Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 544 - Ang Pink Diamond

Chapter 544 - Ang Pink Diamond

Matapos niyang paalisin ang mga security guard nang may paumanhin, humarap si Xia Zhi para makita ang mga tinawag niyang assassin na masayang pinaliligiran ang kanyang kapatid.

"Xinghe, matagal tayong hindi nagkita. Na-miss kita ng husto." Masaya ang mga mata ni Ali na nakatingin sa kanya, parang dalawang matagal na magkaibigang nagkikita matapos ang mahabang panahong pagkakalayo.

"Lahat kami ay hinahanap-hanap ka," dagdag ni Sam. Tahimik si Wolf, pero makikita na may ngiti ang mga mata nito. Ang may ginintuang buhok na si Cairn ay nakatayo sa gilid at nahihiyang ngumiti.

Ang kasabikan sa kanilang mga puso matapos makita si Xinghe pagkatapos ng isang buwan ay hindi maipaliwanag. Maaaring hindi nila kilala ang isa't isa ng mahabang panahon, pero ang relasyong ito ay napagtagumpayan ang napakaraming di-malilimutang pagkakataon na habambuhay na nakatatak sa kanilang mga puso. Ganoon din ang nararamdaman ni Xinghe.

Ilang panahon na nawala ang pakiramdam ng pagiging masaya, pero ngayon, nagbigay siya ng madalang na ngiti. "Bakit narito kayong lahat?"

Ibinaba ni Sam ang kanyang shoulder bag sa sahig at patamad na humilig sa sofa. "Ang mga bagay ni Charlie ay natapos na, at wala kaming magawa, kaya naman nagpasya kaming tuparin ang pangako namin at bisitahin ka."

Maraming bagay na sasabihin si Ali kay Xinghe nang binanggit ito ni Sam. "Xinghe, alam mo ba, ang totoong dahilan sa pagkakakulong ni Charlie ay dahil sa kanyang milyonaryong patron? Sa pinaiksing istorya, isang araw habang ginaguwardiyahan ni Charlie ang kanyang boss pauwi, ay natambangan sila. Ang boss ay dinukot pero walang natamong sugat si Charlie. Kaya naman, ang duda ng mga pulis ay siya ang may pakana ng pagdukot, ang dahilan ay dahil sa gusto niyang makuha ang pink diamond na palaging dala ng boss niya sa lahat ng oras na nagkakahalaga ng ilang bilyong dolyar. Si Charlie ang tanging nag-iisa na nakakaalam na hawak ng boss niya ang bagay na ito, kaya naman walang paraan si Charlie na malinis ang kanyang pangalan. Matapos nito ay ipiniit siya sa bilangguan ng ilang taon. Matapos siyang mapakawalan, nakilala niya kami at kinupkop niya para turuan."

"Gayunpaman, hindi siya sumuko sa paghahanap ng lokasyon ng kanyang dating boss. Sa anumang paraan ay nalaman ni Barron ang tungkol sa kanyang nakaraan at nagduda din na si Charlie ang kumuha ng pink diamond para sa sarili nito. Kaya naman dinakip siya nito at tinanong; para malaman ang lokasyon ng pink diamond.

"Ang malas naman ni Charlie dahil hindi talaga niya alam kung nasaan ang diyamante. Pinahirapan siya para sa walang kadahilanan. Mabuti na lamang, matapos na maging presidente ni Philip, lumapit sa kanya si Charlie para humingi ng tulong at sa wakas ay nabunyag din ang katotohanan. Alam mo ba kung ano talaga ang nangyari?"

Sabik na tumingin sa kanya si Ali. Umiling si Xinghe. "Wala akong alam."

"Ang salarin ay ang asawa niya!" Hindi makapaniwalang sabi ni Ali. "Ang asawa niya ay alam din ang tungkol sa pink diamond at, para makuha ito sa kanya, ay umupa siya ng ilang partido para patayin ang asawa niya at mapunta ang sisi kay Charlie. Ang ganitong klase ng babae ay nakakatakot, hindi ba? Kabahagi na niya sa diyamante ang kanyang asawa, pero para masarili ito, nag-utos siya na patayin ang asawa niya; kabaliwan talaga."

Idinagdag ni Sam ang kanyang opinyon, "Ipinapakita nito kung gaano karupok ang kanilang relasyon. Dahil ang pink diamond ay hindi nila pag-aari ng pareho."

"Pero ayon sa babaeng iyon, pakiramdam daw niya ay ang pink diamond ay masyadong maganda para mapunta sa kamay ng iba maliban sa kanya…" tila ba nakikita ni Ali ang mukha ng babaehabang sinasabi nito ang mga kabaliwang ito, hindi sinasadyang nanginig pa si Ali.

Hindi alam ni Xinghe kung ano ang sasabihin kaya siya ay nagtanong, "Nasaan na ang pink diamond ngayon?"

Sinabi ni Ali ng hindi mapipigilang kasiyahan, "Ang babae ay walang anak at ang milyonaryo ay walang malapit na kamag-anak, kaya ang bagay na ito ay pagmamay-ari na ng bansa."

Nakangiting sinabi ni Cairn ang katapusan, "Ang babaeng iyon ay ginawa ang lahat para sa diyamante, pero ang kawawang si Charlie ang kailangang mahirapan dahil sa kanyang histerya."