Tinanggap ni Xinghe ang nakaalok na kopita at pinakalansing niya ito sa kopita nito. Maayos na bumaba ang alak, hindi niya matandaan ang huling oras na napahinga siya ng ganito. Mukhang ganoon din ang iniisip ni Mubai. Sumimsim ito ng alak at nag-alok ng isang magandang ngiti. "Masarap ang ganitong pakiramdam."
Masarap uminom ng kasama siya.
Well, mas masarap gumawa ng mga bagay ng kasama siya.
Sa panahong nasa malayo siya, hinahanap-hanap niya ito ng husto. Masaya na siya na makita ito ng harapan, pero sa ibang kadahilanan, pakiramdam niya ay hindi ito sapat…
Mabagal na sumimsim si Mubai ng kanyang alak habang mariing nakatitig kay Xinghe. Nakita ni Xinghe ang samut-saring emosyon sa mga malalalim at maiitim nitong mata. Pakiramdam niya ay may sinasabi itong mensahe sa kanya, ang eksaktong mensahe naman ay hindi niya matukoy. Marunong siyang bumasa ng isip ng ibang tao pero nahihirapan siya pagdating sa mga relasyon. Mas kumplikado ito kaysa sa kanyang kagustuhan. Tila ba ang utak niya ay nabuo na walang kakayahang makatukoy ng mga relasyon kahit na ang kanyang katalinuhan sa ibang paksa ay halos hindi na makatao.
Nakita ni Mubai ang kawalan ng interes ni Xinghe.
"Tapos na akong uminom, ikaw ba?" Ibinaba ni Xinghe ang kanyang kopita at naging seryoso na naman sa trabaho.
Walang nagawa na napabuntung-hininga si Mubai. "Kung gayon ay bakit hindi ka bumalik sa pagtulog, hindi pa nga sumisikat ang araw, maaari ka pang umidlip."
"Ayos lang, nakapahinga na ako, ikaw kaya?"
Patuloy siyang nagtatanong pero hindi ito dahil sa pag-aalala; gusto lamang niyang pag-usapan ang tungkol sa ibang bagay dito!
Anong klase ng bagay, nahuhulaan na ni Mubai.
"Xinghe, hindi tayo gaanong nagkakaroon ng pagkakataon na makapagpahinga ng maayos, bakit hindi natin ito namnamin?" Pahiwatig ni Mubai ngunit tila isang bloke ng kahoy si Xinghe.
"Naka-namnam na ako ng higit pa sa sapat. Mag-usap na tayo tungkol sa problema at huwag nang mag-aksaya pa ng oras."
"..."
"Kailan mo balak umalis?" Tumingin sa kanya si Xinghe at diretsang nagtanong. Alam niyang pansamantala lamang na bumalik si Mubai at kakailanganin nitong umalis ulit.
Nahirapang magsinungaling si Mubai sa matiim nitong tingin. "...Maya-maya lamang."
Sa madaling salita, aalis siya ngayong gabi. Tumango si Xinghe bago idinagdag na, "Isama mo ako."
"Sa tingin mo ay posible iyon?" Galit na tanong ni Mubai.
Inaalo na sinagot siya ni Xinghe, "Alam kong ang pag-alis ko ay magdadagdag problema sa Xi family pero nauubusan na tayo ng oras, wala na tayong ibang pagpipilian pa."
Ito na ang huli niyang paraan. Kung hindi niya malilinis ang pangalan niya, kailangan niyang makakuha ng ebidensiya ng mga ginawang krimen ni Saohuang sa lalong madaling panahon. Kapag nagawa na niya ito ay saka lamang maaayos ang lahat.
Kahit na alam nilang malaman nila ito pero ang oras ay wala sa kanilang partido ngayon. Mas magtagal ang usaping ito, mas malaki ang mawawala sa Xi family. Ang oras ang pinakaimportanteng bagay ngayon.
Halimbawa, maaaring mapabagsak nila si Saohuang, pero ang pagiging pinuno ng Flying Dragon Unit ay maaaring hindi na mapunta kay Munan. Ang mga bagay ay nagbabago at kailangan nilang agad na kumilos. Ang tanging bagay na magagawa niya ay gawin ang lahat ng kanyang makakaya, at huwag sumuko hanggang sa huling sandali. Para sa layuning ito, kailangan niyang sumunod kay Mubai sa ibang bansa, kailangan niyang makakuha ng ebidensiya laban kay Saohuang sa lalong madaling panahon.
Naiintindahan itong lahat ni Mubai ngunit ayaw na niyang idawit pa ito sa panganib, Makakaya niyang harapin ang lahat at magiging ligtas ito, pero mababago ba ang desisyon nito?
Alam niyang hindi dahil siya si Xia Xinghe.