Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 546 - Ang Simula ng Paghihiganti

Chapter 546 - Ang Simula ng Paghihiganti

Puhunan… Ngayon ay naiintindihan na ni Xinghe ang nangyari; ito ang puhunan na ibinigay ni Mubai para tulungan si Philip na manalo sa pagkapresidente. Inisip ni Xinghe na plano na pala nito ang tubo. Hindi na nakakapagtaka na natawag siyang henyo sa negosyo; hindi siya papayag sa isang kalakalan na hindi patas. Ang tanging pumalpak niyang pakikipagkalakalan ay sa kanya, kung saan nawala ang buhay niya.

"Siyempre, sabi ni Philip ay para mabayaran ka din. Isa itong regalo sa iyo sabi niya, kaya dapat mo itong tanggapin."

"Ito pala ang regalo na sinasabi niya." Napabuntung-hininga si Xinghe. Ang akala niya ay nagbibiro lamang ito tungkol sa magkinakapatid, pero talagang nag-aalala pala ito sa kanya. Magagantihan din niya ang kabutihan nito sa hinaharap.

Isa pa, ang kanyang inisyal na plano ay pag-usapan ang tungkol sa diyamante kay Philip, pero nagawa na nito bago pa siya makapagsimula. Ang timing ay perpekto dahil sa ngayon ay opisyal na niyang maisasagawa ang kanyang plano.

"Sige, tulungan ninyo akong magpasalamat sa kanya tungkol dito. Hindi ko siya bibiguin, magiging isa itong palitan na kung saan ay makikinabang ang lahat," buong tiwalang sabi ni Xinghe.

Si Ali at ang iba pa ay masaya para sa kanya, pero biglang nagbago ang mood ng mga ito matapos ang ilang segundo.

"Xinghe, kumusta si Mr. Xi? Pagaling na siya, tama?" Nag-aalalang tanong ni Ali. Si Sam at ang iba pa ay nakatingin din sa kanya na puno ng pag-aalala sa kanilang mga mata.

Mahinang umiling si Xinghe. "Hindi, hindi maganda ang lagay niya."

"Magiging ayos din siya," hinila siya ni Ali para yakapin at aluin siya.

Tumango si Xinghe. "Alam ko."

"Talaga bang kagagawan ito ni Feng Saohuang?" Masungit na tanong ni Sam. Ang balitang inilabas sa publiko ay si Saohuang ang salarin. Walang magsususpetsa sa Lin family dahil imposible ito dahil sa presensiya ni Lin Yun.

Patuyang sinabi ni Xinghe, "Hindi siya pero iba ang may gawa."

"Sino ito kung ganoon?" Galit na tanong ni Ali, "Tutulungan ka naming patayin sila!"

"Maaari mong piliin ang paraan kung paano sila mamamatay," si Wolf na hindi nagsasalita ay biglang binuksan ang kanyang bibig para sabihin.

Umangil si Sam, "Sila ang dahilan kung paano ka muntikang mamatay; kailangang bayaran namin ang kabutihan nila sa kahit na paanong paraan."

"Xinghe, ibigay mo sa amin ang pangalan nila at kami na ang bahala nito para sa iyo," dagdag ni Cairn. Naantig ang puso ni Xinghe na marinig na sabihin nila ito. Hindi siya nagsisisi na nakilala ang grupo ng mga kaibigan na ito; palagi silang kakampi dito. Pero hindi niya gagamitin ang mga ito.

"Hindi mahirap na sila ay patayin, pero hindi ko dudungisan ang mga kamay ninyo. Isa pa, hindi ko pinupuntirya ang buhay nila. Huwag kayong mag-alala, wala ni isa sa kanila ang makakatakas." Mabilis na kinakitaan ng nag-aalab na paghihiganti ang mga mata ni Xinghe. "Wala ni isa sa kanila ang makakatakas."

Ipapaalam niya sa Lin family ang kahulugan ng impiyerno! Pagbabayaran nila ang lahat ng ginawa nila. Gagawin niya ang lahat para durugin ang mga ito.

Dahil handa na ang plano, hindi na nag-aksaya pa ng panahon si Xinghe. Sa tulong ni Ali at ng iba pa, ang kanyang plano na maghiganti ay nagsimula na.

Nagdesisyon si Xinghe nang araw na iyon, bibilhin niya ang shares ng Bao Hwa sa tripleng halaga nito sa merkado.

Ang desisyong ito ang nagpagulat sa lahat, kasama na si Ginoong Xi.

"Xinghe, bakit mo gagawin ang desisyong ito?" Tanong ni Jiangsan sa kanya na halata ang hindi pagkapaniwala.

Ang iba ay tumitig sa kanya na tila isa siyang halimaw. Alam ba niya ang sinasabi niya? Gamitin ang triple sa presyo ng merkado para bilhin ang shares ng Bao Hwa? Nababaliw na ba siya?

Seryosong sumagot si Xinghe, "Dahil gusto kong lunukin ng buo ang Bao Hwa."