Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 460 - Pakawalan ang mga Tao Ngayon

Chapter 460 - Pakawalan ang mga Tao Ngayon

Ang kayabangan niya ang hindi makapapayag na mapagbantaan ng isang babae. Hindi lamang iyon, gusto niya itong pagbayarin!

Handa nang tawagan ni Barron ang mga tauhan niya para hanapin si Xinghe nang ang telepono niya ay binaha ng mga mensahe. Ang sunud-sunod na alerto ng telepono ang nagbigay sa kanya ng masamang pangitain…

Binuksan niya ang mga mensahe at nanlaki sa pagkagulat ang kanyang mga mata nang makita niya ang mga nilalaman nito. Mas madami ang nakikita niya, mas dumidilim ang mukha niya. Ang mga laman nito ang nagdedetalye ng lahat ng kanyang pagpupuslit at pagbebenta ng ilegal na droga. Hindi lamang ito mga time stamp pero kasama din ang mga larawan…

Imposible! Hindi makapaniwala si Barron. Paanong nakuha ng babaeng ito ang lahat ng mga ebidensiyang ito?

Ang impormasyon ay limitado lamang sa kanya at sa kaniyang mga tagabenta o suking bumibili. Hindi nila ito ilalabas dahil madadamay din sila dito, kaya naman saan niya nakuha ang lahat ng ito?

Dumilim ang mukha ni Barron. Naramdaman na niya ang panganib sa oras na ito. Mabilis siyang tumawag, ang tawag ay agad na nasagot matapos ang isang ring.

"Ano ba ang gusto mo?" Angil ni Barron sa telepono. Ang tono niya ay puno ng nerbiyos, kailangan niya si Xinghe na hindi ilabas sa publiko ang ebidensiya.

Mabagal na sumagot si Xinghe, "Pakawalan mo ang mga taong iyon o mamamatay tayong pareho. Huwag kang mag-alala, kung handa kang gawin iyon, nangangako ako na buburahin ko ang ebidensiyang ito."

"Bakit ako maniniwala sa iyo?" Kinakabahang tanong ni Barron. Dahil mawawala lahat ng kanyang alas kapag pinakawalan niya ang mga taong ito.

"Ang ebidensiyang ito ay magtatanggal sa iyo sa serbisyo pero may kaunting kapangyarihan ka pa din, o kaya ay sapat na kapangyarihan para durugin ang isang maliit na grupo tulad namin kaya naman walang dahilan para sa akin na gawin kang kaaway."

"Isa lamang iyang pangakong walang laman."

"Wala ka nang pagpipilian pa kundi tanggapin ito. Dahil may iba pa akong paraan para iligtas ang mga taong iyon pero mawawala sa iyo ang lahat kung natanggal ka."

Ang mukha ni Barron ay nagpapakita ng isang pangit na hitsura. Tama si Xinghe, nasukol na siya nito sa isang sulok. Kapag nawala ang kanyang posisyon, ang mga dati niyang kaaway ay lalabas at gagawin nilang benepisyo ang kanyang kahinaan. Isa pa, nandoon si Philip. Kapag nalaman nito ang impormasyong ito, wala na siyang pagkakataong makabalik pa dahil sa ang platapormang pinatatakbo ni Philip ay, ang anti-drugs trafficking platform…

Kaya naman, wala na siyang ibang pagpipilian kundi makipagtulungan kay Xinghe.

"Sige, papakawalan ko sila. Pero kailangan mong tuparin ang pangako mo kung hindi ay mumultuhin ko kayong lahat kahit na mamatay ako!" Seryosong babala ni Barron.

Hindi natinag si Xinghe. "Huwag kang mag-alala, isa akong babae na may isang salita. Pakawalan mo na sila ngayon, kasama si Charlie. Isa pa, kapag may nakita akong seryosong pinsala sa mga kaibigan ko, ang bagay na ito ay malalantad sa publiko!"

"Alam ko!" Galit na ibinaba ni Barron ang telepono. Agad niyang tinawagan ang mga tauhan niya na itigil ang pagpapahirap.

Personal niyang hinintay si Charlie na lumabas. Salamat na lamang at mabilis na nakalabas sa silid si Charlie, kasunod nito ang grupo ni Philip.

"General, may iba pa ba kayong ipag-uutos?" Masiglang tanong ni Barron.

Sumagot si Philip, "Wala sa ngayon pero alagaan ninyong mabuti ang lalaking ito, maaaring magamit ko siya sa hinaharap."

Ang ibig niyang sabihin ay si Charlie.

Mabilis na tumango si Barron. "Siyempre, General. Alam ko na ang gagawin ko!"

"Mabuti, may bagay pa akong gagawin kaya naman aalis na ako ngayon. Sarilinin mo na lamang ang pagbisita ko dito."

"Yes, sir!" Malakas na pangako ni Barron. Tumango si Philip at pinangunahan na ang kanyang mga tauhan paalis.