Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 437 - IV Syndicate

Chapter 437 - IV Syndicate

Bahagyang pinanghinaan ng loob si Ryan pero nang makita na hindi aatake ang mga tauhan ni Sam ay bumalik ang kayabangan nito.

"Sam, dahil lahat kayo ay nandito na, makinig kayo ng mabuti sa akin! Ang bahay na ito ay akin na ngayon, maging matalino kayo at lumayas na agad!" Bastos na utos sa kanila ni Ryan.

Tumawa si Sam. "Ryan, nababaliw ka na ba? Ano, ang naunang leksyon ay hindi pa sapat at ngayon ay nandito ka para maturuan pa ulit?!"

Itinutok ni Wolf ang kanyang machinegun sa kanilang mga 'bisita' at sinabi, "Wala kaming mga bahay na maibibigay sa inyo pero marami kaming bala, gusto nyo ba nito?!"

Ikinasa din nina Ali at Cairn ang kanilang mga machinegun. Nakatayo sa likuran si Xinghe, tahimik na pinapanood ang mga pangyayari. Ang ipaalala ang kapalpakan niya noong nakaraan ay nagpapula ng husto kay Ryan.

"Sam, huwag mong isipin na nanalo ka na! Ang bahay na ito ay ibinigay sa akin ni General Barron. Kakaunti kayo na SamWolves, kaya naman nagdesisyon ang heneral na palayasin na kayo. Ang mga kulelat na tulad ng grupo ninyo ay dapat na tahimik na umalis at huwag sayangin ang yaman ng militar!"

Walang tuwa na tumawa si Sam. "Ang bahay na ito ay hindi sa militar kundi isang lugar na napanalunan ni Charlie gamit ang kanyang kakayahan. Sa tingin mo ba ay madali kaming apihin dahil lamang sa wala dito si Charlie?"

Masamang ngumiti si Ryan. "Hindi ko na kasalanan kung gusto mong iyan ang isipin, pero kahit ano pa, ibinigay na sa amin ng militar ang bahay na ito! Kung may iba pa kayong isyu, talakayin ninyo ito sa heneral. Isa pa, si Charlie ay isang duwag na nagtago na, hindi ako naniniwala na may kakayahan siya na makuha ang bahay na ito! Ang bahay na ito ay pag-aari ng militar!"

"Sh*t! Nagagawang magsinungaling ng lalaking ito ng hindi man lamang kumukurap!" Malakas na pagmumura ni Ali, "Ang bahay na ito ay kay Charlie. Kung hindi dahil sa pagnanakaw niya ng armas mula sa IV Syndicate, matagal nang nawala kay Barron ang posisyon niya. Ang bahay na ito ay pabuya ng militar kay Charlie, sino ang makakatutol dito?"

Nanghahamak na tumawa si Ryan. "Aaminin ko na isang maabilidad na lalaki si Charlie, pero ano naman ngayon? Nawawala siya; marahil ay patay na siya. Ang isang patay ay walang silbi sa militar, kaya natural lang na bawiin ng militar ang bahay niya at hindi hayaan na masayang ito sa mga walang silbing langaw na tulad ninyo!"

"Sino ang tinatawag mong walang silbi?" Madilim ang tingin at pinandilatan sila ni Wolf.

Kahit ang tahimik na si Cairn ay nagsabi, "Kung sa tingin mo ay wala kaming silbi, lumapit kayo at paglabanan natin ito. Ang tanging paraan na makukuha ninyo ang bahay na ito ay sa ibabaw ng aming mga patay na bangkay!"

Nakakatakot na ngumiti din si Sam. "Tama iyon, kung may kakayahan kayo, patayin na muna ninyo kami!"

"Kahit wala si Charlie, hindi kami madaling apihin! Lahat kami ay mga estudyante ni Charlie at hindi kami matatalo sa isang grupo ng mga sanggano!" Pagmamalaki ni Ali.

Tahimik na napatanga si Xinghe.

IV Syndicate…

Hindi ba't ito ang pangalan ng organisasyon na tumutulong kay Feng Saohuang/ ang iig sabihin nito ay ang guro ni Ali ay may contact na dati sa IV Syndicate!

Napuno ng tuwa ang puso ni Xinghe. Ang ibig sabihin nito ay ang mahanap si Charlie ay nangangahulugang mahahanap nila ang lugar kung nasaan ang pinakakuta ng IV Syndicate. Hindi magtatagal, mapupunta na sa kanyang mga kamay ang ebidensiya ng mga krimeng ginawa ni Saohuang!

Ang grupo ni Sam at grupo ni Ryan ay narating na ang sitwasyon na walang magawa. Ang bawat grupo ay hindi gustong makipaglaban ng seryoso sa bawat isa dahil nasa parehong partido sila. Gayunpaman, walang grupo ang gustong magbigay, lalo na ang grupo ni Sam, mas gugustuhin pa nilang mamatay kaysa isuko ang bahay.

Naiinis na si Ryan sa katigasan ng kanilang ulo. Habang nagtatangis ang kanyang mga ngipin, sinugod niya si Sam. "Men, sugod! Patayin silang lahat!"