Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 438 - Magigiting na mga Babae

Chapter 438 - Magigiting na mga Babae

Mabilis na nagkagulo. Dahil ang mga tauhan ni Ryan ang sumugod, wala nang dahilan pa para magpatumpik-tumpik ang grupo ni Sam. Ang grupo ni Sam ay talo pagdating sa dami pero ang bawat isa sa kanila ay bihasa, kaya naman nagagawa nilang mapatumba ang ilan. Naging pantay ang laban dahil dito.

Hinila ni Ali si Xinghe papunta sa likuran habang sinisipa palayo ang isang kalaban. Malakas siya nitong binalaan, "Dumikit ka sa akin, poprotektahan kita!"

Habang sinasabi niya ito, limang lalaki ang sumugod sa kanila.

"F*ck!" Mura ni Ali habang sumusugod ito. Gayunpaman, isa siyang babae, at unti-unti siyang nasasapawan. Ang isa sa mga lalaki ay patalilis na sumugod sa kanya na may tangan na pamalo at nang mapansin siya ni Ali ay huli na.

Habang pababa ang pamalo kay Ali, bigla ay pumalo sa ulo ng lalaki ang isang machinegun, at nagpawala ng malay dito. Nagulat na tiningnan ni Ali ang umatake dito at nakita si Xinghe na may kalmadong hitsura.

"Hindi ako ganoon kawalang-laban tulad ng inaakala mo," sabi ni Xinghe habang tumalon ito at nagpakawala ng isang jump kick, na sinaktan ang isa pang lalaki. Nagulat pa lalo ni si Ali. Matapos ay ngumiti ito. "Xinghe, wala akong ideya na kick ass ka pala! Halika, dalawa tayong sumipa sa kanila!"

Nginitian siya ni Xinghe at nagsimulang magtulungan ang dalawa.

Pinanood sila ni Sam at tumawa ito. "Nakakita talaga tayo ng isang bida. Mabuti, at least may kaibigan si Ali na titingin sa kanya sa ngayon."

Sumulyap din si Carn sa dalawang magiting na babae at isang bahagyang ngiti ang lumitaw sa mukha nito.

"Hey, walang mauunang magsabi ha?" Lumapit si Sam kay Cairn at bumulong sa tainga nito. Sinulyapan lamang siya ni Cairn bago nagpatuloy na lumaban ng mas determinado kaysa dati. Hindi gustong masapawan ni Sam kaya naman sumunod din ito. Hindi nagtagal, ang sitwasyon ay nagsimula nang mapunta sa panig ng SamWolf.

Ang mga Grey Rats ay duguan at puro pasa na. Gayunpaman, tila ba hindi takot mamatay, tumayo silang muli at sumugod ulit.

"F*ck, kayong mga maduduming daga ay napakakulit!" Mura ni Sam, inis na inis na sa mga sangganong ito, "Mga kasama, ipakita natin sa kanila ang lahat ng mayroon tayo! Turuan ng leksiyon ang mga daga na hindi nila makakalimutan!"

"Dahil sila naman ang pumunta sa teritoryo natin, hindi na natin kailangang pigilan ang mga sarili natin!" Angil ni Wolf. Sina Cairn at ang iba pa ay sumunod dito, handa na balatan ng buhay ang mga daga.

Sinugod ni Sam si Ryan at pinaulanan ito ng mga suntok. Humiyaw si Ryan na tila kinakatay ito.

"Pumapatay, ang mga tao ng SamWolf ay pumapatay ng mga inosenteng tao—" sigaw ni Ryan.

Naglabas ng punyal si Sam at itinutok ito kay Ryan. "Dahil ikaw ang humiling, ibibigay ko sa iyo ang pagpatay!"

"Ano ang ginagawa mo?" Tanong ni Ryan ng may takot habang nakatutok ang kanyang mga mata sa kumikislap na patalim.

Sinadya siyang takutin ni Sam. "Patayin ka siyempre!"

Habang inihahanda niyang isaksak ang patalim sa kanyang target, isang putok ang umalingawngaw sa himpapawid!

Ang biglang putok na iyon ang nagpatigil sa lahat na tila may pumindot ng pause button. Kasunod noon ay ang mga sunud-sunod na yabag, na senyales ng pagdating ng isang army unit. Ang nagpakawala ng putok ay ang pinuno ng mga ito.

Ang pinuno ay hawak pa ang baril na nakatutok sa ere at malamig na nag-utos, "Palibutan ang lahat ng tao at kumpiskahin ang lahat ng mga armas!"

"Yes, sir!"

Sina Sam at ang iba pa ay mabilis na napalibutan ng mga sundalo. Ang kahit anong galaw ay nabiyayaan ng pagtutok ng baril sa kanilang ulo.