"Salamat na lamang, nagtapos ng maayos ang lahat para kay Charlie. Napahanga si Philip sa ugali niya at ngayon ay siya na ang pinuno ng security para sa presidente," masayang pagtatapos ni Ali.
Si Xia Zhi na nanunubok ng may interes ay napahiyaw bigla, "Ang Philip na pinag-uusapan ba ninyo ay ang bagong presidente ng Country Y?"
Si Sam at ang iba pa ay natural na tumango. "Tama iyon."
"Wow, kilala ninyong lahat ang presidente. Nangangahulugan ba nito na kilala din ng kapatid ko ang presidente?" Bumaling ng tingin si Xia Zhi kay Xinghe, ang kanyang mga mata ay nanlalaki sa hindi pagkapaniwala.
Humagikgik si Ali. "Hindi lamang kilala ni Xinghe si Philip, kinuha din siya nito bilang kinakapatid."
"Ano?!" Nagulantang si Xia Zhi. Anong kapatid, bakit wala akong naririnig na tungkol dito?
"Sis, totoo ba ang sinasabi nila?"
Walang pakialam na tumango si Xinghe. "Totoo iyon; hindi ko na lamang sinabi dahil sa tingin ko ay hindi naman ito importante."
Nagrereklamong bumubulong-bulong si Xia Zhi na tila nainsulto, "Napaka-importante nito, okay? Paano mo nagawang itago ang katotohanan na ako ang nakakabatang kapatid ni Philip ng ganoon katagal?!"
Sina Xinghe, Ali, Sam, Wolf at Cairn ay nahihirapang sundan ang iniisip nito. Kailan ka pa naging nakakabatang kapatid ni Philip?
Habang hinaharap ang nalilitong hitsura ng mga ito, napabuntung-hininga si Xia Zhi na tila nag-aalala siya sa talino ng mga ito, "Kung ang ate ko ay kapatid ni Philip, kapatid ako ni Philip, tama?"
Ang weirdo niyang lohika ay biglang nagkaroon ng saysay.
"Wow, ako ang nakakabatang kapatid ng presidente; kailangang sabihin ko kay dad ang mabuting balita na ito!" At matapos nito, nagmamadaling lumabas ng silid si Xia Zhi.
Napakurap si Sam. "Xinghe, ang kapatid mo ay talagangโฆ kakaiba." Si Ali at ang iba pa ay tumatango bilang pagsang-ayon.
Hindi makapagsalita si Xinghe. Ang kapatid niyang ito ay may nakakatawang sandali din. Matapos ang ilan pang pagbati, sa wakas ay nagdesisyon na si Sam na pag-usapan ang talagang layunin nila sa pagpunta doon kay Xinghe.
"Sumama kayo sa akin sa study." Tumayo si Xinghe at iginiya sila paakyat.
Nang pumasok na sila sa study, tumigil na sila sa pagiging masiyahin at nagsimula nang magseryoso. Natatakot sila na baka matakot nila si Xinghe, kaya naman pinipigilan nila ang kanilang mapanganib na presensiya.
Ngayon, ang hitsura nila ay tulad na noong sila ay nasa Country Y. Ang kanilang mga tingin ay matalim at mapanganib. Ito ay ang kakaibang presensiya na nakasanayan na nila mula sa paglaki sa isang bansa na puno ng digmaan.
Mas gusto ni Xinghe ang parteng ito ng mga kaibigan niya dahil may kakaibang emosyon dito.
"Xinghe, ang totoo ay nandito kami dahil sa kahilingan ni Philip," sabi ni Sam sa mababang tinig.
"Utos niya?" Nalilitong sabi ni Xinghe.
Tumango si Cairn. "Gusto niya na pumunta kami dito para protektahan ka at narito kami dahil sa isang misyon."
"Kung saan ay para kuhanin ang iyong pakikipagtulungan."
"Ano'ng klase ng pakikipagtulungan?" Mas lalong naguluhan si Xinghe.
Bahagyang ngumiti si Ali. "Maaaring pakikipagtulungan ito pero ang totoo ay para mabayaran ang iyong pabor. Alam mo ba kung anong kalakal ang iniluluwas at tanyag ang Country Y?"
Alam ni Xinghe ito; ang buong mundo ay marahil alam din ito. "Mga diyamante."
"Tama iyon, animnapung porsiyento ng mga diyamante sa mundo ay nagmumula sa Country Y. Nabanggit ni Philip na humiling si Mr. Xi na magkapirmahan ng isang kontrata sa pagmimina ng diyamante sa Country Y at pumayag si Philip. Kaya naman, ipinadala niya kami dito para dalhin sa iyo ang kontrata, kung gusto mo, maaari mo na itong pirmahan ngayon. Sa pag-aangkat naman ng diyamante mula sa Country Y patungo sa Hwa Xia, ikaw ang magiging pinaka ahente, para makontrol ang buong merkado ng diyamante sa bansang ito."
Nagulat si Xinghe. "Ito ang sinabi ni Philip?"
Tumango si Ali. "Oo, sinabi niya na ito daw ang pagbabalik daw ng puhunan ni Mr. Xi."