Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 454 - Pagliligtas kay Charlie

Chapter 454 - Pagliligtas kay Charlie

"F*ck, patayin na natin siya ngayon at iligtas si Charlie!"

Sa pagkakataong ito, si Sam na ang napatid ang pasensiya. Habang sinasabi niya ito, ang apat na iba pa ay kumilos kasama nito.

Tumayo si Xinghe at sinabi, "Ano ang ginagawa ninyong lahat? Tumigil kayo diyan!"

Lumingon si Sam at malamig na sumagot, "Miss Xia, kailangan naming iligtas si Charlie. Problema namin ito kaya pakiusap huwag mo nang isali ang sarili mo dito; ayaw naming madamay ka pa sa gulo."

Tumango din si Ali. "Tama iyon, hindi na kami makakapaghintay pa. Hindi na namin mapapayagan si Charlie na patuloy na mahirapan!"

"Masyado siyang importante para sa amin!" Pagtatapos ni Cairn. Nakita ni Xinghe ang determinasyon sa mga mata ng mga ito.

"Kung pupunta kayo doon ng ganito, mahuhuli lamang kayo," paalala ni Xinghe sa kanila ng may buntung-hininga.

Ngumisi si Wolf. "Hindi kami natatakot doon dahil hindi namin mapapayagan si Charlie na mamatay na lamang sa harap ng aming paningin at walang gawin para maiwasan ito. Para na namin siyang tatay, hindi mo naiintindihan kung ano ang pakiramdam namin."

Tumango si Xinghe. "Naiintindihan ko, kung ganito din ang nangyari sa isa sa aking pamilya, ganito din ang gagawin ko."

"Kaya naman dapat maintindihan mo kung bakit namin kailangan itong gawin," mariing sambit ni Sam.

Naalala ni Xinghe ang panahon na lumusob sila sa kuta na malaki ang kalamangan sa kanila ng tao para lamang iligtas si Ali. Ang kanilang nag-iisang layunin ay iligtas si Ali, hindi na nila inisip pa ang iba bukod doon…

Pareho ito ng iniisip nila sa ngayon.

"Hindi ko sinasabi na hindi natin siya ililigtas pero kailangan muna nating magplano…"

"Hindi na kami makakapaghintay pa, kailangan na namin siyang mailigtas ngayong gabi!" Sabi ni Sam sa isang boses na hindi na tumatanggap ng pagtutol. Sa screen, patuloy pa ding hinahagupit ni Barron si Charlie.

Ang mga mata ni Ali ay namumula na. "Xinghe, hindi na kami makakapaghintay pa o hahagupitin siya ni Barron hanggang sa kamatayan!"

"Kunin ninyo ang inyong mga ear-mics, ibibigay ko sa inyo ang mga direksiyon. Kumuha kayo ng mas maraming armas at maging alerto!" Sabi ni Xinghe ng may seryosong pagtango. Nagulat ang grupo ni Sam pero agad silang ngumiti.

"Xinghe, salamat!" Lumapit si Sam sa kanya at seryosong sinabi, "Kung ang misyon na ito ay magiging matagumpay, pakiusap ay ikunsidera mo na ako bilang boyfriend mo, seryoso ako sa pagkakataong ito."

"..." Para sa ibang kadahilanan, may parte ni Xinghe ang humihiling para pumalpak ito…

Hindi na hinintay pa ang sagot niya, si Sam at ang iba pa ay pumunta na para maghanda. Naghahanda na silang iligtas si Charlie o mamatay ng sinusubukang iligtas ito. Gayunpaman, may natira pa din sa kanilang katinuan para makinig sa plano ni Xinghe sa pamamagitan ng ear mic.

Agad na sumapit ang dilim.

Napasok na ni Xinghe ang surveillance ng kampo ng militar. Ang grupo ni Sam ay hindi lalabas sa screen. Sa tulong ni Xinghe, matagumpay na nakapasok ang grupo ni Sam sa kampo. Pinapagana ni Xinghe ang ilang computer, ang mga daliri niya ay mabilis na lumilipad sa keyboard at sunud-sunod niyang sinasabi ang mga direksyon ng mabilisan.

"Mayroong dalawang lalaki na nagbabantay ng pintuan ng bilangguan at nagawa ko nang baguhin ang video. Gayunpaman, mayroon lamang kayong limang minuto para makapasok at makalabas bago pa magduda ang ilang guwardiya."

"Walang problema!" Ganting bulong ni Sam bago iginiya ang iba pa patungo sa bilangguan. Sa sandaling pumasok sila, nasalubong nila ang dalawang guwardiya. Bago pa makapakilos ang dalawang lalaki, nilundag nila ito at binali ang mga leeg.

"Gamitin ninyo ang mga damit nila bilang balatkayo," utos ni Xinghe. Ganoon nga ang ginawa nina Cairn at Sam habang itinatago nina Ali at Wolf ang mga katawan. Patuloy silang tumutungo kung saan nandoon si Charlie.

Ang surveillance video ay naibalik na sa normal ni Xinghe.

Related Books

Popular novel hashtag