Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 527 - Dumi kay Lin Yun

Chapter 527 - Dumi kay Lin Yun

"Kapag ginawa mo naman ang makakaya mo sigurado ako na magagawa mong suspindihin ang hatol ng limang taon."

Sa ilang kadahilanan, pakiramdam ni Xinghe ay may mas malaking dahilan sa likod nito, gayunpaman ay wala na itong kinalaman sa kanya.

"Ibibigay mo din ang ebidensiya tungkol sa Lin family, tama?" Paniniyak ni Xinghe. Ang kahulugan niya ay malinaw; handa siyang makipagkasundo sa usapan nila dito.

Tumango nang may ngiti si Saohuang. "Siyempre. Nasa akin ang dumi kay Lin Yun. Kapag nangako ka sa akin, makikipagtulungan ako sa abot ng aking makakaya."

"Sige, gagawin ko ang magagawa ko; iyon lamang ang maipapangako ko."

Masigasig na tumango si Saohuang. "Higit pa sa sapat iyon."

Obserba ni Xinghe, "Isa ka ding indibidwal na mahirap basahin. May kinalaman ako na mapunta ka dito, pero mas pinili mong paniwalaan ako habang inaasahan ko naman na kamuhian mo ako."

"Hindi pwedeng mamili ang mga pulubi. Dahil natalo na ako, bakit kailangan ko pang manatili na mamuhi?" Hayagang pag-amin ni Saohuang. "Maaaring kabilang tayo sa magkasalungat na kampo, pero kapag tinulungan mo ako, ayos lamang sa akin na makipagtulungan sa iyo."

"Kung hindi mo pinili ang maling landas, naniniwala ako na sana ay nauwi na may maganda kang kinabukasan."

Tumawa si Saohuang. "Masyado mo naman akong pinapupurihan."

"Sinasabi ko lamang ang totoo. Ngayong tinanggap ko na ang kondisyon mo, sabihin mo sa akin ang lahat ng alam mo."

At iyon nga ang ginawa nito.

"Ang bagay na binanggit ko ay isang bakal na itim na enerhiyang kristal; nagagawa nitong magtago ng napakalaking halaga ng enerhiya, pero wala pang nakakakita nito. Ang namumukod-tangi dito ay ang pinuno ng IV Syndicate dahil mayroon siyang hawak na isa. Iyon lamang ang alam ko, huwag mong hayaang kumalat ang impormasyong mayroon ka ding isa kundi ay kamatayan ang naghihintay sa iyo."

Ang balita na nagpunta si Xinghe sa Country Y ay isang sikreto sa lahat ng nasa labas ng Xi family. Siyempre, hindi din sila idadawit ni Philip. Kaya naman, walang alam si Saohuang na siya ang nagwasak sa IV Syndicate. Kinuha pa nga niya ang enerhiyang kristal doon.

"Ang impormasyong ito ay walang saysay sa akin dahil wala akong ganoong bagay," mabilis na pagsisinungaling ni Xinghe. "Iyon lamang ang lahat ng impormasyong maibibigay mo?"

Nagkibit-balikat si Saohuang. "Tama iyon, hindi ko inisip na wala itong halaga sa iyo."

Ang totoo, may ilan itong gamit. Mabuti sa ngayon ay alam na niyang mas maging maingat sa hinaharap.

"Ano na ngayon ang dumi kay Lin Yun?" Bigla ang sumunod na tanong ni Xinghe.

…

Halos isang oras ang akalipas bago lumabas ng detention center si Xinghe. Hinihintay siya ni Mubai sa labas ng entrada ng buong oras na iyon.

"Ano ang pinag-usapan ninyong dalawa?" Tanong niya habang palapit si Xinghe.

"Pumasok na muna tayo, may lugar tayong kailangang puntahan."

"Okay." Tumango si Mubai at tinulungan siya sa kanyang pintuan. Matapos nilang pumasok, ibinigay ni Xinghe sa tsuper ang address sa isang pasilidad na taguan. Ang dumi na sinasabi ni Saohuang ay makukuha doon. Habang papunta sila doon, sinabi ni Xinghe ang mga importanteng bagay na pinag-usapan nila ni Saohuang kay Mubai.

Humingi siya ng paumanhin, "Nagkusa na akong tanggapin ang alok niya. Ako na ang bahalang isipin ang lahat kaya huwag kang mag-alala."

Ngumiti lang si Mubai. "Hindi naman malaking bagay na maialis siya mula sa hatol ng kamatayan, dahil nakipagtulungan naman siya sa bandang huli. Isa pa, nangako ka naman na gagawin mo ang iyong makakaya, hindi mo ipinangako sa kanya na siguradong maiaalis mo siya doon."

"Pero paulit-ulit niyang na-frame ang pamilya mo, hindi natin mahahayaan na makalampas siya ng ganoon kadali."

Bahagyang ngumiti si Mubai. "Pero, alam mo ba? Para sa mga taong katulad niya, ang kamatayan ang hindi pinakamainam na parusa. Ang mamuhay sa sobrang kahihiyan ang pinakamalaking parusa niya."

Hindi mapigilan ni Xinghe na hindi tumawa, dahil ito din ang kanyang pilosopiya.