Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 547 - Protektahan ang Kanyang Kaharian

Chapter 547 - Protektahan ang Kanyang Kaharian

Nagulantang na naman ang lahat.

"Lunukin ang Bao Hwa?"

"Miss Xia, may alam ka ba sa pinagsasasabi mo? Paano mo na lamang malulunok ang isang kumpanyang kasing laki ng Bao Hwa?"

"Miss Xia, alam naming gusto mong resolbahan ang mga isyu ng kumpanya, pero hindi ito gagana."

"Kahit si CEO Xi ay hindi mangangahas na sabihin ang isang bagay na tulad ng lunukin ang Bao Hwa. Ang Bao Hwa ay isang maimpluwensiyang kumpanya, hindi ito isang bagay na magagawa sa maikling panahon."

"Tama iyon, ang kumpanya ay nasa kinahaharap ang isang kritikal na panahon, wala tayong enerhiya para sakupin ang panibagong kumpanya, lalo na kung Bao Hwa."

Ang seryosong si Haoran ay gumiit na, "Miss Xia, ito na ba ang iyong solusyon? Dahil sa nagsimulang maging agresibo sa pagbili ng shares natin ang Bao Hwa, ganoon din ang gagawin natin sa kanila?"

Kalmadong tumango si Xinghe. "Tama iyon."

"Masyado mo itong minamaliit!" Sinubukan ni Haoran na pigilan ang kanyang galit. "Paanong naging napakasimple ng iyong pag-iisip?"

Ang iba pa ay tumango bilang pagsang-ayon. Iniisip nilang nagbibiro si Xinghe. Ang sabihin ang mga iniisip niya na simple ay paggalang na lamang sa kanya. Ang lahat ay iniisip na tanga siya, sobrang tanga. Alam ni Xinghe na ito ang magiging reaksiyon nila.

"HIndi ko ito gagawin ng hindi kumpiyansa sa isang daang porsiyento."

Tulad ng inaasahan, sa sandaling sinabi niya ito, siya ay sinalungat.

"Saan nanggagaling ang tiwala mo sa sarili?"

"Kakasimula mo pa lamang pamunuan ang kumpanya; wala kang alam kung paano pinalalakad ang mga bagay, kaya saan nagmumula ang bilib mo sa sarili?"

"CEO XI, hindi sa hindi kami naniniwala sa iyong paningin, pero wala talaga siyang kakayahan na pamunuan ang kumpanyang ito."

Hindi din inisip ni Jiangsan na walang muwang si Xinghe. Pero alam niya, sa kaloob-looban niya ay hindi siya ganoon. Isa siyang mahalagang parte sa pagtulong sa Xi family na mapagtagumpayan ang mga problema ng sunud-sunod.

Sinasabi ba nila na walang muwang ang babaeng ito? Pero hahayaan ba ng aking ama na isang muwang na babae ang tutulong sa kumpanya?

Maingat na nagtanong si Jiangsan kay Xinghe. "Xinghe, ano ba ang talagang plano mo? Bakit hindi mo sabihin sa amin ang kabuuan ng iyong plano at pag-usapan natin ito ng magkakasama?"

"Hindi ko magagawa, ang oras ay hindi pa tama," mahinang sambit ni Xinghe. "Umaasa ako na tutulungan ninyo ako sa aking plano. Ang tanging bagay na maipapangako ko ay kahit na mamatay ako, tutulungan kong protektahan ang kanyang dugo, pawis at luha!"

Nanginig ang mga mata ni Jiangsan. Ang iba pa ay nanahimik na din. Nakita nila ang pangako ni Xinghe na nakakaantig at nakakalungkot.

Ang mapaalalahanan ng sitwasyon ng kanyang anak ay nagdulot ng malungkot na pagsimangot sa mukha ni Jiangsan.

Kung nandito si Mubai, ano ang gagawin niya? Pagkakatiwalaan niya ng walang kundisyon si Xinghe.

Kahit na may sariling pamamaraan si Mubai, anak pa din niya ito. Alam ni Jiangsan ang takbo ng isip nito, kaya naman, alam niyang susuportahan ni Mubai si Xinghe sa kahit na anong paraan. Dahil handa itong isakripisyo ang sarili para iligtas ito.

Gayunpaman, wala na ito, wala nang susuporta pa dito. Sa kasong ito, siya na ang kakatawan sa kanyang anak para ipasa ang kahilingan at kagustuhan nito.

Itinaas ni Jiangsan ang kanyang ulo at determinadong inanunsiyo, "Susundin natin ang sinabi ni Xinghe at mga utos niya. Mula ngayon, siya na ang magiging responsable sa pagpapatakbo ng kumpanya. Ako na ang bahalang umako ng responsibilidad."

Ano?! Ang lahat ng nasa loob ng silid ay gulat na napatingin sa kanya. Si Xinghe din ay nagulat; hindi niya inaasahan ang suporta mula kay Ginoong Xi.

Maawtoridad na nagpatuloy si Jiangsan, "Huwag ninyong piliin ang isang taong hindi ninyo pinagkakatiwalaan; piliin ninyong pagkatiwalaan ang pinili ninyo. Umaasa ako na tatandaan ninyo na kailangan nating mapagtagumpayan ang problemang ito sa pamamamagitan ng pagkakaisa at tiwala!"

Matapos sabihin ito ni Jiangsan, wala nang nangahas pang magreklamo.