Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 540 - Hayaang si Xinghe ang Mangasiwa Nito

Chapter 540 - Hayaang si Xinghe ang Mangasiwa Nito

Sa loob lamang ng ilang araw, ang mga share na ito ay nakain na agad. Nagkagulo tuloy ang media, na sinasabing ang Xi family ay palugi na. Ang alamat sa negosyo sa Hwa Xia ay magsasara na!

Humina ang Xi Empire matapos ang mga chismis na ganito. Nawalan ng gana magtrabaho ang mga empleyado, ilan pa nga sa mga ito ay nagplano nang lumipat ng mapapasukan. Hindi na nila hihintayin pa ang pagkalugi bago lumipat ng trabaho dahil magiging masyado nang mahirap pa ang kumpetensiya dahil ang buong kumpanya ang mawawala. Kaya naman, nagdesisyon na silang maunang umalis. Ang unang bugso ng mga nagsialisan ay nagdulot ng pangamba sa buong kumpanya.

Ang aksidente ni Mubai ay nagdulot na ng malaking dagok sa kanyang ama. Isa pa, lampas na siya sa edad ng pagreretiro, kaya naman nakaramdam siya ng pagod sa muling pagbabalik sa mundo ng business. Habang kinakaharap ang pressure mula sa lahat ng anggulo, ang kawalan ng pag-asa ay lumalaki sa kanyang kalooban.

Ganito din ang sa Xi family. Isang makapal na kalungkutan ang tumabing sa kanila na tila belo, na nag-alis ng kanilang mga ngiti.

Ang mga problema sa kumpanya ay nagdagdag lamang ng kanilang stress. Ito ang produkto ng paghihirap ni Mubai, hindi nila magagawang harapin siya kapag ang kumpanya ay bumagsak. Gayunpaman, kahit gaano pa kahirap ang gawin nilang pagsisikap, patuloy na humihina ang mga bagay.

Hapang pinapanood ang unti-unting pagbagsak ng business empire nila, sobra ang naging kalungkutan ni Jiangsan. "Ito na ba talaga ang katapusan para sa ating Xi family?"

"Asawa ko, dapat ay lumaban tayo kahit paano," pag-alo sa kanya ni Ginang Xi. Ang kanyang anak ay nasa bingit ng kamatayan, at ang asawa niya ay nababaon na sa panggigipit. Nararamdaman ni Ginang Xi na ang kanyang puso ay napupunit habang pinapanood ang mga paghihirap ng mga ito, pero ang isang babaeng tulad niya ay walang magagawa para dito…

Sa pagpupulong ng kanilang pamilya, isang hitsurang napapagod na si Lolo Xi ay biglang ipinahayag na, "Kailangan nating kuhanin ang tulong ni Xinghe.:

Natigagal sina Ginoo at Ginang Xi.

"Dad, ano ang ibig mong sabihin diyan?" Nalilitong tanong ni Jiangsan.

Determinadong nagpaliwanag si Lolo Xi, "Balak kong ibigay ang kumpanya kay Xinghe! Mas marami siyang alam kaysa sa atin kung computer ang pag-uusapan; maaari niyang maisalba ang kumpanya."

Sumagot si Jiangsan, "Maaaring isa siyang mahusay na computer expert, pero hindi ibig sabihin nito ay magaling siya sa pagpapalakad ng isang kumpanya. Hindi sa hindi ako naniniwala sa kanya, pero wala siyang karanasan dito, natatakot ako na baka sobra naman ito para sa kanya."

"Kung gayon, tutulungan mo siya, isa pa naniniwala ako sa kanya," pahayag ni Lolo Xi. "Tawagan mo siya ngayon at hingin ang tulong niya. Kung pumapayag siyang tumulong, handa tayong bayaran siya sa anumang paraan niya gusto."

Nagkatinginan sina Ginoo at Ginang Xi at nagdesisyon na doon. Alam din nila ang kakayahan ni Xinghe, maaaring makagawa nga ito ng isang milagro.

"Tatawagan ko na siya ngayon." Sa kanyang sorpresa, habang inilalahad pa lamang niya ang pakiusap at bago pa niya sabihin ang kabayaran, pumayag na si Xinghe.

"Xinghe, ang kumpanya ay hindi maganda ang takbo sa kasalukuyan, puno ito ng problema. Kailangan mo itong ikunsidera ng maigi, kaya bang matagalan ng pisikal mong kondisyon ang bagay na ito?" Nag-aalalang tanong ni Ginoong Xi.

"Magiging ayos lamang ako. Huwag kayong mag-alala, iisip ako ng paraan."

"Sige, maaari ka na magpunta sa kumpanya sa kahit anong oras. Susuportahan kita kahit na ano pa ang mangyari."

"Salamat, pero sa ngayon, ang kailangan ko ay ang lahat ng impormasyon, mas marami at mas detalyado kung posible."

"Walang problema, ipapadala ko ang ilang manggagawa sa iyo ngayon."

Matapos niyang ibaba ang tawag, agad na ipinatawag ni Ginoong Xi ang sekretarya sa kanyang silid.

Pinapunta din niya ang pinakatapat, mahusay at mataas na katungkulang mga manggagawa para tumulong kay Xinghe.

Hindi nagtagal, dumating sila sa bahay ni Xinghe. Ang isa sa kanila ay si Tang Junting. Ang totoo niyan, si Junting ay hindi empleyado ng Xi Empire kundi ang kasosyo sa negosyo.