"..." sabi ni Xinghe.
Ang poker face mo ay kailangan pa ng kaunting ensayo.
…
Kung ang araw na iyon ay mula langit patungong impyerno kay Saohuang, para naman sa Xi family, ito ay ang kabaliktaran. Sa wakas ay nakakuha na sila ng ebidensiya para malinis ang kanilang mga kaso.
Maski si Munan ay nakauwi na. Ang Xi family ay nalulunod na sa kaligayahan. Kahit si Old Madam Xi ay wala din pagsidlan ng tuwa.
Nagpahanda ng magarbong hapunan si Ginang Xi para magbunyi; pinaimbitahan din niya kay Mubai sina Chengwu at Xia Zhi.
Narining na nina Chengwu at Xia Zhi ang lahat mula kay Xinghe noong umagang iyon. Nagulat sila dahil nasadlak sa mga delikadong sitwasyon si Xinghe noong nakaraang buwan. Salamat na lamang at nakabalik ito ng ligtas at ang lahat ay ayos na!
Malaki ang naitulong niya para malampasan ng Xi family ang pagsubok na ito. At sa hapag-kainan, ang bawat miyembro ng Xi family ay pinaulanan siya ng pagpapahalaga at pasasalamat.
Itinaas ni Ginang Xi ang kopita ng kanyang alak at sinabi kay Xinghe na, "Xinghe, mapapatawad mo ba ako sa mga nagawa ko noon? Inisip ko dati na hindi ka sapat para kay Mubai, pero ngayon, nalaman ko na nagkamali ako. Itinataas ko ang kopitang ito bilang paghingi ko ng tawad."
Matapos nito ay nilagok ni Ginang Xi ang kopita na may lamang alak. Ang lahat ay nabigla. Si Ginang Xi ay isang mapagmataas na babae. Ang kanyang panghahamak kay Xinghe ay matagal nang nawala dati pa, pero ito ang unang pagkakataon na opisyal siyang humingi ng tawad kay Xinghe. Hindi nila inaasahan na gagawin nito iyon…
Dahil nga naman mahirap para sa isang elder ang humingi ng tawad sa mas nakakabata sa kanya, lalo na sa isang pamilyang Chinese na masyadong pinahahalagahan ang hierarkiya sa pamilya.
Agad na tinanggap ni Xinghe ang paumanhin nito. "Ginang Xi, tama iyon. Matagal ko na itong nakalimutan."
Ngumiti si Ginang Xi at idinagdag, "Xinghe, mula ngayon, ikaw na lamang ang manugang na babaeng tatanggapin ko! Alam kong maaaring hindi mo gustuhin na makasal muli sa aming Xi family, pero wala na akong tatanggapin pang manugang maliban sa iyo."
Nabigla si Xinghe, ang kanyang mga emosyon ay naging magulo. Dati, siya ang bukod tanging babae na hindi matanggap ni Ginang Xi, pero ngayon siya na lamang ang nag-iisang kandidato na tatanggapin nito…
Hindi niya inaasahan ang mabilis na pagbabagong ito.
"Tama iyon, mula ngayon, ikaw lamang ang tatanggapin naming manugang!" Sabi ni Jiangsan ng nakatawa, "Kung hindi mo pakakasalan si Mubai ay pagbabawalan namin siyang magpakasal."
"Hahayaan naman ninyong tumanda at mamatay mag-isa si big brother," biro ni Munan.
Masayang nagtawanan sina Lolo Xi at Old Madam Xi. Ang mood ni Lolo Xi ay lalong tumaas nang makita ang dating asawa na nasisiyahan.
Sinabi niya sa magandang kalagayan ng loob, "Maid, kuhanin mo ang bagay na inihanda ko."
Mabilis na bumalik ang katulong na may dalang kahon. Tinanggap ito ni Lolo Xi at binuksan ito habang ipinakikita kay Xinghe, "Xinghe, ito ang regalo ko sa iyo, kailangan mo itong tanggapin."
Kinuha ng katulong ang kahon at inilapag ito sa harapan ni Xinghe. Ang laman ng kahon ay isang house property certificate.
Inilabas ito ni Ginang Xi at masayang sinambit, "Xinghe, ito ang bahay na ibinigay sa Xi family ng bansa maraming taon na ang nakakaraan. Ito ay nasa Hills Residence ng City A; mula ngayon, sa iyo na ito."
Nagulat si Xinghe, kahit sina Xia Zhi at Chengwu ay hindi makapagsalita. Ang buong Hwa Xia ay alam na ang Hills Residence ang pinakamahal at pinakamagandang lupain sa buong bansa. Ito ay isang lugar kung saan makakalipat ka lamang ng dahil sa may pera ka, kakailanganin mo din ng katayuan dito. Sa madaling salita, ang bahay doon ay hindi mapepresyuhan, dahil napakahalaga nito at hindi ito kayang tumbasan ng pera.
Hindi niya inaasahan na bibigyan siya ni Lolo Xi ng isang bagay na lubhang napakahalaga.
"Hindi ko talaga matatanggap ito…"