Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 421 - Natutulog sa Tabi Niya

Chapter 421 - Natutulog sa Tabi Niya

Naiintindihan ni Xinghe ang mga iniisip nila kaya sinarili na lamang niya ang kanyang saloobin. Ang mga salita ay wala namang kwenta kundi pagsasayang lamang ng oras. Kailangan na niyang magsimulang magtrabaho sa lalong madaling panahon. Hindi nagtagal ay narating na ng kotse ang lumang mansiyon ng Xi family. Dahil dinala siya ni Munan doon, trinato na niya ang lugar bilang kanyang tahanan, kaya pumasok siya ng maluwag sa loob. Nandoon nga ang Xi family at hinihintay siya. Matapos siyang tanungin tungkol sa kasalukuyan niyang kondisyon, ang mga tanong nila ay dumako sa mas seryosong mga bagay at sinagot naman itong lahat ni Xinghe.

"Manatili ka muna dito ng ilang araw, at huwag kang pupunta ng kahit saan. Kami na ang bahala sa iba pa, salamat sa mga nauna mong tulong," sabi sa kanya ni Lolo Xi sa magaan na tono. Alam na nila ang kontribusyon ni Xinghe sa militar. Alam nila na ang ginawa nito ay mas malaki kaysa sa tamang parte niya, kaya naman ayaw na nilang bigyan pa siya ng problema. Gayunpaman, may sariling plano si Xinghe pero hindi pa ito ang tamang oras para sabihin niya ito sa mga ito.

Mayroon lamang iisang tanong na kailangan niyang itanong. "Kailan babalik si Mubai?"

Sumagot si Munan, "Dapat ay nandito na sa bahay si kuya pero hindi namin sigurado ang eksaktong oras."

Tumango si Xinghe at sinabi, "Sa tingin ko ay magpapahinga na muna ako, ayos lang ba?"

"Siyempre ayos lang. Maid, pakisamahan nga si Miss Xia sa kanyang silid," tawag ni Lolo Xi. Isang katulong ang lumapit at sinamahan siya paalis. Masaya si Munan dahil parang walang disgusto si Xinghe sa presensiya nila. Ang totoo, mukhang kumportable pa ito dito. Inisip niya na tatanggihan nito ang kabutihan nila pero mabuti na lamang at tinanggap nito. Mukhang nagsisimula na siyang lumapit sa kanila…

Naniniwala siya na ilang panahon na lang ang kailangan hanggang sa maging isa silang tunay na magkapamilya. Matapos umalis ni Xinghe, nagsimula nang pag-usapan ng iba pa ang iba pang mga bagay. Iwinaksi ni Xinghe sa kanyang isip ang lahat ng bagay, naligo siya at natulog nang marating niya ang silid na para sa mga panauhin. Naiintindihan na niya kung ano ang kailangan ng kanyang katawan; ang kailangan niya ngayon ay isang mahabang pahinga. Dahil tanging sa isang mahabang pahinga ay magkakaroon siya ng sapat na lakas para makagawa ng marami pang bagay.

Matapos ang dalawang araw ng sunud-sunod na interogasyon ay lubhang nagpapagod kay Xinghe. Agad siyang nakatulog. Mahaba ang kanyang tulog dahil ng nagising siya, ay hatinggabi na. Iminulat niya ang kanyang mga mata nang maramdaman niyang mayroon siyang katabi. Bahagyang natigilan si Xinghe nang makita niya ang pamilyar na mukhang iyon.

Nagulat siya na makitang natutulog sa kanyang tabi si Mubai nang siya ay magising. Mukhang pagud na pagod din ito. Mahimbing ang tulog nito at banayad ang paghinga, suot pa din nito ang damit buhat ng ito ay dumating. Kailan siya bumalik?

Masyado siyang nahimbing kaya hindi niya naramdaman kung kailan ito nangyari. Gayunpaman, mabuti na nakauwi na ito dahil mayroon siyang gustong pag-usapan nila.

Katulad na lamang nito, nanatiling nakahiga si Xinghe ng hindi gumagalaw. Minsan ay patigil-tigil siya sa kanyang pag-iisip para sulyapan si Munai.

Sa ibang kadahilanan, marahil dahil sa may katagalan silang hindi nagkita, ang mga linya sa mukha nito ay lalong lumalin. Inaamin na ni Xinghe na maaaring mas naging kahali-halina ito sa kanyang paningin…

Sa kung anong klase ng pang-akit ang mayroon ito ay hindi niya matukoy pero nakita na lamang niya ang sarili na panay ang tingin niya dito. Isa pa, ito ang unang beses na nagkaroon siya ng pagkakataon na suriin ng maigi ang hitsura nito sa malapit na distansiya. Naunawaan na ni Xinghe na maraming detalye ang napalampas ng kanyang atensiyon dati, halimbawa na lamang, ang mga pilik ni Mubai ay hindi lamang makapal ngunit mahahaba din. Mayroon itong maganda, at halos perpektong balat, ang ilong nito ay mas matangos kaysa sa kanyang iniisip at ang mga labi nito ay parang palaging nakakurba na may ekspresyong nakangiti…

Pinalambot nang pagtulog ang hitsura nito at inalis ang kanyang karaniwang hindi malapitan na awra. Nakaramdam si Xinghe ng… pagiging kumportable sa presensiya nito.

Nagtaka siya, bakit dati ay may impresyon siya na si Mubai ay tila isang robot na nilalang na may kalasag na nagtataboy sa iba na makalapit dito?