Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 439 - General Barron

Chapter 439 - General Barron

"Tumigil kayo o mamamatay kayo!" Utos muli ng heneral. Sa pagkakataong ito, wala nang nangahas pang kumilos. Ang lahat ng armas ay nakumpiska. Tumayo si Sam at sinabi, "General Barron, ang Grey Rats ang nagsimula ng labanang ito; wala itong kinalaman sa amin, ipinagtatanggol lamang namin ang aming bahay."

So, ito pala ang General Barron na pinag-uusapan nila.

Mabilis na ipinaliwanag ni Ryan ang sarili, "General Barron, nagpunta ako dito para kuhanin ang bahay tulad ng sinabi mo pero tumangging sumunod ng mga SamWolf sa utos mo. Sinabi nila na mas gugustuhin nilang mamatay kaysa isuko ang bahay. Nagalit ako para sa iyo at iyon ang dahilan sa likod ng pagsugod ng grupo ko."

"Heneral, bahay namin ito, bakit namin ito ibibigay sa Grey Rats?" Tumayo si Wolf para magtanong.

"Bakit ipapaliwanag ng heneral ang sarili niya sa mga katulad mo? Ang kailangan mo lamang malaman ay lahat ng ginagawa ng heneral ay tama!" Mabilis na sumipsip si Ryan para makuha ang pabor ng heneral. Kailangang pigilan ni Ali ang udyok na sumuka.

Tumitig si Sam kay Barron at nagtanong, "General Barron, ano ang ibig sabihin nito?"

Matangkad si Barron at makapangyarihan. Ipinakita niya ng maigi na may masama siyang balak.

Nilawakan ni Barron ang kanyang ngiti at sinalubong ang tingin ni Sam para gumanti ng tanong, "Tinatanong mo ba ako?"

"Tama iyon." Tumatango si Sam. Kahit na kailangan nilang maging mabait dito, bahay nila ito, kaya hindi nila ito isusuko ng walang laban. Ito ang nag-iisa nilang bahay…

Nagulat si Barron sa katapangan nito at ang anyo nito ay lalong naging matiim. "Sino ka para tanungin ang desisyon ng mas nakakataas sa iyo?! Mag-empake na kayo at lumayas, ibinigay ko na ang lugar na ito sa Grey Rats. Pinapakawalan ko na lamang kayo dahil kay Charlie. Kung hindi dahil kay Charlie, ipapakulong ko kayong lahat sa kulungan!"

Nalungkot ang mga hitsura ng SamWolf. Wala na sa rason si Barron, pero nagagawa nito iyon dahil sa hawak nitong kapangyarihan at impluwensiya.

"Heneral, ang bahay na ito ay ang personal mong regalo kay Charlie, kahit ang pangalan na nakalagay sa pagmamay-ari nito ay si Charlie!" Galit na sagot ni Wolf. "Kailangan mo kaming bigyan ng katanggap-tanggap na dahilan bago mo ito bawiin!"

Itinutok ni Barron ang baril niya sa ulo ni Wolf at mapanganib na sinabi, "Isa pang salita mula sa iyo at sisiguraduhin kong hindi ka na makakapagsalitang muli!"

"Wolf…" Si Sam at ang iba pa ay maingat na humakbang.

Makulit si Wolf, pinandilatan niya si Barron at nagtanong ulit, "Heneral, pakiusap bigyan mo kami ng maayos na dahilan!"

"P*ta ka!" Pagmumura ni Barron at kinalabit ang gatilyo.

"Ingat!" Tumalon si Sam para itulak palayo si Wolf habang nahagingan ng bala ang kanang bahagi ng mukha ni Wolf. Hindi nila inisip na talagang magpapaputok si Barron kaya ang mga mukha nila ay seryoso. Ang mga kamao nila Cairn at Ali ay nakakuyom ng mahigpit.

Pinigilan ni Sam ang tumataas na galit niya at sinabi para mapakalma, "Heneral, huwag ka nang magalit, kasalanan ito ni Wolf. Hindi, kasalanan namin ito, patawarin mo kami."

May gusto sanang idagdag si Wolf pero pinigilan siya ni Sam. Tumingin si Barron sa pagsisipsip ni Sam at ngumisi siya. "Ang grupong ito ay walang silbi at matigas ang ulo, isipin ninyo kung ang lahat ay kikilos ng katulad ninyo."

"Heneral, alam mo na hindi kami ipinanganak para maging tanyag na katulad mo kaya naman, siyempre, wala kaming silbi sa iyong mga malilinaw na mata."

Nasiyahan nito ang kayabangan ni Barron.

Lumambot ang mukha nito at sinabi, "Dahil alam ninyo na wala kayong silbi ay dapat na maging matalino kayo at umalis na sa lugar na ito, dahil ang bahay ay pagmamay-ari na ng Grey Rats. Kung hindi, hindi ko masasabi kung ano ang susunod na mangyayari!"