Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 435 - Hindi Maramdaman si Mubai

Chapter 435 - Hindi Maramdaman si Mubai

Tumitigil ang puso ni Xinghe kapag naririnig niya ang tungkol dito; hindi siya makapaniwala na namatay si Mubai ng ganoon na lang. Maliksi ito para ilagay sa kanya ang parachute, kaya naman siguro ay may oras itong magsuot ng isa para sa sarili nito. Marahil ay nakalapag ito sa lugar na malayo sa may matataong lugar…

Nagtanong si Xinghe kay Sam at sa grupo nito na dalhin siya sa pinagbagsakan. Noong dumating sila, pasikat na ang araw. Noong nakaraang gabi, isang military unit ang naglinis sa lugar at dinala ang mga katawan. Sinuri ni Xinghe ang pinagbagsakan, walang pinalalampas na sulok.

Lumapit sa kanyang tabi si Ali para magtanong, "Xinghe, wala na dito, ano ang hinahanap mo?"

"Wala din akong ideya…" mahinang sagot ni Xinghe. Nag-iikot siya at tumitingin kung may makukuha siyang palatandaan. Sa wakas, matapos suriin ang lugar, nakakita si Xinghe ng isang relo na ang kalahati ay may basag. Pag-aari ito ni Mubai…

Gayunpaman, ito ay ang isang spare watch nito, at minsan lamang niyang nakita na ginamit nito ito. Pinulot ni Xinghe ang relo at may hindi maipaliwanag na emosyon sa kanyang mga mata. Ang katawan ng relo at strap nito ay gawa sa matitibay na gamit kaya naman nakaligtas ito sa pagbagsak. Kung ang relo na ito ay ayos lang, ang isang suot ni Mubai ay makikilala din.

Bumaling si Xinghe kay Sam para magtanong, "Gusto kong tingnan ang mga katawan, matutulungan ba ninyo ako na magawa iyon?"

Sumagot si Wolf, "Posible naman, dahil may maganda kaming relasyon sa army."

"Gusto ko nang pumunta ngayon," determinadong sambit ni Xinghe.

Dinala ng mga ito si Xinghe para tingnan ang mga katawan na nasa malapit na pansamantalang kampo. Parte lamang ng katotohanan ang sinabi ni Xinghe kay Wolf, na nawala siya at napawalay sa mga kaibigan at gusto niyang malaman ang sitwasyon ng mga ito. Ang kapitan na nagdala sa kanila sa mga katawan ay naiinis at iritable na.

"Sinabi na namin sa inyo na ito lang ang lahat ng katawan mula sa sumabog na eroplano, kaya siguradong wala itong kinalaman sa mga tauhan ninyo. Ang pribadong eroplano na ito ay mula sa ibang bansa, ni hindi namin malaman kung sino ang may-ari nito."

Para itago ang katotohanan na papunta sila sa Country Y, sinadya ni Mubai na magpalit ng eroplano habang naglalakbay sila. Ang huling eroplano ay binili pa niya mula sa black market kaya hindi ito nakapangalan kay Mubai. Sa anumang kaso, magiging mahirap na masundan ito pabalik kay Mubai.

Natatakot si Xinghe na ihayag ang katauhan ni Mubai. Ang katauhan nito ay masyadong kakaiba, na kapag nalaman, ay magiging internasyonal na balita…

Kaya naman, ang katotohanan na nasali ito sa isang aksidente sa himpapawid ay kailangang itago. Para makakuha pa ng ilang sandali si Xinghe na makita ang mga katawan, ginawa ni Sam ang lahat para matuwa ang kapitan habang kinikilala ni Xinghe ang mga katawan.

Ang lahat ng katawan ay nawawalan ng isang hita o braso. Ang ilan ay makikitaan pa na nakalabas ang buto. Ang bawat isa sa kanila ay bangungot ng ilang tao pero sinuri sila ni Xinghe ng hindi kumukurap.

Ang makita ang kalagayan ng mga katawan ay halos magpasuka kina Wolf at sa mga tauhan niya kaya naman napahanga sila sa katapangan ni Xinghe. Sinuri ni Xinghe ang lahat ng katawan at hindi niya maramdaman si Mubai na kasama ng mga ito. Isa pa, hindi tama ang bilang ng mga katawan…

"So, ano na?" Tanong ni Ali sa kanya habang tumitingin palayo sa mga katawan.

"Tara na, ang kaibigan ko ay wala dito," mabagal na tumayo si Xinghe habang sinasabi niya ito. Bigla ay nahilo siya. Ang kanyang mukha ay maputla na tila naubusan siya ng dugo. Minsan, ang walang balita ay mas masahol pa sa masamang balita…