Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 455 - May Taong Importante Dito

Chapter 455 - May Taong Importante Dito

Tumayo sina Cairn at Sam na tila sila talaga ang mga guwardiya sa pasukan. Babaguhin na naman ni Xinghe ang surveillance matapos nilang iligtas si Charlie…

Agad na natunton nina Ali at Wolf ang silid ni Charlie. Ginamit nila ang susing kinuha nila mula sa mga guwardiya para buksan ang pintuan at iligtas si Charlie. Mabilis at eksakto ang kanilang mga galaw. Ang atmospera ay puno ng tensiyon at nakakanerbiyos. Matapos nilang iligtas si Charlie, pinlano nila na tumakas gamit ang dati nilang pinagmulan.

Gayunpaman, sa pagkakataong iyon, nakita ni Xinghe sa surveillance ang isang mahabang pila ng mga sasakyang gamit ng militar na paparating sa gate ng kampo militar. Ang kanilang pagdating ang gumising sa buong kampo. Ang mga sundalo na nagpapahinga ay agad na nagising mula sa kanilang pagtulog at mabilis na bumalik sa kanilang mga puwesto. Biglang naging mahigpit ang seguridad.

May kaseryosohan sa mga mata ni Xinghe habang sinasabihan niya ang grupo ni Sam, "Manatili kayo sa ngayon. May karamihang dami ng tao ang dumating sa kampo at naglipana ang mga sundalo. Kung aalis kayo ngayon, madidiskubre kayo."

Nalukot ang mga mukha ng grupo ni Sam. Hindi nila inaasahan na mangyayari ito ng biglaan.

"Ano ang dapat naming gawin ngayon?" Bulong ni Sam.

"Manatiling tahimik at maghintay sa mga utos ko," sabi ni Xinghe habang kumilos siya para panoorin kung ano ang nangyayari. Mukhang may importanteng tao na dumating dahil ang buong kampo ay nagising para salubungin ang mga dumating. Kahit si Barron na natutulog ay nagbihis at nagmamadaling lumabas.

"Nasaan si General Philip?" Tanong ni Barron sa kanyang adjutant habang nagmamadali siya pababa ng hagdanan, at isinusuot pa ang kanyang salawal.

"Ang general ay pumasok na sa kampo, sinabihan ko na ang mga tauhan natin na salubungin sila."

"Bakit bigla siyang pupunta dito? Dapat ay sinabihan niya ako bago pa siya pumunta," hindi maiwasan ni Barron na hindi magreklamo.

"Ang pagbisita ni General ay talagang biglaan," pagsang-ayon ng adjutant. Pero kahit na, hindi na sila nangahas na mag-aksaya pa ng panahon. Nagmamadali na silang salubungin si General Philip. Nang dumating sila sa kalagitnaan ng bukid, higit sa sampung armored cars ang nakaparada doon. Ang isa sa pinakaharap ang pinakamahal. Hindi na kailangan pang sabihin na nandoon si General Philip.

Nagmamadaling lumapit si Barron at nakita si General Philip na nakasuot ng pang-militar na uniporme nito na nakaupo sa likuran.

"Magandang hapon, General!" Binigyan ito ni Barron ng isang saludo habang ang mga mata niya ay natuon sa misteryosong lalaki na nakasuot ng itim na damit sa tabi ng General. Ang lalaki ay nakasuot ng black suit at isang itim na sumbrero na mababa ang suklob. Natatabingan nito ang mukha niya mula sa tingin ng iba. Ang tanging nakikita ni Barron ay ang maninipis nitong labi at matalas na panga. Kahit na ang katauhan nito ay misteryoso, nararamdaman ni Barron ang isang malakas na kapangyarihang nagmumula dito.

Ibinalik ni Philip dito ang saludo at sinabi, "Nagpunta ako dito ng walang pasabi dahil kailangan ko ang tulong mo sa ilang bagay."

"Pakiusap ibigay ninyo sa akin ang utos, General!" Binuksan ni Barron ang bibig niya para sabihin ito ng buong respeto, isang malaking kabaliktaran sa karaniwang mayabang niyang sarili. Maaaring pareho silang heneral, pero ang antas ni Philip ay mas mataas kaysa sa kanya.

Hindi na nag-aksaya pa ng panahon si Philip at dumerekta na. "Narinig ko noong nakaraan na nagawa mong makakuha ng ilang armas mula sa IV Syndicate?"

"Opo, General!" Nagliwanag ang mukha ni Barron sa pagmamalaki. Isa itong nakakahangang gawain na makakuha ng kahit ano mula sa IV Syndicate. Ang organisasyong ito ay malakas at misteryoso, kahit ang interpol ay nahihirapan na hanapin ang mga ito.

Kaya naman, ang katotohanan na nagawa niyang makakuha ng mga armas mula sa IV Syndicate ay nagpapatunay ng kahalagahan ni Barron sa militar.

Related Books

Popular novel hashtag