Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 541 - Piliin na Magtiwala sa Akin

Chapter 541 - Piliin na Magtiwala sa Akin

Gayunpaman, sa oras ng kagipitan na tulad nito, gusto niyang ibigay ang kanyang tulong sa Xi family. Kaibigan siya ni Mubai, kaya naman malungkot din siya matapos niyang mabalitaan ang tungkol sa aksidente ni Mubai. Ang tanging bagay na magagawa niya sa ngayon ay ang tulungang mapanatili at maayos ang business empire nito.

Siyempre, kilala din ni Junting si Xinghe. Fan siya nito matapos ang Hacker Competition mula noong nakaraang taon.

Tumango sa kanya si Xinghe alang-alang sa pagkakakilala nila dati bago sinasabi sa kanila na, "Maupo na kayo, kailangan kong sabihin ninyo sa akin ang tungkol sa pinakabagong development ng kumpanya. At mula sa ngayon, ako na muna ang mamumuno sa kumpanya alang-alang kay Mubai, sana ay maging maayos ang ating pagtatrabaho ng magkakasama."

Nabalitaan na nila ang mga bagay tungkol kay Xinghe bago pa sila dumating. Alam nila kung paano nito natalo ang kanyang mga kakumpetensiya sa Hacker Competition at mayroon na siyang sariling kumpanya. Ang kaniyang kumpanya, na may solong produkto ng X Manager, ay kumita na ng limpak-limpak.

Isa pa, ang kanyang software ay walang kahalintulad at kapalit sa merkado dahil wala nang mas magaling pa dito. Alam na din nila ang tungkol sa isa pang katauhan nito, kung saan siya ang ang dating asawa ni Mubai at ang ina ni Lin Lin. Alam din nila na may plano silang magpakasal muli.

Kaya naman, wala silang isyu nang magdesisyon ang Xi family na ibigay ang kumpanya sa kanya. Gayunpaman, maliban kay Junting, ang iba pa ay may duda pa din sa kanyang kakayahan.

"Miss Xia, kaya mo ba talagang pamunuan ang kumpanya?" Isang nakasalaming lalaki na nagngangalang Jiang Haoran ang maingat na nagtanong. Ang iba pa ay hindi na nagsalita, naghihintay sa kanyang sagot.

Kalmadong tumango si Xinghe. "May tiwala akong magagawa ko kung hindi ay hindi ko tinanggap ang pakiusap na ito."

"Pero wala kang karanasan sa pamumuno, kahit na ang iyong kumpanya ay pinamumunuan ni Xiao Mo." Talagang pinag-aralan siya ng husto ni Haoran.

"Kailangan bang maging mahusay sa pamumuno ang isa para mailigtas ang kumpanyang malapit ng mamatay? May mga tao mula sa Xi family at sanay na manggagawa tulad mo para hawakan ang pamumuno. Ang tungkulin ko ay magbigay lamang ng mga taktika sa negosyo. Alam kong lahat kayo ay nagdududa sa kakayahan ko pero huwag kayong mag-alala, mas nananaig ang resulta kaysa sa mga salita lamang. Isa pa, wala ka nang mapagpipilian kundi ang magtiwala sa akin," sambit ni Xinghe ng may kaunting pagmamalaki. Gayunpaman, ito ay dahil sa lahat ng sinabi niya ay pawang katotohanan. Kung wala man lamang kahit kaunting tiwala sa pagitan nila, paano nila mapapagtagumpayan ang pagsubok na ito ng magkakasama?

Sumasang-ayon na tumango si Junting. "Tama iyon, ang magagawa natin ay magtiwala na lamang kay Miss Xia ngayon. Isa pa, dahil sa pinagkakatiwalaan siya ng Xi family, ibig sabihin ay talagang may kakayahan siya. Kailangan nating makipagtulungan sa kanya dahil sa pamamamagitan lamang ng pagkakaisa ay magagawa nating makaligtas sa problemang ito."

Matapos ng sinabi ni Junting, wala nang iba pang nagkomento. Pinili nila ang makipagtulungan.

Alam ni Xinghe na tinutulungan siya nito at naalala ang kabutihan nito sa kanyang puso. Kahit na si Xia Zhi na pumasok para magsilbi sa kanila ng kape ay narinig si Junting at, habang walang nakatingin sa kanya, ay binigyan ito ng isang malaking thumbs up. Senior, mahusay ang ginawa mo!

Ginantihan siya ng ngiti ni Junting bilang ganti. Matapos na maibigay na ang mga kape, nagpaalam na si Xia Zhi; hindi niya gustong maistorbo pa sila.

Dahil sa pamumuno ni Junting, ang lahat ay nagsimula nang ibalita sa kanya ang pinakabagong pangyayari.

Nahinuha ni Xinghe matapos na magsalita ang lahat ng, "Ang pinaka pangunahing isyu ay ang Bao Hwa. Ito ay dahil binibili nila ang mga shares kaya naging seryoso ang mga bagay-bagay."

Tumango si Junting. "Tama iyon. Ang Bao Hwa ay isang malaking kumpanya sa City A; rehistrado din itong IPO. Kaya naman, may mga asset sila na gawin ang kanilang ginagawa. Gayunpaman, wala silang kinalaman sa online business. Naniniwala ako na ang pagbili ng ating mga share ay para tulungan ang kanilang sarili na ihanda ang daan nila sa pagpasok sa online business.

Dahil ang internet ay may matubo at malaki ang kita na bagong industriya; maraming kumpanya ang sumusubok na makakuha ng parte nito.