Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 542 - Hindi Maaasahan si Xinghe

Chapter 542 - Hindi Maaasahan si Xinghe

Hindi naman kalabisan na sabihing hindi patas ang Bao Hwa sa paggamit ng kanilang kamalasan para kumita sila.

"Ang totoo, sinusubukan na naming bilhin ang mga stock mula sa ating mga shareholder, pero sinasadya na tayong kalabanin ng Bao Hwa. Hinaharap din nila ang parehong shareholder na kinakausap namin at dinodoble pa ang presyo para bilhin ang shares mula sa kanila," seryosong sabi ni Haoran.

Tumalim ang mga mata ni Xinghe. "Ano ang pangunahin nilang negosyo?"

"Alahas," isa sa kanila ang sumagot.

Idinagdag pa ni Junting, "Sila ang pinaka nangungunang kumpanya sa negosyo ng pag-aalahas, ang totoo ay numero uno sa buong Hwa Xia."

"Pero ang pag-aalahas at computing ay dalawang magkaibang industriya," mahinang sambit ni Xinghe.

Nagtanong si Junting, "Miss Xia, sa tingin mo ba ay may mas malaking nangyayari? Siyempre, iniisip din namin na sinasadya nilang gipitin ang Xi Empire. Halatang-halata naman ito."

Isa pa, ang Bao Hwa ay nasa City A at ang Lin family ay mula din sa City A. Kinakailangan ni Xinghe ng ibayong pag-iingat.

"Titingnan ko ito. Maaari na kayong bumalik sa ngayon; tatawagan ko kayo kapag may plano na ako."

"..." si Junting at ang iba pa ay natigilan. Ito na iyon? Ang pagpupulong ay natapos ng hindi lalabis sa isang oras.

Hindi sila binigyan ni Xinghe ng kahit anong suhestiyon o proposal at agad na silang pinaaalis? Hindi ba't masyado namang simple ang pagpupulong na ito?

Nakikitang hindi pa sila naghahanda para umalis, mahinang nagtanong si Xinghe, "May iba pa ba?"

"Iyon lang!" Mabilis na sabi ni Junting, "Miss Xia, pakiusap ay huwag kang mag-aatubili na tawagan kami kung may kailangan ka."

"Okay. Zhi, tulungan mo akong ihatid palabas ang mga bisita."

Tinapos agad ni Xinghe ang pulong ng ganoon na lamang.

Sa sandaling umalis sila sa villa nito, sumimangot si Haoran. "CEO Tang, ang duda ko sa Xia Xinghe na ito ay hindi pa din nawawala. Sa buong pagpupulong, nagtanong lamang siya ng isa o dalawang bagay at hindi nga tayo nagkaroon ng aktuwal na diskusyon. Talaga bang maaasahan natin siya?"

Taimtim na tumango si Junting. "Huwag kang mag-alala, magiging ayos lang."

Gayunpaman, sa loob-loob niya, ay nagsisimula na siyang magkaroon ng alinlangan. Miss Xia, pakiusap ay huwag mo kaming biguin kung hindi ay hindi na kita magagawang suportahan pa ng mas matagal…

Si Xia Zhi ay nasa pintuan pa nang nagrereklamo ang mga ito kaya naman narinig niya ang lahat. Matapos niyang isara ang pintuan, nagmamadali siyang tumungo sa tabi ni Xinghe para magreklamo, "Sis, ang nakasalamin na lalaking iyon ay sinisiraan ka ng patalikod!"

Walang masyadong reaksiyon si Xinghe. "Ano ba ang sinabi niya?"

"Sinabi niya na hindi ka maaasahan at nagdududa siya kung maililigtas mo ang kumpanya."

"Iyon lang?"

"Maliban kay senior, wala nang naniniwala pa sa iyo."

Nakakaunawang tumango si Xinghe. "Normal lamang iyon. Huwag mo na lang silang pansinin, sumunod ka sa akin patungo sa study."

"Bakit tayo pupunta doon?" Tanong ni Xia Zhi.

"Para imbestigahan ang Bao Hwa."

Ang iba ay hindi makakakuha ng impormasyon sa Bao Hwa pero magagawa ni Xinghe. Hanggang ang impormasyon ay makukuha online ay makukuha niya ito. Matapos ang ilang pananaliksik, nalaman na niya kung saan napunta ang isyu.

Ang nakarehistro sa Bao Hwa, ang pinakamalaking shareholder, ay si Lin Jing.

"Siya iyon," tinitigan ni Xinghe ang pangalan at malamig na sinabi. Tinutulungan ni Xia Zhi si Xinghe sa kanyang pananaliksik sa Lin family, kaya naman pamilyar siya sa family tree ng mga ito.

"Ito na kaya ang fifth miss ng Lin family, ang biyolohikal na kapatid ni Lin Xuan?" Napasinghap si Xia Zhi.

Tumango si Xinghe. "Siya na nga iyon."

Galit na nagreklamo si Xia Zhi, "Kaya naman pala pinupuntirya nila ang Xi Empire. Ito ay kagagawang lahat ng Lin family, ano ba ang eksaktong pinaplano nila?!"

Related Books

Popular novel hashtag