Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 529 - Nasa Amin ang Ebidensiya

Chapter 529 - Nasa Amin ang Ebidensiya

"Third brother, hindi naman ito kasalanan ng kung sinuman; ito ay dahil lamang sa sobrang malas ni Feng Saohuang. Sino ang mag-aakala na may kaugnayan siya sa IV Syndicate at ang organisasyong iyon ay nawasak bigla? Nangyari pa na ang mga ebidensiya ng kanyang mga krimen ay nabunyag at naibigay sa Xi family, na nagbigay sa kanila ng perpektong pagkakataon para makalaban. Kasalanan ito ng swerte."

Ang seryosong tingin ni Lin Xuan ay dumilim pero ang kahulugan nito ay hindi mabasa. "Tama iyon, masyado lang sigurong malas na ang IV Syndicate ay nangyari na mawasak…"

"Tama iyon, kaya hindi ko kasalanan ito," sumisipsip na sabi ni Lin Yun. "Third brother, hindi ka naman galit sa akin, hindi ba?"

Tumingin sa kanya si Lin Xuan at ngumit. "Siyempre hindi."

"Third brother, ikaw na talaga ang pinakamabait!" Nagbigay ng ngiti si Lin Yun, pero ang ngiti niya ay pilit. Diyos ko, sana hindi nila malaman ang tungkol sa bagay na iyon kung hindi ay malaki ang pagbabayaran ko!

Bigla, sinabi ng tsuper na, "Third young master, may kotseng humahabol sa atin!"

Naningkit ang mga mata ni Lin Xuan at bumaling siya para tumingin kasabay ni Lin Yun. Tulad ng ibinalita ng tsuper, mayroon ngang sports car na sumusunod sa kanial. Sa wind screen, nakita ni Lin Yun na si Mubai ang nagmamaneho. Napasinghap siya, "Iyon si Xi Mubai!"

Inutusan ni Lin Xuan ang tsuper, "Itigil mo sa gilid ng kalsada."

"Yes, sir!"

Sa sandaling tumigil sila, nakahabol ang kotse ni Mubai. Lahat sila ay bumaba ng kotse. Nang makita ni Lin Yun ito at si Xinghe, ay nagtanong siya ng puno ng reklamo, "Bakit ba ninyo kami sinusundan?"

Sinulyapan ni Xinghe si Lin Xuan bago malamig na tumugon, "Bakti? Iyan ang tanong namin para sa iyo. Ang pagsususpetsa sa iyo ay hindi pa naaalis, kaya bakit tumatakas ka na?"

Agad na nagalit si Lin Yun. "Anong suspetsa? Si Feng Saohuang ay si Feng Saohuang at ako ay ako. Maaaring kilala ko nga siya, pero hindi ibig sabihin nito ay nakikipagtulungan na ako sa kanya sa mga ilegal niyang gawain."

Ngumiti si Mubai. "Malalaman natin iyan matapos mo kaming sundan sa istasyon ng pulis."

Biglang kinutuban ng masama si Lin Yun.

"Bakit ko naman kayo susundan sa istasyon?" Pairap niyang sabi. "Mula ako sa Lin family; kaya kong umalis kung kailang ko gusto, ano ang karapatan ninyo para pigilan ako?"

"Natural laman na pigilan ka, dahil may ebidensiya kami ng mga krimen mo," mabagal na sagot ni Xinghe.

Ang tingin ni Lin Yun ay nabahiran ng taranta, pero magaling niya itong naitago.

"Xia Xinghe, mayroon ka bang ebidensiya bago ka mang-akusa ng mga tao. Mayroon ka bang hawak laban sa akin? Nakakatawa naman, ano'ng klase ng pruweba?" Buong kumpiyansang balik ni Lin Yun. Hindi siya naniniwala na ilalaglag siya ni Saohuang dahil inisip niya na kailangan pa nito ang Lin family para sagipin siya. Dahil hindi naman ganoon katanga si Saohuang para ibigay ang hawak nitong alas laban sa kanya at, bilang karugtong, sa Lin family tungo sa tagapagpatupad ng batas.

Gayunpaman, masyado siyang mayabang para maisip na ang krimen ni Saohuang ay masyadong malaki na para sa Lin family na mapatawad. Kaya naman, bakit niya babantaan ang Lin family para sa walang dahilan? Sa bandang huli, walang tiwala si Saohuang sa Lin family. Ang gipitin sila ay magiging dahilan lamang ng pagpapapatay ng mga ito sa kanya.

Dahil ang pagmamakaawa sa Lin family ay magdudulot din ng kamatayan, nakagawa siya ng mas mainam na desisyon sa pakikipagtulungan sa mas marangal na Xi family sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng kriminal na ebidensiya ni Lin Yun. Maaaring kinasusuklaman siya ng Xi family, pero marunong tumupad ang mga ito ng usapan.

Inisip ni Lin Yun na matalino na siya pagdating sa paggawa ng mga plano, pero malinaw na mas daig pa siya ni Feng Saohuang.

Tumingin sa kanya si Xinghe at ngumiti. "Ano'ng klase ng pruweba? Natural ito ang pruweba na nakikipagtulungan ka kay Feng Saohuang na ma-frame ang Xi family! Alam mo naman kung ano ang sinasabi ko, hindi ba, Miss Lin?"

Related Books

Popular novel hashtag