Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 413 - Tuluyang Nasira ang Plano

Chapter 413 - Tuluyang Nasira ang Plano

"Pero kailangan mong pumunta, lahat ay hinihintay ka."

"Sa tingin ko ay kailangan kong tumanggi sa oras na ito, magdiwang na lamang kayo para sa akin." Ang ugali ni Xinghe ay determinado katulad pa din ng dati. Hindi naman sa ayaw niyang makisalamuha sa mga ito pero hindi talaga niya gusto ang mga magugulong okasyon. Hindi din niya gustong maging bayani dahil hindi niya alam kung paano aayusin ang sitwasyon. Mas gugustuhin niya kung hahayaan na lamang nila siya. Nakita na ang kanyang determinasyon, nagpasya na lamang sina Yan Lu at ang grupo na irespeto ang kanyang desisyon.

Gayunpaman, isinama pa din silang lahat ni Munan sa isang masaganang hapunan bago nila siya hinayaan. Bumalik si Xinghe para magpahinga. Nakakapagod ang nakaraang ilang araw para sa kanya. Gusto niyang gamitin ang pagkakataong ito para makapagpahinga. Ito ay dahil, matapos ang maikling pagdiriwang na ito, ay magkakaroon na naman ng panibagong labanan. Hindi sila makakapagpahinga ng maayos dahil hindi pa ito ang katapusan. Ang gabing ito ay maaaring isa lamang maikling pahinga…

Habang nagdiriwang ang kampo ni Munan, ang kampo naman ni Saohuang ay nasasakal sa nakakapagpahirap na ere.

"Mga wala kayong silbi! Mga inutil!" Galit na galit si Saohuang matapos nilang matalo sa drill. Nagwawala ito sa kanyang opisina.

Maingat na nakatayo sa tabi niya si Sun Yu at sinubukan ang lahat ng kanyang makakaya para makunswelo ito, "Boss, sinuwerte lamang sa pagkakataong ito si Munan. Hindi natin sila kakumpetensiya, huwag kang mag-alala, tatalunin natin sila sa susunod!"

Walang awa na pinandilatan siya ni Saohuang. "Maswerte?"

Tumango si Sun Yu na nanginginig ang puso. "Tama iyon, maswerte lamang sila sa pagkakataong ito…"

"Swerte ang nagbigay sa kanila ng isang buong tagumpay?! Gusto ko din ng ganoong swerte!"

"..."

"Mga tanga! Ano ba ang sinabi ko sa inyong lahat bago ang drill? Ang sabi ko ay kailangan lamang nating manalo, at ano ang resulta? Wala tayong napanalunan! Mga tanga, sinira ninyo ang lahat!" Habang iniisip ang kanyang master plan na nasira ng tuluyan, galit na galit si Saohuang na gusto niyang pumatay. Hini, hindi lamang kung sino, gusto niyang patayin si Xi Munan at iyong Xia Xinghe! Kung posible, gusto niyang pagpira-pirasuhin ang mga ito.

"Boss, kasalanan itong lahat ng Xia Xinghe na iyon," dagdag ni Sun Yu nang nakasinghal, "Kung hindi dahil sa kanya, hindi tayo matatalo. Nagbago ang lahat sa sandaling dumating siya!"

Naningkit ang mga mata ni Saohuang ng may nakakamatay na intensiyon. Tama iyon, lahat ng ito ay kasalanan ng p*tang iyon!

"Boss, kailangang mapaalis natin siya kung hindi ay patuloy niyang haharangan ang ating landas," lumapit si Sun Yu at binabaan ang boses para sabihin nito.

Tumingin sa kanya si Saohuang at sumagot, "Sa tingin mo ay hindi ko alam iyan? Sa tingin mo ay napakadali para gawin ito?"

Napapaligiran si Xinghe ng buong army, wala siyang magagawa kahit na gustuhin pa niya. Kung madali niya itong maililigpit, ginawa na sana niya matagal na.

"Kung gayon, ano ang gagawin natin? Hahayaan na lang ba natin siya?"

Ngumisi si Saohuang. "Siyempre hindi! Maraming paraan para maialis ang isang tao."

"Boss, anong magandang ideya ang naiisip mo?" Gulat na tanong ni Sun Yu. Bago pa makasagot si Saohuang, tumunog ang telepono niya. Mula ito kay Lin Yun…

Ang maiitim na mata ni Saohuang ay kumislap ng bahagya habang sinasagot niya ang tawag. "Hello."

"Big Brother Feng, nabalitaan ko na natalo ka sa pagkakataong ito, tama ba?" Malamig at mapwersang tanong ni Lin Yun.

"Tama ang narinig mo."

Nasorpresa na malakas ang loob nitong umamin, walang tuwa na tumawa si Lin Yun. "Natalo ka? Big Brother Feng, hindi ba't sinabi ko sa iyo na kailangan mong ipanalo ang parehong kumpetisyon? Ang pagkatalo mo ang nagpagulo ng mga plano natin!"