Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 515 - Iyon ay si Xia Xinghe!

Chapter 515 - Iyon ay si Xia Xinghe!

"Ano sa tingin mo ang magiging hatol?" Nagtatarantang tanong ni Yan Lu kay Gu Li.

Umiling si Gu Li. "Hindi ko sigurado. Siguradong hindi ito inosente, pero sa tingin ko ay hindi rin ito masasabing maysala."

"F*ck, sino ba kasi ang paulit-ulit na nagpe-frame kay Pinuno?" Galit na angil ni Yan Lu. Tumingin si Gu Li sa gawi ni Saohuang pero hindi nagsalita. Ang totoo, mayroon na siyang pakiramdam sa una pa lamang na ang lahat ng ito ay may kinalaman kay Feng Saohuang, pero wala siyang matibay na ebidensiya…

Kaya naman, ang tanging magagawa nila ay ipagdasal si Munan.

"Maaaring na-frame din si Miss Xia," biglang sabi ni Yan Lu, "Sino ang makakapagsabi kung nasaan na siya ngayon. Isa siyang babae na nag-iisa doon, kaya maaaring mahirap ang mga bagay para sa kanya."

Nag-aalala na din si Gu Li tungkol sa kanya. "Matalino at maabilidad siya, kaya siguradong ayos lamang siya. Baka nga makahanap pa siya ng paraan na malinis ang pangalan niya," mungkahi ni Gu Li. Wala siyang kaalam-alam na tama ang naisip niya!

Ang sampung minuto ay natapos na sa wakas. Nakapagdesisyon na ang hukom sa kung ano ang ihahatol. Dahil sa kakulangan ng matibay na ebidensiya, hindi niya ito maaaring hatulan ng maysala, pero dahil siya ang maraming pagdududa, kailangan pa din nitong makulong para makatulong sa mas malalim na imbestigasyon.

Ibinagsak na ng hukom ang malyete at may pinalidad na ipinahayag, "Dalhin na paalis dito ang nasasakdal, salamat sa lahat sa pagpunta sa paglilitis na ito, ang buong korte ay tapos na—"

"Tara na!" Utos ng dalawang guwardiya kay Munan. Tumayo si Munan at masunuring sumunod sa mga ito. Bago pa siya nakakuha ng ilan pang hakbang, ang mga pintuan ay kapansin-pansing bumukas.

"Sandali lang!" Isang babae ang malakas na nag-anunsiyo habang bumubukas ang mga pintuan. Ang mga mata ni Munan ay nanlaki sa pagkagulat nang makita siya nito. Maski ang lahat ng naroroon ay ganoon din ang naging reaksiyon!

Hindi ba't ito ang tumakas na si Xia Xinghe? Bakit siya naririto?!

Si Xinghe ay isinasamahan ng isang grupo ng mga pulis ay pumasok na para harapin ang hukom. "Your honor, makakapagbigay ako ng ebidensiya para maibunyag ang totoong salarin na may kaugnayan sa ilegal na organisasyong nagbebenta ng mga armas militar. Pakiusap bigyan ninyo ako ng kaunting panahon at ipakikita ko sa lahat ang katotohanan."

Naguguluhan ang hukom. "Ikaw si Xia Xinghe?"

"Tama po iyon," mabilis na pag-amin ni Xinghe, "Ako ang Xia Xinghe na hinahanap ninyo."

"Bakit siya naririto?" Mayroong isang naglakas-loob na nagtanong. "Ito ba ay dahil sa naririto siya para isuko ang sarili niya?"

"Ito ay si Miss Xia, talaga ngang si Miss Xia ito!" Sabik na bulalas ni Yan Lu.

Natutuwa din si Gu Li. "Totoo nga kayang may nakuha na siyang ebidensiya para mapatunayan ang kanilang kainosentehan?"

Mariing tumango si Yan Lu. "Sigurado! Magaling sa kanyang trabaho si Miss Xia; sigurado ay nakuha na niya ang ebidensiya. Mabuti itong balita, ligtas na si Pinuno."

Alam ni Munan na ligtas na siya. Hindi lamang siya, sina Lolo Xi at Jiangnian ay ganoon din ang naiisip. Silang tatlo ay agad na natuwa, dahil matapos ang matagal na panahon, nakakita na sila ng pag-asa!

"Sinabi mo na may ebidensiya ka para mabunyag ang totoong salarin, nasaan ito?" Direktang tanong ng hukom. "At sino ang totoong salaring ito?"

Tinagalan ni Xinghe na sumagot. Umikot ang kanyang tingin sa buong korte. Sa wakas, natigil ito kay Feng Saohuang na nakaupo sa likuran.

Agad na nakaramdam ng masamang pangitain ang puso ni Saohuang nang masalubong nito ang pares ng malilinaw at matatalim niyang mata!

Ang sumunod na segundo ay itinuro niya ang kanyang daliri dito at ipinahayag na, "Iyon ang inyong salarin— si Feng Saohuang!"

Related Books

Popular novel hashtag