Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 426 - Ang Kontribusyon mo ang Magiging Pinakamalaki

Chapter 426 - Ang Kontribusyon mo ang Magiging Pinakamalaki

Tumango si XInghe, iniisip na mas simple ito kaysa sa inaakala niya. "Mukhang kapag ang lahat ay naganap ng ayon sa plano, mas maaga natin silang mahaharap."

Ngumiti si Mubai. "Ang lahat ng ito ay dahil sa iyo, dahil ikaw ang nakakaisip ng plano. Kung wala ka, mas maraming oras ang aming masasayang dahil hindi namin sila kayang pabagsakin ng minsanan lamang, ang masama pa ay maaari silang magtago o kaya ay gumanti."

Tumango si Xinghe na nakakaunawa. "Kaya naman, ang tabaho ko ay ang kunin ang lahat ng kanilang internal information ng minsanan ng hindi nila nalalaman?"

"Tama iyon, may kahirapan ang gagawin na iyon, kaya mo ba?" May pag-aalalang tanong ni Mubai.

Tiwalang tumango si Xinghe. "Huwag ka nang mag-alala tungkol doon. Kung ang kanilang internal system ay hindi higit ang depensa kumpara sa pinakamataas na intelligent unit ng ating bansa, wala itong problema. Pero, kahit na mas higit pa sila, handa akong subukan ito."

Alam ni Mubai na may sasabihin siyang ganito. Masaya itong tumugon, "Sige, aasahan ka namin kung gayon. Kapag nagtagumpay ito, ang kontribusyon mo ang magiging pinakamalaki."

Tiningnan siya ni Xinghe at mahinang sinabi, "Sa tingin ko ay hindi iyon totoo dahil maraming hirap ka ding hinarap noong nasa Country Y ka."

Dahil kung hindi, hindi sana ito magtatagal sa pag-iimbestiga sa organisasyon.

Marami ngang kinaharap si Mubai. Ang Country Y ay nasa isang magulong panahon at walang impluwensiya doon kaya kinakailangan niyang mag-ingat sa kanyang bawat galaw. Ang isang maling hakbang ay nangangahulugan ng kamatayan. Ilang beses na, habang naghahanap siya ng impormasyon, ay nakuha niya ang atensiyon ng maling partido. Ang ilang tauhan na kasama niya ay napatay sa harap ng tungkulin. Ilang beses na siyang nakalampas sa yakap ni Kamatayan bago niya nahanap ang tamang lugar at nakakuha ng tulong mula sa mga importanteng tao sa Country Y. Ginawa niya ang lahat ng ito sa loob ng dalawang buwan, isang imposibleng gawain kung ginawa ng ibang tao.

Ang dahilan kung bakit nagawang gawin ito kaagad ni Mubai ay dahil sa dalawang bagay, ang kanyang utak at kanyang kayamanan. Sa isang magulong bansa, ang pera ang maaaring magbukas ng maraming pintuan at mga bibig. Dahil din sa pera kaya nagawa niyang makakuha ng tulong na mapabagsak ang ilegal na organisasyon ng kaagad-agad.

Sa madaling salita, naisaayos na ni Mubai ang lahat para kay Xinghe. Ang kanyang trabaho, kahit na may kahirapan, ay ligtas na sa panganib. Si Mubai ay nasisiyahan na sa ganitong ayos dahil kahit ano pa ang maaaring mangyari, hindi siya handa na ilagay ito sa panganib.

Gayunpaman, ang bagay na nagpasaya siya ng husto ay ang pagbibigay nito sa kanya ng antas ng pag-unawa…

Siyempre, hindi na sinabi sa kanya ni Mubai ang mga detalye, at nagsalita ito ng may pilyong ngiti, "Wala akong masyadong ginawa dahil, sa bandang huli, kailangan pa din naming umasa sa iyo. Ikaw ang aming alas."

Pinaikot ni Xinghe ang kanyang mga mata sa pagpapakumbaba nito pero wala na siyang sinabi pa, at nangako lamang siya, "Huwag kang mag-alala, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko."

Tumango si Mubai. Sa parehong sandali na ito, nangako din siya na gagawin ang kanyang makakaya para makasiguro sa kaligtasan nito, na alisin ang lahat ng balakid sa kanyang dadaanan. Ang tanging bagay na kailangan niyang gawin ay dumagit sa huling minuto at kuminang ng husto!

Gayunpaman, ang mga bagay ay hindi tumakbo ng ayon sa plano!

May ibinatong pagsubok sa kanila ang kapalaran. May nangyaring hindi inaasahan.

Sa sandaling pumasok sa Country Y ang kanilang eroplano, inatake sila. Nagsimula na ang kaguluhan at ang digmaan ang sumisira sa Country Y!