Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 425 - Huwag Kang Umalis sa Aking Paningin

Chapter 425 - Huwag Kang Umalis sa Aking Paningin

Hindi ito isang simbulo na kalungkutan kundi ispiritwal na kabaugan. Inisip ni XInghe na kapalaran na niyang harapin ang buhay ng nag-iisa…

Sino ang makakaisip na mangangako si Mubai na maging sandigan niya? Alam niyang kaya nitong gawin iyon… pero nagtaka siya, kung gaano katagal nito kayang magpursige.

"Ano ang naiisip mo?" Nakaladkad na ni Mubai si Xinghe palabas ng mansiyon. Ang malamig na hangin ay humampas sa mukha niya, at ginising ang kanyang isip.

Hindi siya sumagot bagkus ay nagtanong, "Aalis na tayo ng ganoon lang? Hindi tayo magsasabi sa kanila muna?"

Umiling si Mubai. "Magpapaliwanag na lamang ako sa telepono. Dahil nagdesisyon na tayo ay mas mabuti nang kumilos ng mas maagap."

"Sige." Tumatango si Xinghe, tama siya, ang kalaban nila ngayon ay ang oras. Dinala sila ng kotse sa isang pribadong airport kung saan ang isang pribadong eroplano ang naghihintay sa kanila. Inalalayan ni Mubai si Xinghe na makalulan na sa eroplano.

Bago pumasok, lumingon si Xinghe para tingnan ang kadiliman sa kanyang likuran at isang determinadong anyo ang makikita sa kanyang mga mata.

Kapag nakita kong muli ang lugar na ito, ito na ang magiging katapusan ni Feng Saouang! Pagsisisihan niya na ang pagpuntirya sa akin at sa lahat ng mahal ko!

Sa ganoong paraan inilabas ni Mubai ng bansa si Xinghe. Nagdulot ito ng kaunting problema sa Xi family na siyang nagbayad ng piyansa nito. Gayunpaman, wala na silang oras para magkaroong ng pakialam pa. Ang Xi family ay nasa isang magulong sitwasyon, tulad ni Xinghe, wala na silang ibang paraan kundi humanap ng ebidensiya ng mga krimeng ginawa ni Saohuang sa lalong madaling panahon. Sa madaling salita, ito na ang huling paraan para sa Xi family at kay Xinghe.

Kahit na nangangahulugang hindi ito ang katapusan ng Xi family pero magdudulot ito ng reaksiyon na magdadala ng maraming pagkalugi sa pamilya. Ngunit isa itong panganib na kailangan nilang harapin sa partikular na krisis na ito.

Ang hindi alam ni XInghe ay may naghihintay na mas malupit at madilim na katotohanan sa kanya.

Ang bansa na pinagdalhan ni Mubai kay XInghe ay ang Country Y. Kailangan nilang lumipat ng dalawang eroplano at gumugol ng dalawang araw at gabi sa himpapawid bago sila lumapag sa Country Y.

Sa eroplano, naglabas ng baril si Mubai at itinuro kay Xinghe ang mga basic.

"Ang Country Y ay nasa kritikal na kondisyon sa ngayon, mayroong mga riot doon. Mayroon pa ngang usap-usapan na may malaking giyera na mangyayari sa nalalapit na panahon. Hindi ko gustong isama ka sana dahil masyadong mapanganib," sabi sa kanya ni Mubai.

Tumango si Xinghe. "ALam ko, pero walang lugar na isang daang porsiyentong ligtas, kaya mas gugustuhin ko nang makasama ka na lang."

Ngumisi si Mubai. "Huwag kang mag-alala, dumikit ka lang sa akin at pananatilihin kitang ligtas. Matapos nating dumating sa Country Y, sumunod ka ng maigi sa akin at huwag kang mawawala sa paningin ko."

Tumango si Xinghe para ipakita na naiintindihan niya. Alam niya ang kaseryosohan ng sitwasyon at alam niyang kumilos ng naaayon. Ang tanging layunin ng pagpunta niya sa Country Y ay para gamitin ang kanyang kakayahan sa computer para makakuha ng ebidensiya ng kriminalidad ni Saohuang. Ang iba pa ay iiwanan na niya kay Mubai.

Patuloy na sinabi sa kanya ni Mubai ang mga nalaman nito sa imbestigasyon.

"Nakakalap kami ng iba pang impormasyon tungkol sa kanyang ilegal na organisasyon ngunit kung saan ang lokasyon ng kanilang kuta ay hindi pa malinaw. Ayon sa nakolekta naming impormasyon, ang grupo nila ay malaki, sobrang laki na hindi namin ito mapapabagsak ng walang tulong, kung kaya't nakipagtulungan ako sa isang importanteng tao sa Country Y. Sa sandaling mahanap namin ang lokasyon ng kanilang base, maaari mo nang i-hack ang kanilang internal system.