Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 501 - Higit pa sa Limitasyon ng Tao

Chapter 501 - Higit pa sa Limitasyon ng Tao

"At nagsasagawa din sila ng pag-eeksperimento sa mga tao," napabuntung-hiningang dagdag ni Mubai.

Hindi na nagulat pa dito si Xinghe. "Alam ko na iyon."

"Pero alam kong hindi mo alam na ginagawa nila ang eksperimento sa iisang tao, sumunod ka sa akin." Hinila siya ni Mubai patungo sa isa pang lab. Ang antas ng kuta ay muling naipakita sa dami ng mga lab na mayroon doon. May kalayuan din ang kanilang nilakad bago sila nakarating sa kanilang destinasyon.

Ang lab na pinuntahan nila ay ang isang nakita ni Xinghe sa kanyang surveillance. Tulad ng kanyang inaasahan, mayroong babaeng nakahiga sa gitna ng lab.

Ang kanyang mga mata ay nakapikit at ang katawan ay hindi gumagalaw, tila ba na patay na ito. Gayunpaman, ang echo-cardiograph kung saan nakakabit ito ay patunay na hindi ito patay.

Nagpaliwanag si Mubai, "Pinasadahan ko na ang lahat ng data dito at lahat ng ito ay tungkol sa babaeng ito. Ang mga bihag ay nakumpirma na masusi nilang pinag-aaralan ang babaeng ito ng maraming taon."

Tiningnan siya ni Xinghe ng may takot sa kanyang mga mata. "Nandito na siya ng maraming taon?"

"Tama iyon." Seryosong tango ni Mubai. "Mula sa mga research data, ang babaeng ito ay kakaiba mula sa mga karaniwang tao. Ang kanyang brain cells ay napaka aktibo, ang metabolism niya ay mas mataas kaysa karaniwan, at ang kanyang cellular energy ay hindi karaniwan ang taas."

Naintindihan ni Xinghe ang ipinahihiwatig ni Mubai. Direkta siyang nagtanong, "Sa madaling salita, isa siyang super human?"

"Ang mga data niya ay nagmumungkahi nito. Pero siyempre, hindi na ito nakakapagtaka dahil may mga kaso naman ng mga kakaibang indibidwal sa buong mundo, pero napakabihira nila."

Sa ibang kadahilanan, ang unang inisip ni Xinghe ay, Baka naman may kinalaman ang babaeng ito sa enerhiyang kristal.

Ibinahagi niya ang kanyang obserbasyon kay Mubai. Napakunut-noo si Mubai sa pag-iisip. "Bakit mo naman nasabi?"

Tumingin sa kanya si Xinghe at nagpaliwanag, "Dahil napagtanto ko na ang mga may-ari ng enerhiyang kristal na ito ay mga tao na matatawag nating kakaiba."

Biglang naunawaan na ito ni Mubai. Ipinagpatuloy ni Xinghe ang kanyang pag-aanalisa, "Maaaring hindi mo ito alam, pero ang aking ina ay isang kahanga-hangang babae, itinuro niya sa akin ang lahat ng alam ko. Ang ama ni Xia Meng ay nakagawa ng mga memory cells. Ang kanilang kakayahan ay higit pa sa limitasyon ng mga tao, kaya ang suspetsa ko ay may kakaiba silang background…"

Pinanatili ni Xinghe na malabo ang kanyang mga haka-haka pero nakuha ni Mubai ang pahiwatig niya. Siguro ang grupo ng mga magulang ng mga taong ito ay hindi normal na tao, sa ibang salita, super humans.

Pero ang haka-hakang ito ay parang isang kalokohan!

Muli, ang mundong ito ay napupuno ng mga bagay na hindi maipaliwanag. Sino nga kaya ang makakatanggi sa mga super humans na nabubuhay?

"Kailangang dalhin natin ang babaeng ito pauwi kasama natin," desisyon ni Mubai agad. "Siya na marahil ang babaeng kailangan natin para lubos na maunawaan ang misteryong ito."

"Kakailanganin ko na ding kunin ang lahat ng impormasyong naririto din," dagdag ni Xinghe.

Tumango si Mubai. "Naturally."

Baka may makita pa silang iba mula sa mga research data.

Nagawang mapahinuhod ni Mubai si Philip na pumayag na dalhin nila ang lahat ng kailangan nila mula sa kuta. Ginugol ni Xinghe ang isang buong araw sa pagkopya ng mga data mula sa kuta, matapos nito ay babalik na siya sa Hwa Xia kasama ni Mubai.

Ginampanan na ni Philip ang posisyon nang araw ding iyon. Siya na ang naging bagong presidente ng Country Y.

Ang lason na nasa loob ng katawan ni Kelly ay nalinis na gamit ang antidote ni Lu Qi, ngunit kailangan niya ng mahabang panahon para gumaling.

Ang grupo ni Sam ay mabigat ang kalooban na mapawalay kay Xinghe, pero wala silang pagpipilian. Intensiyon ni Xinghe na tanungin ang mga itong sumama sa kanila pero tinanggihan siya ni Charlie.

Mayroon pa itong hindi tapos na gagawin sa Country Y at ang mga estudyante naman niya ay gustong manatili kasama nito. Gayunpaman, nangako sila na bibisitahin siya kapag may pagkakataon.