Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 459 - Ang Babaeng taga-Silangan

Chapter 459 - Ang Babaeng taga-Silangan

Kung buhay pa si Xinghe, mag-iiwan ito ng palatandaan para sa kanya online…

Gayunpaman, wala siyang nakita kahit na naghanap na siya sa ilang lugar. Sa ilalim ng gilid ng sumbrero, nalungkot ang mga maiitim na mata ni Mubai, at ang kanyang mga labi ay naging isang manipis na linya. Pero nagpatuloy pa din siya. Sa pagkakataong iyon, pumasok si Barron kasama ni Charlie.

"General, ang lalaki ay nandito na!" Isa sa mga sundalo ang pumasok para mag-ulat.

"Papasukin ninyo sila," mabilis na sagot ni Philip.

"Yes!" Ang mga sundalo ay umalis para sabihan si Barron. Tumango si Barron habang binibigyan niya si Charlie ng isang nagbabantang tingin. Binalaan na niya si Charlie habang nasa daan sila, na kapag nagsiwalat siya ng higit pa sa lokasyon ng kuta, ay papatayin niya ang grupo ni Sam. Nangako sa kanya si Charlie ng napipilitan kung kaya napakalma ng husto ang puso ni Barron.

Matapos igiya ni Barron si Charlie sa silid, sumaludo ito kay Philip at magalang na sinabi, "General, dinala ko na sa inyo ang lalaking kailangan ninyo! Siya si Charlie, minsan na niyang napasok ang kuta ng IV Syndicate, maaari na ninyo siyang tanungin ng kahit anong kailangan ninyo."

Parehong tumingin sina Philip at Mubai kay Charlie. Ang katawan nito ay puno ng sugat, ang mga damit nito ay nakukulayan ng pula, ang buhok at balbas ay magulo. Ang matangkad na katawan nito ay gumigiwang dahil sa pagod at ang mukha nito ay sobrang putla pero makikitaan ng hindi pagsuko sa mga mata nito. Halata naman na isa itong kakaibang lalaki.

Kumaway na si Philip kay Barron para umalis ito. "Umalis ka na muna sa ngayon."

Nagulat si Barron pero kailangan niyang sundin ang utos. Sumulyap siya kay Charlie para bigyan ito ng huling tingin ng babala bago umalis. Ang mukha ni Charlie ay hindi nagbago na nagpa-alala kay Barron dahil maaaring may sabihin si Charlie na mapanganib para sa kanya. Gayunpaman, ang pinsala ay hindi magiging malaki, o kaya naman ay hindi ganoon kalaki para parusahan siya ni Philip. Dahil isa itong bansa na puno ng digmaan; walang inosente dito. Kung titingnang maigi ng isang tao ito, may makikita siyang mga sikreto sa bawat isa.

Napakalma si Barron sa mga kaisipang ito. Gayunpaman, habang isinasara niya ang pintuan sa kanyang likuran, nakatanggap siya ng tawag.

"Hello?" Sinagot ni Barron ang tawag mula sa isang hindi kilalang numero.

"Barron, bibigyan kita ng dalawampung minuto para palayain ang grupo ni Sam kung hindi ay ibibigay ko ang ebidensiya ng mga ginawa mong krimen sa buong bansa," isang kalmado ngunit makapangyarihang boses ng isang babae ang narinig niya mula sa kabilang linya.

Natigilan ang utak ni Barron. Tinakpan niya ang telepono at naglakad palayo bago masungit na nag-utos, "Sino ka ba? May ideya ka ba kung sino ang kinikikilan mo?!"

Ngumisi si Xinghe. "Hindi ako nakikipagbiruan sa iyo. May mga ebidensiya ako dito ng pagpupuslit mo ng droga at pagbebenta, gusto mo bang ipadala ko ito sa iyo para matiyak mo kung tunay?"

Nag-iba ang mukha ni Barron. "Ikaw ang Silanganing babae na iyon?"

Hindi siya pinansin ni Xinghe. "Huwag ka nang makipaglokohan sa akin dahil pinapanood ko ang bawat galaw mo. Kung hindi ka makikipagtulungan sa akin, hindi ako nagdadalawang isip na bumagsak kasama mo. Pero ang isang matalinong lalaki na tulad mo ay hindi ito gugustuhing mangyari, tama?"

Walang tuwa na tumawa si Barron. "Ikinalulungkot ko pero wala talaga akong ideya kung ano ang sinasabi mo. Kung may ginawa talaga akong ganoong bagay, sige ipakita mo ito sa publiko. Pero babae, binabalaan kita, hahanapin kita at pagbabayaran mo ang pananakot mong ito sa akin!"

Ibinaba na ni Barron pasara ang kanyang telepono. Naniniwala siya na nanlalansi lamang si Xinghe, hindi ito magkakaroon ng dumi tungkol sa kanya.