"

"Kung wala si Xi Mubai, ang Xi Empire ay wala lang."

Ang silid ay puno ng panghahamak ng mga shareholder at pagpapadulas nila kay Lin Jing. Sa wakas ay nalaman nila na ang desisyon ni Lin Jing ay tama. Kung hindi niya ginawa ang mapanganib na paraan, hindi nila malalaman na ang Xi Empire ay isang papel na tigre lamang. Salamat at pumayag sila sa plano nito, kung hindi ay hindi nila naharap ang hindi maipaliwanag na dami ng kayamanan sa katauhan ng Xi Empire.

Nahihirapan si Lin Jing na pigilan ang mayabang niyang ngisi. "Dahil nangahas ang Xi Empire na hamunin tayo sa ating korte ay hintayin natin kung anong klase ng mga pakulo ang ilalabas nila."

"May pakiramdam ako, na ang Xi Empire ay mapapasa atin sa loob ng ilang buwan," sabik na sambit ng isa sa kanila. Napasaya nito ng husto ang mga tao sa silid.