Chapter 522 - Kabutihan

Bago pa matapos ni Xinghe ang sinasabi niya, pinutol na siya ni Lolo Xi, "Kailangan mo itong tanggapin dahil ang pangalan mo na ang inilagay ko sa titulo. Kailangan mo itong tanggapin kahit na ano ang mangyari."

"Pero…"

"Tanggapin mo na lamang ito, dahil ito ang kabutihan ni lolo," masuyong sabi ni Mubai. Gustong sabihin ni Xinghe na, Hindi ba't masyado naman ang kabutihang ito?

"Xinghe, may regalo din ako para sa iyo," biglang sabi ni Ginang Xi. Mayroon siyang inutusan para dalhin ito at hindi rin ito matatawaran. Isa itong pares ng mamahaling antique jade accessories!

Paliwanag ni Ginang Xi, "Isa itong pares ng alahas na ipinamamana mula sa European royalty. Nag-iisang klase ito sa buong mundo. Gumamit ako ng tatlong daang milyon para manalo sa subastahan ilang taon na ang nakakaraan. Ngayon, ibinibigay ko na lahat ng ito sa iyo."

"Tatlong daang milyon?!" Napalunok ng hindi sadya si Xia Zhi, mas mahal pa ito kaysa sa kanya. Talagang galante si Ginang Xi. Natural lamang na sinubukang tanggihan ni Xinghe ang regalo nito pero hindi rin umubra.

Matapos nito, maski sina Jiangnian at Munan ay nagbigay din sa kanya ng mga regalo. Kahit si Old Madami Xi ay naghanda din ng isa para sa kanya…

Ang hapunan ay parang biglang naging selebrasyon ng kaarawan ni Xinghe. Biglang naipon ang mahahalagang regalo sa harapan ni Xinghe. Nalilito na siya habang hinaharap ang lahat ng mga regalong ito. Kahit sina Xia Zhi at Chengwu ay hindi makapagsalita. Ito ay nakakabagbag-damdamin para kay Chengwu; nararamdaman niya ang bilis ng pintig ng kanyang puso sa sobrang kasiyahan para kay Xinghe.

"Ito ang kabutihang-loob ng lahat, kailangang tanggapin mo itong lahat," sabi ni Mubai kay Xinghe ng may ngiti.

Nahihirapang sumagot si Xinghe, "Sobra naman ang lahat ng ito."

"Mummy, hindi naman sobra ang lahat ng ito, mas madami pa nga ang dapat sa iyo," sabi ni Lin Lin ng may ngiti na nakaupo sa kanyang tabi. Masayang-masaya siya dahil ang lahat ay gusto ang kanyang ina.

"Tama si Lin Lin; nararapat lamang ang lahat ng ito at higit pa sa iyo. Ipatatabi ko muna ang mga ito sa mga katulong, maaari mo naman silang tingnan mamaya," inutusan ni Ginang Xi ang mga katulong para itabi ang mga regalo at sumunod na naglagay ng pagkain sa plato ni Xinghe. "Heto, kumain ka pa, tingnan mo nga ang sarili mo, ang laki ng ipinayat mo."

Natataranta na, tumayo si Xinghe at humingi ng paumanhin sa pamamagitan ng pagsasabi ng, "Paumanhin, kailangan kong gumamit ng banyo."

Tumalikod siya pero umalis sa pamamagitan ng front door!

Hindi alam ni Xinghe kung paano pakikitunguhan ang kabutihang-loob ng lahat kaya naman pinili niyang tumakas sa ngayon.

Sa labas, ang gabi ay malamig. Naglakad sa hardin si Xinghe at naupo sa loob ng isang tagong sulok.

"Sis." Sa kanyang pagkagulat, sinundan siya ni Xia Zhi. Naupo ito sa tapat niya at nagtanong, "Hindi ka ba masaya?"

Umiling si Xinghe. "Hindi, ayos lamang ako."

"Kung gayon, masyado ka sigurong masaya dahil napagtagumpayan mo ang buong Xi family."

"Hindi naman."

Nasobrahan lamang siya sa sigasig ng mga ito.

Nakahinga ng maluwag si Xia Zhi nang makitang ito pa din ang dating ugali nito. Matapos nito, ngumiti siya. "Ang totoo, nasorpresa din ako sa kabutihang-loob nila sa iyo; ito ay isang bagay na hindi ko lubos na maiisip na mangyayari."

"Ako din."

Masayang sinabi ni Xia Zhi, "Pero nararapat ka sa mabuting pakikitungo. Sis, ang galing mo na talaga ngayon, napakahusay na pakiramdam ko ay hindi na ikaw ang ate ko."

"Bakit mo naman iisipin iyan?" Nagtatakang tanong ni Xinghe.

"Dahil napakahusay mo. Paanong ang isang normal na tulad ko ay magiging kapatid mo?"

Hindi alam ni Xinghe kung tatawa ba siya o iiyak. "Pero ikaw lang ang kwalipikadong maging nakakabatang kapatid ko."

Naantig ang puso ni Xia Zhi nang sinabi niya ito.

Related Books

Popular novel hashtag