Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 424 - Patuloy na Parte ng Kinabukasan Mo

Chapter 424 - Patuloy na Parte ng Kinabukasan Mo

Isa siyang babae na alam ang kanyang kagustuhan at may sarili siyang layunin, isang babae na hindi gusto o kailangan na umasa sa iba. Dahil kung aasa siya, hindi na siya si Xia Xinghe. Naiintindihan niya ito, na mula sa maraming bagay, na mas responsable siya kaysa sa karaniwang tao. Ang kanyang dangal ay katumbas ng sa iba.

Siyempre, hindi siya mauupo lamang at pasensiyosong maghihintay na ayusin nito ang lahat. Hindi niya iiwanan ang sariling kapalaran sa kamay ng ibang tao. Kahit na ito pa ang ibang taong iyon. Kahit ang Diyos ay hindi maidikta ang kapalaran niya, ito pa kaya…

Lubos niyang naiintindihan si Xinghe dahil magkatulad sila ng ispirito. Pinapahalagahan niya ito pero higit sa lahat nirerespeto niya ito, kung kaya nakagawa siya ng desisyon matapos ang ilang segundo.

"Sige, maaari kang sumama sa akin. Susuportahan kita sa bawat gagawin mo."

Hindi inaasahan ni Xinghe na mapapapayag niya ito kaagad. Idinugtong pa niya, "HIndi ka ba natatakot na magiging mahirap ang sitwasyon para sa Xi family kapag umalis ako?"

Tumawa si Mubai. "Kaya ng ating Xi family ang maliit na problema. Dahil kung hindi, hindi kami makakaligtas hanggang sa panahong ito. Huwag kang mag-alala, hindi pa mamamatay ang pamilyang ito."

Kahit na umalis siya, hindi babagsak ng isang magdamag ang Xi family. Isa pa, ang bawat transaksiyon ay may katumbas na pagkalugi at pakinabang. Hanggang mayroon silang mapapakinabangan, masaya na si Mubai! Ang patakbuhin ang isang malaking negosyo, hindi dapat masyadong nag-aalala sa mga detalye ang isang tao.

Ngumiti si XInghe. "Sige, napagdesisyunan na ito. Huwag kang mag-alala, sisiguraduhin ko na hindi pagsisisihan ng Xi family ang desisyon na ito."

Tumawa si Mubai. "Hanggang ligtas ka sa bandang huli, walang pagsisisi doon."

Pinaikot ni Xinghe ang kanyang mga mata. Tumayo siya at sinabi, "Tara na, halika na at huwag nang mag-aksaya ng oras."

Tinapunan siya ni Mubai ng isang walang magawang ekspresyon. "Nagtataka na ako, hindi ka ba napapagod?"

Bakit ba palagi na lamang itong masigla? Kahit na ang lugar na pupuntahan niya ay puno ng panganib at gulo?

Tumingin sa kanya si Xinghe at sumagot, "Hindi ako makakaramdam ng pagod ng may layunin sa aking isip. Dahil kung napagod ako, hindi ko na dapat pinili pa ang layuning iyon sa simula pa lamang."

Mabagal na tumayo si Mubai na may pagtatakang makikita sa kanyang mga mata. Pinigilan niya ang tukso na haplusin ang mukha nito. Habang nagtataka siyang tinitingnan ni Xinghe, magiliw siyang nagpaliwanag, "Hindi ka man pagod pero gusto kong malaman mo na palagi akong narito para maging sandigan mo."

Natigilan si Xinghe, at bago pa siya makabawi, nahila na siya palabas ng silid ni Mubai. Nahihirapan siyang mapakalma ang sarili. Walang nakakaalam kung gaano katindi ang mga salita ni Mubai sa kanya.

Sa sandaling iyon, doon niya naunawaan na ang buhay niya ay hindi kumpleto. Hindi niya kailangan ng pagmamahal o kasal o kahit ano pang materyal na bagay.

Ang kailangan niya ay isang ispiritwal na katuwang na nasa parehong antas niya at kaya siyang hamunin!

Mula ng sumumpa siyang hahawakan ang sariling kapalaran sa kanyang mga kamay, alam niyang ang paglalakbay sa kanyang buhay ay magiging puno ng panganib at manlilinlang. Dahil hindi madali na labanan ang kapalaran. Tila ba ang buong mundo ay hinaharagan ang kanyang landas.

Gayunpaman, pakiramdam niya na ang bigat na kanyang nararamdaman sa kanyang mga balikat ay gumaan ng kaunti. Wala siyang reklamo kahit gaano kahirap ang paglalakbay pero minsan ay nakakaramdam siya ng kalungkutan.

Kalungkutan dahil sa pag-iisa… ito marahil ang parusa ng Diyos dahil sa pagsuway niya sa kagustuhan nito.

Related Books

Popular novel hashtag