Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 441 - Isang Pares ng mga Nakakadiring Mata

Chapter 441 - Isang Pares ng mga Nakakadiring Mata

Hindi pa ito ang tamang oras para mawala ang grupo ng SamWolf kung hindi ay magkakagulo sa iba pang grupo ng mga sibilyan. Gayunpaman, kailangan niyang makahanap ng paraan na maging parte ng koleksiyon niya ang babaeng iyon!

Ang pares ng mala-ahas nitong mga mata ay dumako sa bawat pulgada ng katawan ni Xinghe at sinabi ni Barron ng may nakakatakot na ngiti, "Makakaalis na kayo sa ngayon, pero tandaan ninyo na hanapin ang inyong heneral kung may kinaharap kayong kahit na anong problema."

"...". Sino ang maniniwala diyan?

"Huwag ninyo akong kalimutan," sabi ni Barron habang binibigyan ng maingay na halik sa hangin si Xinghe. Mayroong mapanganib na mensahe sa pares ng malalaswang mata nito.

Agad na hinila palayo ni Ali si Xinghe, natatakot na magbago ang isip ni Barron at gumawa ng masama laban kay Xinghe. Ilang paabanteng hakbang ang tinahak ni Xinghe bago siya lumingon para salubungin ang pares ng nakakadiring mga mata ni Barron. Ang kanyang mga mata, sa kabilang banda, ay maliwanag at walang bahid ng emosyon. Hindi nagtagal at tumingin na siya palayo.

Matapos nilang umalis, mabilis na lumapit si Ryan para pakalmahin si Barron, "Sir, napakahusay mo. Kung hindi dahil sa iyo, ang grupo ng mga taong iyon ay hindi aalis ng kusa sa lugar na ito."

Malamig na sumagot si Barron, "Paano ko ipagkakatiwala sa iyo ang mas mahahalagang bagay kung hindi mo magawa ang madaling bagay na ganito?"

"Sir, hindi namin ito kasalanan. Tulad ng alam mo, ang grupo ko ay walang paraan para lumakas. Pero ngayon na tauhan mo na kami, siguradong papunta na kami sa karangalan, dahil sa iyong gabay. Sumumpa na kami ng walang-hanggang katapatan sa iyo, kaya kahit ano pa ang iutos mo, gagawin namin ito ng walang tanong!"

Ang klase ng matapat na aso tulad nito ang gusto ni Barron. Sinabi niya, "Ang lahat ng pag-aari ng SamWolf kasama na ang mga armas, ay sa iyo na ngayon. Tandaan mo na huwag mo na akong bibiguin muli."

"Yes, sir!" Binigyan ito ni Ryan ng isang military salute. Tiningnan siya ni Barron at nasisiyahang ngumiti.

Dinala ng grupo ni Sam si Xinghe sa may kalayuan at nang masiguro na wala ng sumusunod sa kanila bago sila nakahinga ng maluwag.

"Sh*t! F*ck!" Pagmumura ni Wolf habang sinisipa niya ang isang basurahan sa tabi ng kalsada. "Hindi ko mapapatawad ang kahit sino sa Grey Rats! At ang p*tang Barron, nararapat lamang sa kanya na mabulok sa impyerno!"

Parehong galit din si Sam. "Dati ay sumusunod tayo kay Charlie at ganoon din para kay Barron. Ngayong nawawala si Charlie, ang lakas ng loob niyang ganituhin tayo; mas malala pa siya sa hayop!"

"Gustung-gusto ko na siyang patayin," humihingal na sabi ni Ali sa galit bago siya napabuntung-hininga ng may kalungkutan, "Nawala ang bahay natin ng ganoon na lamang…"

Mukhang may emosyonal na koneksiyon si Ali sa bahay kaysa sa mga lalaki. Malungkot ding nagreklamo si Cairn, "Kakakuha lamang natin ng maraming armas at napilitan na tayong isuko ang mga ito sa kung sino lamang."

"Ang Grey Rats ang pinakamahina sa lahat ng grupo, ang tanging kalakasan nila ay ang dami nila. Ano kaya ang pakinabang ni Barron sa kanila?" Tanong ni Sam matapos niyang kumalma.

Naguluhan din si Wolf. "Handa siyang sipain tayo paalis ng bahay natin para kampihan sila. Wala namang hawak sa record ng mga Grey Rats para mapilit si Barron na pahalagahan ang mga ito."

Mabilis na sumagot si Xinghe, "Siguro ay mayroon silang isang klase ng kontrata para kumita."

Ito lamang ang pinakalohikal na paliwanag.

"Tama ka." Tumango si Cairn.

"Pero ano'ng klase kaya ng kontrata iyon? Mas mahirap pa sa atin ang Grey Rats," naguguluhang sambit ni Ali.

"Kahit na ano pa man iyon, siguradong mayroong namamagitan sa kanilang dalawa. Pero hindi ito ang tamang panahon para mag-alala sa kanila. Halata naman na hindi pa ito ang huling pagkakataon na makikita natin si Barron, kaya ano ang gagawin natin sa hinaharap?" Nag-aalalang lahad ni Sam.

May iba pang alalahanin si Ali. "Nakikita ko na hindi rin papalampasin ni Barron si Xinghe ng ganoon kadali. Hindi magtatagal ay may gagawin o susubukan itong gawin."

Ang kaniyang mga salita ang nagpalungkot sa kapaligiran ng husto.

Related Books

Popular novel hashtag