"Pero hindi naman niya matatakasan ang mga pulis ng sarili lamang niya, siguro ay ikaw mismo ang tumulong sa kanya na makaalis ng bansa, tama?"
"Wala akong ginawang ganoon, kung gusto ninyong idiin iyan sa akin, wala naman akong magagawa tungkol dito," walang pakialam na sagot ni Munan, na tila ba wala siyang pakialam kung paano siya tingnan ng mga ito.
"Kung ganoon, may mga pagkakataon ba na kasama mo siya sa pagbebenta ng mga nakaw na armas militar?"
"No."
"Sa tingin mo ay maniniwala kami diyan? Napagdudahan ka na sa kasong ito dati at ikaw ang pinakamalapit kay Xia Xinghe. Kahapon, ang mga tao mula sa organisasyong nagbebenta ng mga armas ay pumunta pa para patayin ka dahil inisip nila na ilalaglag mo sila. Isa itong ebidensiyang nagkataon, pero hindi maikakaila ang katibayan ng ebidensiyang ito."
"Ako, ay isa sa mga kumukwestiyon ng kanilang katotohanan. Dahil kung hindi, bakit wala pang matibay na pruweba na may ginawa nga akong ganoong bagay?" Sagot ni Munan na may bahagyang ngiti.
Bahagyang napasimangot ang hukom. "Xi Munan, isa ka din sa mga nakikinabang sa bansang ito, kaya naman pinapayuhan kitang maging matapat sa korte. Ang batas ay titingnan ka din ng maigi at bibigyan ka ng patas na hatol."
"Ang bawat salitang sinabi ko ay totoo, kaya naman umaasa ako na tatratuhin ako ng batas ng patas," kalmadong sinabi ni Munan. Nagkaroon ng isang maliit na kaguluhan sa mga tao.
Kahit na humantong na sa ganito, nakikita nilang kalmado pa din si Munan.
Posible nga kaya na talagang inosente ito at na-frame? Pero sino kaya ang mahusay na nakagawa nito sa kanya?"
May katagalan pang ipinagpatuloy ng hukom ang paglilitis. Ang mga sagot ni Munan ay pareho lamang sa bawat pagkakataon. Sinubukan na ng hukom ang maraming teknika sa pagtatanong, pero pareho pa din ang sagot nito.
Dalawang oras na ang nakalipas matapos magsimula ang paglilitis at nananatili pa ding kalmado si Munan.
Sa gitna ng mga tao, sina Lolo Xi at Jiangnian ay katulad niya. Walang bahid ng pag-aalala o takot. Sila haligi at naging suporta ni Munan.
Si Lin Yun naman ay nagsisimula nang maubusan ng pasensiya. Bumulong siya kay Saohuang, "Ito ba ang magaling mong plano? Napakawalang kwenta!"
Ang hatol na nagkasala na gusto niya ay hindi pa din naipapataw.
Sumagot si Saohuang sa isang malalim na angil, "Hindi na ito masama, hindi ako kasing husay tulad ng inaakala mo."
Ibinigay na niya ang lahat ng mayroon siya para mapabagsak ang Xi family. Sa unang pagkakataon, sinubukan na niyang itanim ang mga armas sa Xi harbor, pero ang plano niya ay napigilan nina Xi Mubai at Xia Xinghe. Ang ikalawang pagkakataon, nagawa na niyang ibaba si Xia Xinghe, pero ang sakripisyo niya ay napakalaki. Ngayon, para mai-frame si Xi Munan, mas lalo siyang nawalan ng maraming tauhan.
Ginawa na niya ang lahat ng magagawa niya para masukol ang Xi family. Kung magagawa niyang ibagsak ng minsanan ang Xi family, kailangan pa ba niyang maghintay hanggang ngayon?
Kung ganoon siya kamakapangyarihan, hindi na niya hahabulin pa ang isang walang kakwenta-kwentang bagay na tulad ng Xi family. Hindi na niya kailangan pang ibaba ang sarili para makipagtulungan din sa Lin family.
Alam ni Lin Yun ang lahat ng ito, pero nag-aalala na siya; gusto na niyang sirain ng minsanan ang Xi family.
β¦
Nagpatuloy pa ng may katagalan ang paglilitis at ang hukom ay ipinukpok na ang kanyang malyete, at ipinahayag na, "Ang korte ay magkakaroon ng sampung minutong pamamahinga; ang hatol ay igagawad na matapos bumalik ang korte."
Malamig na sinabi ni Lin Yun, "Sige, kahit hindi na natin sila mawasak ng tuluyan pero sa pagkakataong ito, nagawa na natin silang masaktan hanggang sa naghihingalo na sila!"
Tama iyon, kahit na ang hatol ay maaaring hindi maigawad pero si Munan ay mananatiling nakakulong para sa mas malalim na imbestigasyon.
Ang sampung minuto ay mahaba para sa ilang tao
Ang mukha ni Yan Lu ay napakadilim, handa na siyang wasakin ang buong lugar na ito. Kung posible nga lamang, gusto na niyang murahin ang hukom. Paano magkakasala ang kanilang pinuno?
F*ck, siguraduhin nilang hindi ko malalaman kung sino ang nag-frame sa Pinuno namin kung hindi ay babalatan ko sila ng buhay!