Chapter 530 - Takot

Agad na nagbago ang hitsura ni Lin Yun. Paano nila nalaman? Ibinigay ba sa kanila ni Saohuang ang impormasyon? Imposible iyon…

Ang mga pagbabago sa mukha ni Lin Yun ay buong nakita ni Lin Xuan. Mahina itong nagtanong, "Xiao Yun, ano'ng klase ng ebidensiya ang mayroon sila laban sa iyo?"

"Third brother, hindi ko…" Isang natatarantang Lin Yun ang sumubok na magpaliwanag, "Mali ang pag-aakusa nila sa akin! Bakit ako gagawa ng bagay na ilegal? Kalokohan ang mga sinasabi nila dahil sa hindi nila ako gusto."

Sarkastikong tumawa si Mubai. "Kayong Lin family ang perpektong nakakaalam kung ang miyembro ng pamilya ninyo ay kayang gumawa ng ilegal o hindi. Ikaw si Lin Xuan, tama? Hindi mo pupwedeng isama si Lin Yun, kailangang sumunod siya sa amin papunta sa presinto!"

Hindi pamilyar si Mubai kay Lin Xuan. Minsan o dalawang beses pa lamang sila nagkikita sa ilang mga pagtitipon. Ang tanging alam niya ay may mataas na katungkulan si Lin Xuan sa Lin family, kahit na mas maraming oras itong iginugugol sa ibang bansa.

Ngumiti bilang pagbati si Lin Xuan. "Xi Mubai, alang-alang na lamang sa pagkakaibigan ng ating pamilya, maaari mo bang sabihin sa akin, kung ano'ng klaseng krimen ang ginawa ng may pagkatanga kong nakakabatang kapatid? Kung talagang nasa mali siya, kami ng Lin family ay hindi siya kukunsintihin."

"Third brother, pero hindi ko ginawa." Natatarantang umiling si Lin Yun. "Kailangan mong maniwala sa akin, wala talaga akong ginawang bagay na ganoon…"

"Hindi mo ginawa? Kung ganoon eh ano ito?" At pinatunog ni Xinghe ang recording sa kanyang telepono. Nang marinig ito ni Lin Yun, nanlaki sa pagkagulat ang kanyang mga mata. Ibinigay talaga ni Saohuang sa kanila ang ebidensiya! Paano siya nagkaroon ng lakas ng loob na gawin ito? Nababaliw na ba siya?!

Kahit ang mukha ni Lin Xuan ay dumilim nang marinig na nito ang recording.

Mabagal na sinabi ni Xinghe, "Nagpadala na ako ng kopya ng recording sa hepe ng pulisya. Lin Yun, ang mga pulis ay opisyal nang nagpalabas ng arrest warrant para sa iyo. Mabuti pang isuko mo na ang sarili mo ng kusa at makipagtulungan sa amin."

"Hindi, ang recording ay peke!" Takot ang makikita sa mukha ni Lin Yun. Natataranta niyang hinablot ang braso ni Lin Xuan at nagmakaawa, "Third brother, paninirang-puri ito. Ang recording ay peke, hindi ako makikipagtulungan sa isang tulad ni Feng Saohuang. Third brother, kailangan mong maniwala sa akin!"

Pagod na dito si Xinghe. Iniutos niya, "Malalaman natin kung totoo o hindi ito matapos mo kaming sundan sa presinto."

"Xia Xinghe, itikom mo ang bibig mo. Ako ang young lady ng Lin family at ikaw ay wala lang, sino ka ba para utusan ako? Third brother, pinagtutulungan nila akong apihin, kailangan mo akong tulungan!" Nagsimula nang umiyak si Lin Yun, na tila ba talagang inaakusahan siya.

Nanlamig ang mga titig nina Xinghe at Mubai. Nakakadiri talaga ang babaeng ito.

"Lin Xuan, hindi mo maaaring isama si Lin Yun kung hindi ay makakasuhan ka din sa pagtulong at pagkupkop ng isang takas na bilanggo," direktang sinabi ni Mubai at binalaan si Lin Xuan.

Biglang hinila ni Lin Xuan ang kamay ni Lin Yun at inalo ito, "Xiao Yun, dahil sinabi nila na may ebidensiya sila sa iyo, kailangan mong manatili para tumulong sa kanilang imbestigasyon. Sa oras na ito, kahit si Third brother ay hindi ka na matutulungan, pero huwag kang mag-alala, kung inosente ka, siguradong sasagipin ka namin."

Natatakot na talaga si Lin Yun. Napanganga siya kay Lin Xuan ng hindi makapaniwala. Sa nanginginig na boses, nauutal niyang sinabi, "Third brother, ano, ano ang sinasabi mo…"

Ginamit ni Lin Xuan ang kanyang daliri para magiliw na pawiin ang mga luha nito at ngumiti. "Xiao Yun, ang ating Lin family ay kailangang tanggapin ang responsibilidad sa anumang ginawa natin. Maging matapang ka; siguradong sasagipin ka namin."

"Pero…" Pero ang ebidensiya ay totoo. Kapag nadakip ako, ito na ang katapusan para sa akin.

"Third brother, hindi ako maaaring sumama sa kanila, hindi ako sasama," umiling si Lin Yun na puno ng takot, natatakot na talagang aabandunahin siya nito.

Related Books

Popular novel hashtag