Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 464 - Mamatay ng Magkakasama!

Chapter 464 - Mamatay ng Magkakasama!

Dumulas ang kotse bago ito sumalpok sa puno. Dahil hindi agad makatigil, ang mga kotse sa likuran nito ay bumunggo dito, na naging sanhi ng isang malakihang bungguan…

Ang mga pulutong ng kotse na patuloy na tumutugis sa kanila ay huminto na sa wakas. Ginamit ni Cairn ang pagkakataong ito para makatakas. Gayunpaman, ang kalaban nila ay naging maswerte din dahil ang isa sa mga bala nila ay nagawa ding mapaputok ang isa sa mga gulong ng kotse ni Xinghe.

Mabilis na tinapakan ni Cairn ang preno para mapatigil ang sasakyan at huwag itong bumunggo sa puno.

"F*ck!" Bulong na mura ni Cairn. Kinuha niya ang machinegun sa kanyang tabi at sinabi, "Kailangang lumaban tayo para makaalis dito!"

"Lumayo ka sa kotse, susuportahan kita!" Sigaw ni Sam habang sinipa nito pabukas ang pintuan ng kotse at nag-squat sa likod nito, ginagamit ito bilang kalasag. Sumama sa kanya si Wolf at pareho nilang binabaril ang mga tumutugis sa kanila. Hinila ni Xinghe ang isang malaking baul ng armas mula sa kotse habang inaalalayan naman ni Ali si Charlie, at nagpapaputok naman si Cairn bilang cover fire habang nagmamadali nilang tinutungo ang isang malaking bato hindi kalayuan sa kotse.

Hindi nagtagal at sumunod doon sina Sam at Wolf pero wala na silang lugar na pagtataguan pa matapos noon. Kailangan nilang umasa sa kalamangang ibibigay ng kapaligiran para mapigilan ang paglapit ng kanilang kalaban. Gayunpaman, parami ng parami ang mga kakampi ng kalaban na dumarating…

Si Barron, na nakatanggap ng balita na nasukol na sila, ay nagpadala ng mas maraming tauhan para hulihin sila.

Si Sam ay lalong kinakabahan habang nakikita ang dumaraming bilang ng mga tauhan. "Hindi na tayo makakalaban pa! Napakarami na nila, ang manatili pa dito ay hindi na din maganda para sa atin!"

"Umalis na kayo, kami ni Sam ang magko-cover sa pagtakas ninyo," mariing sabi ni Wolf.

"No way!" Sabay-sabay na sabi nina Xinghe at iba pa, hindi nila maaaring iwan ang dalawang ito.

Determinadong sumagot si Ali, "Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa iwan ang isa sa atin!"

"Tama, makakaligtas tayong pare-pareho dito o mamatay tayo ng sabay-sabay, hindi namin iiwan ang kahit isa!" Dagdag ni Cairn.

Sumandal si Sam mula sa likuran ng bato para magpaputok ng ilan pa bago dumagdag, "Kailangan na ninyong umalis ngayon kung hindi ay mahuhuli na ang lahat. Maging rasyonal kayo, Cairn, ialis mo na sila dito ngayon!"

Nagkunwaring hindi naririnig ni Cairn si Sam habang nagpapaputok din siya sa mga kalaban nila. Si Ali ay naguguluhan na. "Hindi ako aalis, hindi ko iiwan ang kahit isa sa inyo!"

"Hindi na makakatagal pa si Charlie!" Dineretso siyang tinitigan ni Sam sa kanyang mga mata matapos itong sabihin.

Lumingon si Ali kay Charlie na nanghihina nang nakasandal sa bato. Ang mga paghinga nito ay bumabagal na. Umiling si Charlie, desidido ito. "Huwag na ninyo akong alalahanin, halos patay na din naman ako, lahat kayo ay umalis na… ako na ang magko-cover sa inyong likuran!"

Lahat ay sabay-sabay na nagsalita, "Hindi!"

Itinayo ni Charlie ang sarili sa tulong ng isang machinegun at humihingal na nagsalita sa nagtatangis na ngipin niya, "Umalis na kayo ngayon, iwanan na ninyo ako!"

"Wala sa inyo ang makakaalis!" Bigla, ang mga salita ni Barron ay umalingawngaw sa kakahuyan. Nagtago ito sa likuran ng kanyang kotse at nagbanta, "Charlie, binabalaan na kitang sumuko ngayon, dahil kung susuko ka, baka maisip kong buhayin kayo!"

Dumura si Sam sa lupa ng may panunuya. "Tanga lamang ang maniniwala sa kanya!"

"Papatayin niya tayo kahit na ano ang mangyari. Kung iyan ang kaso, isama na lamang natin siya sa atin kung mamamatay din naman tayo," seryosong sambit ni Sam. Sina Ali at Cairn ay sumasang-ayon na tumango.

Bigla, nagsalita si Xinghe sa mahinang tinig, "May ilan pang pampasabog dito, maaari natin itong gamitin."

Nagulat ang grupo. Mananatili ba siya dito at lalaban?

"Xinghe, kailangan mo nang umalis ngayon; ayaw naming madamay ka pa dito. Maaari ka pang makakuha ng tulong mula sa iba," mahinang sambit ni Sam, sinusubukang mailayo siya sa nalalapit na kamatayan.

Umiling si Xinghe. "Hindi ko na magagawa kahit gustuhin ko pa. Hindi ako takot sa kamatayan, saka hindi pa ito ang katapusan para sa ating lahat."