Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 463 - Nakita Siya sa Wakas

Chapter 463 - Nakita Siya sa Wakas

Ginawa ng grupo ni Xinghe ang kanilang makakaya para makatakas at isang habulan ang nangyari sa madilim na gubat. Sa kaparehong oras na ito ay nangyayari, sa wakas ay nakita na ni Mubai ang mensaheng iniwanan ni Xinghe para sa kanya.

Ginamit ni Xinghe ang pera mula sa kanilang sikretong account at nag-iwan ng mensahe sa numero ng telepono na nakakabit sa account na iyon. Gayunpaman, ang telepono ni Mubai ay nasira sa pagbagsak kaya wala siyang ideya na may ginawa siyang ganoong bagay. Salamat na lamang at nakutuban niyang tingnan ang account kung hindi ay hindi niya ito malalaman. Hindi niya sinilip ang account ng maaga dahil hindi niya inisip na gagamitin ito ni Xinghe, pero ginamit niya!

Natuwa si Mubai dahil ang transaksiyon ng account ay lokal lamang, ibig sabihin ay nandito pa siya sa bansa, posible pa na nasa parehong siyudad!

Gamit ang mensahe ni Xinghe, agad na tinawagan ni Mubai ang numero nito pero ang telepono nito ay nakapatay. Hindi niya ito matawagan. Sinubukang hanapin ni Mubai ang paper trail. Nalaman niya na ginawa niya ang palitan sa pamamagitan ng isang ilegal na pribadong bangko.

Masaya si Philip nang malaman niya. "Ayos ito. Kung nakipagpalitan siya sa isang pribadong bangko, mas madali nating malalaman ang tungkol sa kanya. Kilala ko ang mga tauhan ng bangko, tatawagan ko sila."

"Tawagan mo na sila ngayon," udyok ni Mubai.

Nakakaunawang tumango si Philip. "Sige."

Tulad ng kanyang ipinangako, gamit ang isang tawag mula kay Philip, nalaman nila ang lahat tungkol kay Xinghe. Matapos niyang makipagpalitan sa bangko, bumili siya ng bahay, mga sasakyan, armas, at umupa ng ilang mersenaryo gamit ang bangko. Gayunpaman, umalis siya sa siyudad noong gabing iyon. Ayon sa mga mersenaryo, siya at ang grupo ng kanyang mga kaibigan ay pinupuntirya ng militar kaya naman tumungo sila sa ibang siyudad.

Nang malaman ito ni Mubai, mariin niyang sinabihan si Philip, "Philip, kailangan kong masiguro ang kaligtasan niya, gamitin mo ang lahat ng kagamitang mayroon ka sa ngayon! Kailangan natin siyang iligtas ngayon!"

"Hinahabol siya ng militar? Ano kaya ang nagawa niya?" Nagtatakang tanong ni Philip.

Naningkit ang mga mata ni Mubai. "Importante pa ba iyon? Maaari mo siyang tanungin kapag nasiguro na natin ang kaligtasan niya!"

"Sige, naiintindihan ko. Tara, umalis na tayo ngayon!" Inayos na ni Philip ang mga tauhan na magsagawa ng pagsagip. Natural lamang na sumunod si Mubai. Walang makakapigil sa kanya na hindi makasama.

Ang mga kotse sa kanilang likuran ay hindi tumitigil sa pagtugis. Ang kotse ni Xinghe ay puno na ng butas matapos mapaputukan ng maraming beses. Kung hindi dahil sa kalasag nito, namatay na ito kanina pa. Gayunpaman, hindi na magtatagal at mararating na din ng kotse ang kalagayang iyon.

Lumalaban sina Wolf at Sam, ginagawa ang lahat ng makakaya nila para mapahaba ang oras. Minamaneho ni Cairn ang kotse sa pinakamabilis nito pero hindi pa din niya mawala ang mga kotseng humahabol sa kanila. Ang mga kalaban nila ay hinahabol sila ng walang habas na tila isang grupo ng mga hyena. Kung hindi dahil sa katotohanang masusunog ng mga pasabog ang kagubatan, gumamit na sana ang mga ito ng granada. Gayunpaman, hindi magtatagal ay mahuhuli din sila kapag nagpatuloy pa ito.

"Huwag kayong susuko ngayon! Wolf, i-cover mo ako!" Sigaw ni Sam habang dumudungaw siya sa bintana para paputukan ang mga gulong ng mga sasakyang humahabol sa kanilang likuran. Ginawa ni Wolf ang makakaya para protektahan si Sam na huwag mabaril.

Sa wakas, dahil sa ibinibigay na ni Sam ang lahat, nagawa niyang mapaputok ang gulong ng kotse na nasa pinaka unahan.