Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 462 - Determinasyon na Patayin Sila

Chapter 462 - Determinasyon na Patayin Sila

Inihanda ni Xinghe ang isang pulutong ng mga kotseng pare-pareho ang hitsura. Pinagmaneho niya ang mga mersenaryo ng iba't ibang ruta, umaasa na malansi ang mga tauhan ni Barron. Sigurado siya na may mga tauhan ni Barron na sumusunod sa kanila.

"Hindi ba tayo mag-iiwan ng ilang mersenaryo para mapanatili tayong ligtas?" Tanong ni Ali kay Xinghe sa loob ng kotse. Sila-sila na lamang ang nandoon.

Umiling si Xinghe. "Hindi sila makikipaglaban ng harapan kay Barron. Sinesante ko na sila, ito na ang huling trabaho nila sa atin."

Tumango ng may pagkaunawa si Ali. "Kung ganoon saan tayo pupunta ngayon?"

Naglabas ng mapa si Xinghe at tumuro sa isang lugar. "Dito, kahit na ano pa ang lokasyon, kailangan nating makaalis muna sa lugar na ito."

"Xinghe, mayroon ka ba talagang ebidensiya ng mga kriminal na gawain ni Barron?" Hinatak ni Sam ang sarili para magtanong. Tumango si Xinghe.

"Mabuti! Gagamitin natin ito para mapabagsak si Barron kapag ligtas na tayo!" Masayang pagtatapos ni Sam.

Umiling pa din si Xinghe. "Hindi natin magagawa iyon; walang masyadong magagawa ang ebidensiya. Pumayag lamang dito si Barron dahil hindi niya gustong ipagsapalaran ito. Kung talagang makikipaglaban tayo ng seryoso kay Barron, tayo ang matatalo."

"Kahit na, hindi magtatagal at makakahanap kami ng paraan para mapatumba siya," determinadong sambit ni Sam. Malinaw na ito para sa lahat na nasa loob ng kotse. Nasagad na nila ang pasensiya ni Barron sa pagkakataong ito; gagawin nito ang lahat para mapatay sila. Ang tanging paraan para makaligtas sila ay ang mauna nilang mapatay si Barron. Hindi nag-isip ng ganoon kalayo si Xinghe, ang kanyang pinakaunang ipinag-alala ay kung makakaalis sila sa siyudad na iyon ng buhay o hindi.

Matapos niyang lingunin ang likurang bintana, sinabi ni Xinghe ng may mahahalatang pag-aalala, "Kailangan muna nating makaalis ng ligtas sa lugar na ito. Malaki ang panganib na kinaharap ko ng kikilan ko si Barron, kailangan nating mag-ingat…"

Habang tinatapos niya ang sinasabi, nakarinig ang grupo ng tunog ng helicopter na nagmumula sa himpapawid. Inilabas ni Wolf ang kanyang ulo sa labas ng bintana at tulad ng inaasahan, nakakita siya ng helicopter na lumilipad patungo sa kanila.

"Isang copter ang tumutugis sa atin!" Habang sinabi niya ito, nakarinig na din siya ng mga kotse sa kanilang likuran. "Mga kotse din, siguro ay mga tauhan sila ni Barron."

"Cairn, bilisan mo na!" Utos ni Xinghe.

Hindi na kailangan pang sabihan ulit si Cairn. Si Sam at ang iba pa ay kinuha na ang kanilang armas, handa na lumaban ulit kung posible. Nahabol sila ng copter sa isang kisapmata.

Nang nasa range na sila, nagsimula na silang paputukan ng copter.

"Sh*t!" Mura ni Sam, halos natamaan sila ng mga bala. Mabuti na lamang at mahusay magmaneho si Cairn, naiwasan niya ang lahat ng pag-atake.

"F*ck!" Itinulak ni Wolf ang isang riple palabas ng bintana at pinaputukan ang copter. Ito ang naging dahilan para lumipad ng mataas ang helicopter, na nagbigay kina Xinghe at sa iba pa ng pagkakataong makahinga ng maluwag. Gayunpaman, ang panganib ay hindi pa tapos dahil ang mga kotse ay nakakahabol na sa kanila!

"May mga kakahuyan sa harapan natin, magmaneho ka patungo doon!" Hiyaw ni Xinghe. Pinili niya ito dahil mas magiging adali ang magtago sa loob ng gubat. Tinapakan ng husto ni Cairn ang silinyador. Sa wakas, nakarating sila sa gubat at ang mga kotse ay sumunod sa kanilang likuran. Ang kanilang pagtugis ay nagpapakita kung gaano sila kadeterminado na patayin ang grupo ni Xinghe!