Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 427 - Kagustuhang Mabuhay!

Chapter 427 - Kagustuhang Mabuhay!

Matapos na masalpok ang eroplano, unang naranasan ni Xinghe ang mahulog sa himpapawid at kung gaano ito kabilis. Nangyari ito ng sobrang bilis na hindi malalaman ng isang normal na tao ang gagawin kundi ang bumagsak kasunod ng eroplano, na hinihila pababa ng gravity. Siyempre, hindi normal na tao si Mubai. Hindi naiintindihan ni Xinghe kung paano nito nagawang isuot sa kanya ang isang parachute sa isang mabilis at tensiyunadong pagkakataon. Hindi lamang iyon, nagawa pa nitong buksan ang pintuan ng eroplano at itulak siya palabas, na nagbibigay ng pagkakataon sa kanya na mabuhay.

Hindi makahabol ang isip ni Xinghe sa mga galaw nito. Iniisip pa niya ang atake ng naitulak na siya palabas ng pinto. Hindi na siya nagkaroon pa ng oras na bigyan ito ng tingin ng huling beses. Hindi lubusang maintindihan ng utak niya na ang posibilidad na maaaring ito na ang huling oras na makikita nila ang isa't isa.

Bago pa niya malaman, ang parachute niya ay bumukas at ang biglaang air pressure ay binalot ang kanyang mukha, at tinuyo ang nag-iisang luha na lumabas mula sa gilid ng kanyang mata. Gayunpaman, ang mga hangin ay walang ginawa upang mapawi ang pagkagulat at kalungkutan sa kanyang puso.

Mula sa kanyang pananaw, hindi na niya makita kung saan napunta ang eroplano pero narinig niya ng malinaw ang pagsabog. Ang eroplano ay sumabog!

Buhay pa kaya si Mubai? Ang isiping ito nagpapasakit ng puso ni Xinghe. Isa itong kakaibang uri ng sakit, sobrang sakit na hindi pa niya nararanasan dati. Sobra ang sakit na nasapawan nito ang kanyang pakiramdam habang bumabagsak siya sa gubat. Ang kanyang parachute ay nasira ng mga sanga at bumagsak siya sa lupa!

Habang nawawalan ng malay si Xinghe, sinabi niya sa sarili na kailangan niyang mabuhay! Kailangang mabuhay siya, hindi siya dapat mamatay!

Sa kalaunan ay nakaligtas si Xinghe. Matapos na mawalan ng malay ng hindi matukoy kung gaano katagal, wala sa loob na iminulat niya ang mga mata. Hindi na asul ang kalangitan ngunit kulay abuhin na. Ang liwanag na tumatagos sa mga dahon ay mahina na. Ipinikit ni Xinghe ang mga mata niya at naririnig niya ang tunog ng mga humuhuning ibon, at ang amoy ng mga puno at lupa sa paligid niya.

Itinikom niya ang kanyang mga kamao at huminga ng malalim. Mabuti, buhay pa siya.

Hanggang buhay pa siya, makakabawi pa siya pero bago ang mga iyon, kailangan niyang makasigurado kung buhay pa o hindi na si Mubai.

Hindi umiyak o sumigaw si Xinghe. Habang nagtatangis ang kanyang mga ngipin habang iniinda ang pagkahilo at sakit mula sa kanyang dibdib, tumayo siya at mabagal na naglakad palabas sa mga damuhan. Gayunpaman, may mga tinamo siyang pinsala. May mga pasa siya sa buong katawan at pakiramdam niya ay may nabali siyang tadyang. Ang bawat lakad ay parang lakad patungo sa kamatayan. Hinang-hina na siya na nagsisimula nang pumalya ang kanyang mga pakiramdam, hindi na niya marinig ang ingay sa paligid niya at nanlalabo na din ang kanyang paningin. Hirap na siya sa paghinga at ang kanyang lalamunan ay nananakit sa bawat paghinga.

Tulad ng isang sugatang hayop, nagpatuloy na lamang siya dahil sa awtomatikong galaw niya. Ang tanging bagay na nagpapatayo sa kanya ay ang kagustuhan niyang mabuhay. Hindi nagtagal, nakalabas din siya sa gubat…

Gayunpaman, sa sandaling nagawa niya, bumagsak na siya sa sahig. Nilamon siya ng kadiliman ng ilang sandali sa pagkakataong ito. Iminulat ni Xinghe ang kanyang mga mata dahil nakarinig siya ng tunog ng sasakyan na papunta sa kanya. Ito ang nagbigay sa kanya ng lakas.

Umaasang itinaas ni Xinghe ang kanyang ulo ngunit nang makita niya na isang grupo ito ng mga armadong kalalakihan ay lumamlam ang kanyang mga mata…

Related Books

Popular novel hashtag