Chapter 422 - Nananaginip

Malapitan siyang sinuri ni Xinghe para maintindihan niya ang mga bagong obserbasyon na nagbago sa kanyang isip. Sa sandaling ito, ang natutulog na lalaki ay biglang iminulat ang kanyang mga mata. Nagulat muli si Xinghe habang napatingin sa lito ngunit matiim na mga nito. Gayunpaman, hindi nagtagal ang kailangan, lumayo siya mula rito at sinabi, "Sa wakas ay gising ka na. Mabuti, may gusto sana akong pag-usapan natin…"

Bago pa matapos si Xinghe, nakita niyang papalapit ang gwapong mukha ni Mubai. Ito ay… hahalikan siya!

Ang banayad at pamilyar na haplos ay dumampi sa kanyang labi, isang bulto ng kuryente ang dumaloy sa kanyang katawan, at nasunog ang kanyang utak. Maliban sa mga mata niyang nanlaki, ang buong katawan ni Xinghe ay hindi na gumana. Siyempre, alam niya ang nangyayari pero sa ibang kadahilanan, ang kanyang dating matalino at aktibong utak, ay mukhang hindi gumagana ngayon. Naramdaman niya ang mga ngipin ni Mubai sa kanyang labi at ang mainit nitong hininga sa kanyang mukha…

Tulad ng dati, hanggang sa naramdaman niyang nagsisimula nang tumuklas ang dila nito ay saka lamang siya nakabawi sa panibagong bulto ng kuryente! Hindi sinasadya ay naiiwas niya ang kanyang mukha at ang mga mata niya ay nanginginig na puno ng… pagkataranta?

Nakakailang na bigla ang ere. Sa sumunod na segundo, napaupo si Mubai at humikab. Sa nakakaakit nitong boses, sinabi nito na, "Sorry, akala ko ay nananaginip pa ako kanina lang."

Tiintigan siya ni XInghe at ang pakiramdam na gusto niyang suntukin ito ay bumangon mula sa kanyang puso habang tinitingnan ang seryoso nitong hitsura. Binigyan siya ni Mubai ng isang pilyong ngiti. "Sorry, hindi pa ako nakakatulog ng mahimbing kahit minsan sa nakaraang kalahating buwan at kakababa ko pa lamang mula sa eroplano, nakatulog ako dito pero gising na gising na ako ngayon."

"..."

Alam ni Xinghe na deretsahang nagsisinungaling ito. Gayunpaman, hindi na niya ito ininda at magbukas na naman ng isang pag-aawayan. Napaupo din siya at nagtanong, "Kumusta ang progreso mo?"

"Hindi na masama. Isa pa, gusto kong humingi ng tawad sa pagsabit sa iyo sa kaguluhang ito. I'm sorry." Magiliw siyang tinitigan ni Mubai at mahina nitong sinabi, "Maaari ka na munang magpahinga, ako na ang bahala sa lahat. Huwag ka nang mag-alala sa mga kaso…."

"Hindi ako nag-aalala," mahinang sagot ni Xinghe, "Hindi ako nag-aalala pero alam mong hindi ako mananatiling nakaupo lamang ng walang ginagawa."

Nakipagtitigan sa kanya si Mubai ng tahimik ng dalawang segundo at binago nito ang paksa ng usapan, "Gutom ka na ba? Gutom na ako, halika na't kumain muna tayo."

"Okay," pagpayag ni Xinghe, dahil nagugutom na siya. Ngumiti si Mubai at mabilis na nag-utos na magpasok ng pagkain sa silid. Agad na nagpapasok ang mga katulong ng maraming pagkain, ang bawat plato ay umuusok pa sa init. Halatang ang pagkain ay naluto na at pinanatiling mainit hanggang sa sila ay magising. Ang dalawa ay gutom na kaya naman tahimik nilang ninamnam ang pagkain. Si Mubai, tulad ng dati, ay patuloy na tinutulungan si Xinghe na kumuha ng pagkain…

Hindi na gusto pa ni Xinghe na mag-aksaya ng oras kaya naman itinuon niya ang pansin sa pagkain. Mabilis itong nakatapos. Ibinaba nila ang kanilang chopsticks ng halos sabay.

"Bakit hindi mo dagdagan ang kinain mo?" Tanong ni Mubai ng nag-aalala. "Kakaunti lang ang nakain mo."

"Busog na ako. Ikaw kaya?" Tanong ni Xinghe.

Hindi sumagot si Mubai, imbes ay ipinagsalin siya nito ng kalahating kopita ng red wine. "Uminom na lamang tayo kung ganoon."