Wala namang kaso sa kanya na ibahagi ang impormasyon tungkol sa enerhiyang kristal kay Saohuang dahil kailangan din niya ang impormasyon mula dito. Kailangan niyang magbigay para may makuha siya. Gayunpaman, ang palitan ay wala sa kanyang pabor dahil mukhang kakaunti ang alam ni Saohuang kaysa sa kanyang inaakala.
Direkta nitong sinabi, "Wala akong masyadong maraming katanugan; nagtataka lamang ako kung bakit nilapitan ninyon dalawa si Xia Meng. Kung talagang mayroong motibi, sigurado akong ang puntirya natin ay pareho lamang. Ang bagay na iyon ay napakaespesyal, pero wala akong alam sa kung ano talaga ang gamit nito, baka naman alam mo."
"Anong bagay ba iyon?" Tanong ni Xinghe.
Tiningnan siya ni Saohuang at tumawa. "Ganoon ka ba talaga katanga o sa tingin mo ay ganoon ako katanga?"
"Hindi ko makokontrol kung ano ang iniisip mo."
"Xia Xinghe, natalo na ako sa iyo, hindi mo pa din ba sasabihin sa akin ang katotohanan bilang kawanggawa?"
Tinitigan siya ni Xinghe at sinabi, "Kung gusto mo malaman ang totoo ay kailangan mong makipagpalitan ng katotohanan."
Walang magawang napaungol si Saohuang, "Ibinigay ko na sa iyo ang lahat ng alam ko tungkol sa bagay na ito na sinasabi ko sa iyo."
"Sige, kung gayon ay hayaan mo akong tanungin ka, ano ba itong bagay na binabanggit mo?" Direktang tanong ni Xinghe. Hindi tulad ni Saohuang, siya ang higit na nakakalamang sa negosasyong ito. Kung gustong malaman ni Saohuang ang katotohanan, kailangan nitong makipagtulungan sa kanya.
"Isa itong uri ng itim na bakal, pero kung ano ang klase ay wala akong alam," sabi ni Saohuang sa kanya. "Gayunpaman, ang dinig ko ay napakahalaga nito, hindi pa nga lamang ako nakakakita ng isa dati."
"Paano mo nalaman ang tungkol sa bagay na iyon?"
"Alam kong maraming partido ang naghahanap dito at alam ko ang lokasyon nito. Kung gusto mo ito, ay magkaroon tayo ng kasunduan."
Ito talaga ang kanyang layunin. Nagsususpetsa siya na alam ni Xinghe ang tungkol sa enerhiyang kristal at sinadyang ilabas ang ilang impormasyon para subukan ang kaalaman nito. Kung nakita niyang nagpakita si Xinghe ng kaalaman sa paksa ay makakasiguro siya na hinahanap din niya ang enerhiyang kristal. Matapos noon ay maaari siyang humingi ng kasunduan bilang kapalit ng impormasyong hawak niya.
"Ano'ng klase ng kasunduan?" Hindi na ipinagpatuloy ni Xinghe ang paliguy-ligoy pa ngunit dumerekta na sa punto.
Nagkibit-balikat si Saohuang at sinabi, "Tulungan mo akong hindi masali sa death row, iyon lamang ang hinihiling ko."
Itinaas ni Xinghe ang kanyang kilay. "HIndi ba't dapat ay sa Lin family ka humingi niyan?"
Madilim na tumawa si Saohuang. "Dapat ay ikunsidera ko na ang sarili ko na swerte na hindi pa ako ipinapapatay ng Lin family."
"Alam mo na ang pakikipagtulungan sa Lin family ay tulad ng hinihingi mo sa tigre ang balat nito. Nararapat lamang sa iyo ang kapalarang mayroon ka ngayon."
Tumango si Saohuang. "Alam ko, kaya nga handa na akong aminin ang mga kasalanan ko, sasabihin ko na ang lahat. Wala na akong iba pang hiling maliban sa iwasan ang hatol ng kamatayan."
"Mukhang hindi naman ikaw ang tipo ng taong takot sa kamatayan," matamang obserba ni Xinghe.
Ngumiti si Saohuang. "Sino ba ang hindi takot mamatay? Wala ng pag-asa kapag namatay na."
"Ang krimen mo ay napakalaki; kahit ang Xi family ay walang magagawa. Isa pa, wala namang saysay na gawin ang kasunduang ito sa akin, dapat ay dumerekta ka na sa Xi family."
Hindi niya maaaring irepresenta ang Xi family.
Umiling si Saohuang at matiim na tumitig sa kanya. "Sinasabi ng kutob ko, ang makipagkasundo sa iyo ay mas maigi pa kaysa sa Xi family. Isa pa, maniniwala lamang ako sa pangako mo."
"Naniniwala ka sa akin?" Pakiramdam ni Xinghe ay matatawa siya. Magkalaban sila, kaya bakit naniniwala ito sa kanya?
"Tama iyon. Kahit na magkalaban tayo, pero nararapat na magtiwala sa iyo," seryosong sabi ni Saohuang, "Ang totoo nga niyan, kung hindi lamang tayo magkalaban, ayos lang sa akin ang maging kaibigan mo."
"Hindi ayos sa akin na maging kaibigan mo."
"Well, ikunsidera mo na lamang na namali ako ng sinabi," bahagyang ngumiti si Saohuang. "Kaya naman, ano ang masasabi mo, gusto mo pa bang makipagkasundo sa akin dito?"
Nagbigay ng malabong sagot si Xinghe, "Tulad ng sinabi ko, ang krimen mo ay masyadong malaki, wala akong maipapangako sa iyo na kahit ano."