Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 428 - Kunin ang Buhay Nila

Chapter 428 - Kunin ang Buhay Nila

Nakasuot ang mga ito ng sibilyan at hindi uniporme ng militar; wala silang pagkilos ng mga sundalo. Tumiim ang mga mata ni Xinghe dahil nalaman niyang ang mga lalaking ito ay hindi mabubuting Samaritano!

Muli, sa isang bansang tulad ng Country Y, ang mga militar ay hindi rin puno ng mga mabubuting tao. Ang hula ni Xinghe ay agad na napatunayan matapos na…

"Hey, buhay pa siya!" Tumakbo ang mga lalaki para huminto sa kanyang harapan. Ang unang bagay na ginawa nila ay hindi bigyan ng paunang lunas ito ngunit magbunyi na buhay pa siya.

"Isang binibining mula sa silangan, bakit kaya siya naririto?"

"Narinig mo naman ang sumabog na eroplano, hindi ba? Baka nahulog siya mula roon."

Isang lalaking may kaitiman ang balat ang tumingkayad para inspeksiyunin ang katawan ni Xinghe. "Ang mga sugat niya ay hindi ganoon kaseryoso; maaaring may silbi pa siya. Bilis, dalhin na ninyo siya bago pa dumating ang mga militar."

Mabilis na kinuha ng ilang kalalakihan si Xinghe sa kotse at humarurot na sila paalis. Patuloy nila siyang tinatanong pero nanatiling tahimik si Xinghe na tila hindi niya maintindihan ang mga sinasabi ng mga ito. Nagtataka ang mga lalaki sa kanyang kalmadong hitsura.

"Bakit pakiramdam ko na hindi siya natatakot sa atin?"

Tumawa ang isang lalaki. "Baka akala niya ay narito tayo para iligtas siya."

"Haha, sa tingin ko tama siya, pero kahit na, sana ay binigyan niya tayo ng nagpapasalamat na ngiti."

"Baka nabibigla pa din siya mula sa pinagdaanan niya."

"Sayang kung ganoon," sabi ng lalaki at ang mga daliri nito ay hinaplos ang baba ni Xinghe. "Isang magandang mukha, kung hindi lang dahil sa maibebenta siya sa magandang presyo, hindi ko na palalampasin pang galawin siya dito at doon."

"Hoy, pumila ka, ako muna…"

"Noong nakaraan, ikaw ang unang nakatikim, sa ngayon ako muna."

"Huwag na kayong magtalo, may ilan na tayong nahuli, ang lahat ay magkakaroon ng kanilang pagkakataon, walang maiiwanang tigang." Matapos magsalita ng lalaki, ang lahat ay malisyosong tumawa.

Ibinaba ni Xinghe ang kanyang malupit na tingin habang ang mga bastos na salita ay pumapasok sa kanyang pandinig. Hindi siya takot sa mga lalaking ito, kung anuman, nag-iisip na siya kung paano kukunin ang buhay ng mga ito!

Hindi siya magpapakita ng kabutihan sa mga masasamang loob sa mundo, lalo na iyong nananamantala ng kababaihan. Kahit na hindi siya direktang inapi ng mga taong ito, hindi pa din niya palalampasin ng basta-basta ang mga ito hindi alam ni Xinghe na ang pagkakataong wasakin ang grupo ng masasamang loob na ito ay dadating ng agad-agad kaysa sa kanyang iniisip.

Patuloy na naglakbay ang kotse hanggang sumapit ang gabi at nakarating sila sa isang tagong kuta. Ang kuta ay maliit, binabantayan ng dalawampu hanggang tatlumpung kalalakihan. Masayang-masaya ang mga ito nang makita ang kotse na may babae sa loob.

Ang matabang pinuno ay pinasadahan ng tingin ang katawan ni Xinghe at nasisiyahang tumango.

"Hindi na masama ang isang ito; ang klase ng kagandahang mula sa Silangan ay palaging may magandang presyo. Isubasta na ninyo siya bukas. Magaling, sa pagkakataong ito ay maganda ang ginawa ninyo!"

Isang payat na lalaki na naglalaway kay Xinghe habang naglalakbay ang kotse ay malibog na nagtanong, "Boss, pwede bang tumikim muna kami bago ang subasta?"

Agad siyang tinanggihan ng pinuno, "Hindi, ang katawan niya ay masyadong mahina. Kayo ba ang magbabayad kapag nawasak siya? Gayunpaman, mayroong iilan doon na maaaring makatagal, ang buo niyong grupo ay pwedeng pumili! Pero tandaan ninyo na huwag ninyong masyadong sumobra."

"Salamat, Boss…" ang grupo ng mga kalalakihan ay nagbunyi.

Matapos noon ay sinunggaban na nila si Xinghe at malupit na itinulak siya sa isang silid. Itinulak siya ng mga ito sa isang sulok. Pagkatapos, tila isang grupo ng mga gutom na lobo, binalingan naman nila ang ibang babae na naroroon.

Related Books

Popular novel hashtag