Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 470 - Turuan Sila ng Leksiyon

Chapter 470 - Turuan Sila ng Leksiyon

Kasunod ng biglaang pahayag ni Sam, ang atmospera ay biglang naging kakaiba. Sina Ali at ang iba pa ay nakaramdam ng kakaibang pakiramdam sa kanilang mga sikmura pero hindi nila alam kung bakit. Mayroon ding pinipigilang kaguluhan sa loob ng militar din.

Sa sumunod na segundo, isang nakakatakot na utos ng lalaki ang narinig, "Palibutan ninyo sila; barilin ang sinumang mangangahas na gumalaw!"

Sa sandaling iyon, ang lahat ng mga helicopter sa langit ay nagsimulang kumilos, ang kanilang mga searchlight ay direktang inilawan ang grupo ni Charlie. Ang ilaw ay lubhang nakakasilaw na hindi na nila maibukas pa ang kanilang mga mata. Ang mababang paglipad ng mga helicopter ay nagdala ng malalakas na hangin na gumugulo sa mga damit at buhok nila. Sa gitna ng kaguluhan, nakikita nila ang maiitim na bunganga ng mga baril na nakatutok sa kanila mula sa itaas!

Ito na ang pinaka nakakatakot na pagbabanta sa buhay nila na naramdaman ng grupo ni Charlie!

Isa itong pagpapakita ng kapangyarihan ng militar na dumurog sa kanilang kagustuhan na lumaban pa. Ang kanilang mga kaisipan na isama ang mga kalaban sa kanilang kamatayan ay nawala na. Pakiramdam nila ay wala silang magagawa dahil alam nila na ang mapuno ng mga bala ay mangyayari sa isang utos lamang. Kung ang mga helicopter ay papuputukan sila, agad silang mamamatay!

Nalungkot ang grupo ni Sam. Sa sandaling iyon, ang parehong lalaki ay binuksan ang kanyang bibig para sabihin, "Xinghe, ayaw mo pa din bang lumabas diyan?"

Nagulat ang grupo ni Sam. Kilala nila ang isa't isa?!

"Sandali lang," mahinang sagot ni Xinghe, binalingan niya si Sam para sulyapan. "Kailangan mong tumigil sa pagsasabi ng mga ganoong pahayag; maaaring ito ang maging dahilan ng pagkamatay mo."

"..." Ano ang ibig niyang sabihin doon?

Hindi na nagpaliwanag pa si Xinghe pero kalmado siyang lumabas.

"Sandali…" sinubukan pa siyang pigilan ni Sam pero hinila siya pabalik ni Charlie.

"Ikaw na tanga ka, isa pang salita mula sa iyo at mamamatay na tayong lahat!"

Hindi maintindihan ni Sam. "Pero hindi natin siya pwedeng hayaan na…"

"HIndi mo pa din ba naiintindihan? Kilala nila ang isa't isa!" Pinaikot ni Charlie ang mga mata kay Sam. "Isa pa, hindi mo siya kapantay."

Sa wakas, nakuha na din ni Sam ang pahiwatig. Ang mga salita ni Charlie ay napatunayang totoo. Kilala nga ni Xinghe ang mga ito. Humiwalay ang mga sundalo para sa kanya, wala ni isa sa kanila ang nagbigay sa kanya ng gulo.

Tumigil si Xinghe sa harap ni Mubai at tiningnan ang maiitim na mata nito. "Mga kaibigan ko sila, huwag mo na silang pahirapan pa."

"Nasaktan ka ba?" Imbes ay tanong ni Mubai.

"Ayos lang ako."

"Kaibigan mo sila?" Tanong nitong muli.

Matapat na sumagot si Xinghe, "Oo, mga kaibigan ko sila."

Kumurba para maging ngiti ang mga labi ni Mubai at sarkastiko itong sumagot, "Ilang araw pa lamang at nakakuha ka na ng grupo ng mga mabubuting kaibigan, hindi na masama."

Pakiramdam ni Xinghe ay may nakatagong pahiwatig ang mga salita nito. Nagbigay ng isa pang nakakatakot na ngiti si Mubai, "Pero mukhang may masama silang intensiyon tungo sa iyo, kaya naman kailangan nilang mabigyan ng kaunting leksiyon."

Kinuha nito ang kanyang communicator at nag-utos, "Bigyan sila ng leksiyon pero huwag sosobrahan."

"Yes, sir!" Ang pinuno sa mga copter ang sumagot at nag-utos, "Fire at once!"

Sa sandaling iyon, inulan ng bala ang grupo ni Charlie, ni hindi binigyan ng pagkakataon ang lahat na makakilos. Sumigaw sa takot at pagkagulat si Ali mula sa biglaang pag-atake mula sa himpapawid.

Nanlaki ang mga mata ni Xinghe sa pagkabigla. "Ano ang ginagawa mo?"

Bale-walang sumagot si Mubai, "Tinuturuan sila ng leksiyon."

"Pwede mo silang aksidenteng masaktan."

"Well, minsan ang mga aksidente ay hindi mo maiiwasan."

Related Books

Popular novel hashtag