Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 412 - Kumukulong Dugo, Silakbo ng Damdamin

Chapter 412 - Kumukulong Dugo, Silakbo ng Damdamin

Nang kakailanganin talaga niya ang tulong ng mga ito sa hinaharap, talagang iaalay ng mga ito ang kanilang buhay para sa kanya…

Natuwa si Munan na makita ang pataas na pagsikat ni Xinghe; ipinagmamalaki niya ang kanyang hipag!

Kung hindi dahil sa krisis na kinakaharap ng Xi family, may suspetsa si Munan na itatago ni Mubai si Xinghe mula sa kanila ng habambuhay. Kung siya mismo ang nakatagpo ng kahanga-hangang babae na tulad nito, ganoon din siguro ang gagawin niya…

Tila isa itong pinakamahalagang kayamanan sa mundo, ang makuha ito ay katulad na ng pagkakahawak sa mundo. Masaya si Munan para sa kanyang kuya na nakatagpo ng isang importanteng tao sa buhay nito.

Ngumiti siya at sinubukang kontrolin ang nagkakagulong madla, "Sige na, kumalma na tayo dahil hindi pa tapos ang labanan. Maaaring nanalo tayo sa pagkakataong ito, pero mayroon pang dalawang labanan na magaganap. Maging alerto at huwag ibababa ang iyong depensa! Kailangang gamitin natin ang kalamangan natin dahil sa mataas na morale at talunin sila ng minsanan!"

"Talunin sila! Talunin sila!" Lahat ay nagsimula ng sabihin, kumukulo ang kanilang mga dugo. Naimpluwensiyahan na din si Xinghe ng silakbo ng kanilang damdamin. Sinundan niya ang mga ito sa sumunod na dalawang laban, sinusuportahan ang tropa mula sa likuran.

Matapos na manalo ang mga tauhan ni Munan mula sa aerial combat, nagsimula ito ng domino effect, ang naval combat at land combat ay winalis din nila ng minsanan! Tila isang matalim na palaso, ang lupon ni Munan ay madaling napana ang kanilang mga kalaban.

Ang drill na nagtagal ng ilang araw ay natapos na din sa wakas. Ang tagumpay ay kay Munan!

Sa sandaling naideklara ito, ang lahat ay nagbunyi. Hindi nila inisip na mananalo sila ng napakalaki. Wala silang talo, lahat ay naipanalo nila! Isang perpektong tagumpay na masasabi.

Naalis nito ang alaala ng kanilang naunang pagkatalo. Ang paghihiganti ay sa kanila.

Ang labanang ito ang nagdala sa kanila ng maraming kaisipan at karanasan. Ang buong lupon ay naintindihan na ang isang maliit na pagkatalo ay hindi panghabambuhay, at kung may sapat na determinasyon at pagpupunyagi, ay darating din ang tagumpay. Mas naging maayos din ang kanilang sikolohiya. Naniniwala si Munan an ang grupo niya ay hindi na mapapatumba ng ganoon kadali kahit na ano pang kalamidad ang kanilang kahaharapin sa hinaharap.

Katulad nito, natutunan din nila na huwag magyabang o huwag ibaba ang kanilang depensa matapos ang kanilang pagkapanalo. Sa bandang huli, kahit na ano pa ang mangyari sa hinaharap, kailangan nilang magpatuloy, na ipinagmamalaki ang kanilang grupo at ang kanilang mga sarili!

Kaya naman, ang laban na ito ay hindi lamang nagdala sa kanila ng tagumpay kundi pagbabago na din sa ugali, at ito ang mas importanteng pabuya dahil ang ugali ay nagpapasya ng lahat.

Siyempre, ang tagumpay ay kailangang ipagbunyi din. Para ipagdiwang ang tagumpay na ito, ang buong kampo ay nagdesisyon na magdaos ng piging. Mula sa pananaw nina Yan Lu at ng iba pa, si Xinghe ang pinakamalaki ang kontribusyon, kaya naman gusto nilang gamitin ang pagkakataong ito para magpasalamat ngunit tinanggihan sila nito.

"Miss Xia, kailangan mong pumunta sa party; paano kami magpa-party kung wala ang bida?!" Sinubukan siyang kumbinsihin ni Yan Lu. Sumali na din si Gu Li pero hindi siya natinag.

"Una, sa tingin ko ay wala akong naibigay na kontribusyon, ang ibinigay ko ay teknikal na suporta lamang. Ang tagumpay ay nangyari dahil lahat ay nagtulungan. Pangalawa, ayoko ng masisikip na lugar tulad nito pero salamat sa pag-iisip sa akin."