Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 528 - Arestuhin Siya Kaagad

Chapter 528 - Arestuhin Siya Kaagad

Hindi tulad ng mga nakakalaban niya, hindi niya gustong magresolba gamit ang pagpatay. Ang pagbayarin sila gamit ang buhay na puno ng paghihirap ay mas maigi pa. Ang kamatayan ay masyadong magandang katapusan para sa kanila.

"Mabuti na hindi ka galit. Ngayon ay pupunta tayo para kuhanin ang ebidensiya ng mga kriminal na gawain ni Lin Yun; panahon naman niya ngayon!" Isang brutal na ekspresyon ang gumuhit sa mukha ni Xinghe habang sinasabi niya ito. Ito na ang oras para pagbayaran ni Lin Yun ang mga kasalanan niya.

"Perfect!" Pagdiriwang ni Mubai nang nakangiti at sinabihan ang tsuper na bilisan nito. Sa tulong ng direksiyon ni Saohuang, hindi nagtagal at nakuha nila ang memory card na itinago nito. Isinalpak ni Xinghe ang card na ito sa kanyang telepono at nalaman na may voice recording sa loob nito.

Ito ang recording sa pagitan nina Lin Yun at Saohuang. Mapapatunayan nito ang katotohanan na si Lin Yun ang nag-utos kay Saohuang na patayin si Munan. Sa recording, inamin ni Lin Yun na ang Lin family ang may gustong mamatay si Munan at hindi si Saohuang. Ang ipapatay ito ay ang ideya niya. Nagulat si Xinghe na ang makakuha ng mabigat na ebidensiya.

Ngumisi si Mubai. "Ang Lin family ay walang tigil na ginigipit tayo ng mga pekeng krimen, kaya ngayon, tingnan natin kung sino ang madudurog at babagsak!"

Nagtanong si Xinghe, "Dapat na ba nating tawagan ang mga pulis ngayon?"

"Natural lamang."

Agad na tinawagan ni Mubai si Chief Zhang, pero sinabi sa kanya ni Chief Zhang na, "Si Lin Yun? Umalis na siya sa siyudad, sinundo siya ng mga tao ng Lin family ilang sandali lamang."

"Gaano na katagal?"

"Hindi gaano katagal, marahil ay naglalakbay pa siya sa kalsada ngayon."

"Arestuhin ninyo siya kaagad, ang Xi family ay idinedemanda siya!"

"Sige, papupuntahin ko na ang mga tauhan ko ngayon."

Matapos niyang ibaba ang tawag, sinabi ni Mubai kay Xinghe ng may madilim na ekspresyon, "Tumatakas na si Lin Yun. Hindi natin siya maaaring hayaan na makatakbo pabalik sa City A kung hindi ay mawawala na ito sa hurisdiksiyon ng City T."

"Tara na, tayo na ang pupunta para pigilan siya!" Agad na nagdesisyon si Mubai. Lumulan pabalik ng kotse si Xinghe kasunod nito. Ang pinakamabilis na paraan para makaalis si Lin Yun sa City T ay sumakay ng eroplano. Kaya naman, kailangang maharang nila ito sa daan kung saan papunta ito sa airport.

At para patunayan na tama ang kanilang punto, tumawag si Chief Zhang para ipaalam sa kanila na si Lin Yun nga ay naglalakbay na patungo sa airport.

Ang storage facility ay ang pinakamalapit sa airport, kaya naman mauuna pa silang dumating kaysa sa mga pulis.

Sa oras na iyon, walang kaalam-alam si Lin Yun na aarestuhin na siya.

Sa loob ng kotse, masaya pa siyang nakikipagkwentuhan sa katabi niyang lalaki. "Third Brother, bakit ikaw pa ang sumundo sa akin? Kailan ka pa bumalik mula sa ibang bansa?"

Ang lalaki sa tabi ni Lin Yun ay may edad na 28. Kumpara sa kanyang edad, nagbibigay siya ng makapangyarihang awra. Ang makisig niyang mukha ay halos palaging nadedekorasyunan ng ngisi, na nagbibigay sa kanya ng hitsura ng kapilyuhan.

Siya ang pinsan ni Lin Yun, ang ikatlong nakakatanda sa kanilang henerasyon. Ang pangalan niya ay Lin Xuan. Siya din ang pinakamatalino sa Lin family, pero sa ibang kadahilanan, siya din ang pinakamahirap lapitan.

Maaaring isang spoiled brat si Lin Yun pero hindi siya nangangahas na umarte sa harapan nito. Bahagyang ngumiti si Lin Xuan. "Kakabalik ko lamang mula sa ibang bansa. Narinig ko na nadawit ka sa kaguluhan, kaya naman ngayong pauwi na ako, nagdesisyon akong bumisita para tingnan ka."

Nakaramdam ng usig ng konsensiya si Lin Yun na malamang may hawak pa sa kanya si Saohuang. Gayunpaman, hindi na siya nangahas na talakayin pa iyon dahil alam niyang mapaparusahan siya.

Related Books

Popular novel hashtag