Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 436 - Siya ang Aming Guro

Chapter 436 - Siya ang Aming Guro

Nakita ni Ali ang kanyang mukha at nag-aalalang nagtanong, "Ayos ka lang ba?"

"Ayos lamang ako." Mabagal na umiling si Xinghe. Matapos nilang lumabas ng kampo at sumakay ng kotse, biglang nanghina si Xinghe. Ang kanyang katawan ay mahina na sa simula pa lamang, at nakakatayo siya dahil sa kagustuhan niyang mabuhay noong nakaraang araw. Ngayon na nakumpirma na niya ang ilang bagay, nakaramdam na siya ng pagod. Hindi nagtagal at nakatulog siya sa kotse…

Iminulat ni Xinghe ang kanyang mga nanlalabong mga mata para makita ang sarili sa loob ng isang simpleng silid. Ang silid ay mukhang luma na at ang mga kagamitan ay nasasalamin ang kakaibang kultura ng Country Y. May amoy amag sa hangin na hindi nawawala, pero salamat na lamang, ang kama na kinahihigaan niya ay malinis. Sa likod ng kamay ni Xinghe ay may nakakabit na swero at doon niya nalaman na nasa isang ligtas na lugar siya.

Nagkataong binuksan ni Ali ang pintuan ng pagkakataong iyon. Nagliwanag ang mukha niya nang makitang gising na si Xinghe. "Xinghe, gising ka na, alam mo ba, wala kang malay ng isang buong araw na."

"Ito na ang ikalawang araw agad?" Tanong ni Xinghe habang nahihirapan siyang tumayo.

"Tama iyon, ang sabi ng doktor ay ayos na ang katawan mo; may ilan kang internal wound, pero hindi naman seryoso. Ngayong gising ka na, aalis muna ako para ikuha ka ng makakain," mabilis na sabi ni Ali bago lumabas ng pintuan. Mabilis siyang nakabalik na may dalang pagkain. Simple lamang ito, dalawang hiwa ng tinapay, dalawang hiwa ng ham at isang basong gatas.

Walang gana kumain si XInghe pero para mapanatili ang kanyang lakas, kinain niya ang pagkain ng walang reklamo. Ngumiti si Ali, "Masaya ako at inubos mo ang lahat, mukhang gagaling ka na talaga. Magpahinga ka muna ng ilang araw, ang lugar na ito ay ang teritoryo natin kaya walang mananakit sa iyo dito."

"Ali…" may gustong sabihin si Xinghe pero naputol siya dahil sa sigaw ng isang lalaki na nagmumula sa labas.

"Mga miyembro ng SamWolf lumabas kayo dito! Alam kong naririnig ninyo ako, lahat kayo ay lumabas at harapin ako!"

Napakunut-noo si Ali. "Ang mga daga ay nagbalik ulit?"

"Sino sila?" Tanong ni Xinghe.

"Parehas namin, isa din silang civilian mercenary group. Mahuhulaan mo na ang kanilang reputasyon dahil sa pangalan nila, ang Grey Rats. Ang grupo ay wala talagang banta pero madami kasi sila. Matagal na nilang gustong kuhanin ang teritoryo namin dahil wala dito si Charlie."

"Sino si Charlie?" Tanong ulit ni Xinghe.

Napuno ng paghanga ang mga mata ni Ali sa pagkakarinig ng pangalan ni Charlie. "Siya, sa tingin ko ay matatawag mo, na guro namin. Isang mabuting lalaki, pero may katagalan na mula nang mawala siya, walang nakakaalam kung nasaan siya." Sa puntong ito, ang ngiti ni Ali ay nagbago at naging simangot.

"Ali!" Sa sandaling iyon, nagmamadaling pumasok sa silid si Wolf. "Maraming tao mula sa Grey Rats ang nagpunta ngayon, mukhang naghahanap sila ng gulo. Ihanda mo ang sarili mo dahil mukhang hindi na maganda ang nangyayari."

"Sige! Tuturuan ko sila ng leksiyon ngayon!" Agad na kinuha ni Ali ang machine gun na nasa malapit at inihagis kay Xinghe ang isa pa. "Xinghe, kunin mo ito at walang lalaki ang muling magbabanta pa sa iyo ulit!"

"..."

Nasa dalawampung Grey Rats ang nagpunta noong araw na iyon. Wala silang masyadong armas, dahil iilan lamang sa kanila ang armado ng mga baril, habang ang iba pa ay may mga pamalo o kutsilyo.

Ang pinuno ng Grey Rats, si Ryan, ay may dalang machine gun sa kanyang tabi at ang payat na katawan nito ay nakatayo sa labas ng kanilang gate. Halata na nandoon siya ng walang mapayapang intensiyon.

Nang makita ni Ryan ang grupo ni Sam na binuksan ang pintuan at may bitbit ang bawat miyembro ng machine gun at dalawang pistola sa kanilang mga sinturon, napapintig ng hindi sinasadya ang gilid ng kanyang kanang mata.

The f*ck?! Bakit napakarami nilang armas?

Related Books

Popular novel hashtag