Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 406 - Sa Ilalim ng Bariles

Chapter 406 - Sa Ilalim ng Bariles

Maaaring pinagagalitan niya si Sun Yu pero ang lahat mula sa kampo ni Saohuang ay naramdaman ang anghang ng bawat salita niya. Si Saohuang, na ang pinakakalmado, ay nahihirapan na ding panatilihin ang ngiti sa kanyang mukha. Nakakatakot na ngumiti ito at umangil, "Binuksan ni Miss Xia ang aking mga mata ngayon. Dahil tapos naman na ang kumpetisyon, hindi na namin kayo iistorbohin pa, paalam!"

Tumalikod na ito para umalis nang biglang ibinuka ni Munan ang kanyang bibig para sabihin na, "Feng Saohuang, hindi pa ako nagsasalita, bakit ba nagmamadali ka nang umalis?"

Mabagal na humarap si Saohuang at nakakatakot na ngumiti. "Ganoon ba? Nakakapagtaka naman, ano pa ba ang gusto mong sabihin? Plano mo din ba na ipahiya ako?"

Ngumisi si Munan. "Bakit naman iyan iisipin ni Major Feng, at inakala ko pa naman na hindi isasapuso ni Major Feng ang isang maliit na pagkatalo."

Ang huling bakas ng ngiti sa mukha ni Saohuang ay nawawala na. Ang mga mata na masama ang tingin kay Munan ay kasing-lamig tulad ng kailaliman ng impiyerno. Ang atmospera ay napakatindi…

Sa pagkakataong iyon, lahat ay nakikita ang mga nagbababalang senyales mula kay Saohuang pero hindi natinag si Munan. Habang sinasalubong ang tingin ni Saohuang, malamig niyang sinabi, "Dahil nagpunta kayo dito para hamunin kami, hindi ba't dapat naming ibalik ang kabutihan ninyo?"

"Kabutihan?" Tumawa si Saohuang. "Ganoon ba, gusto mo ding magbigay ng hamon, sige, ano'ng klase?"

"Natural, isang labanan sa pagitan ng dalawang grupo!" Seryosong sinabi ni Munan, "Feng Saohuang, ako ang kinakatawan ng aking buong lupon na humahamon sa iyong lupon! Ang labanan ay mangyayari dalawang araw mula ngayon, tinatanggap mo ba ang hamon o hindi?"

Nagulat ang mga tauhan ni Saohuang. Nangahas talaga ito na hamunin sila. Noong nakaraan, sila ang nagbigay ng hamon kaya naman natuwa sila sa kanilang sarili. Ngayon ay nabaliktad na ang lahat, sa ibang kadahilanan, pakiramdam nila ay ginigipit sila at sinasampal. Ang pakiramdam ng nagbibigay at tumatanggap ng hamon ay malaki ang ipinagkaiba.

Kumurba ang mga labi ni Saohuang para maging ngiti. "Siyempre, tinatanggap ko, bakit ko naman tatanggihan? Major Xi, magkaroon tayo ng tunay na kumpetisyon sa pagkakataong iyon! Magkita na lamang tayo dalawang araw mula ngayon."

Sumagot ng may bahagyang ngiti si Munan. "Magkita na lamang tayo doon."

"Tara na—" tumalikod na si Saohuang para umalis, hindi na niya gusto pang manatili doon kahit na isang segundo. Dapat ay sila ang mamamahiya pero sa halip ay sila ang lubusang napahiya. Isa lamang itong paligsahan sa computer, hindi tunay na labanan, pero pakiramdam niya ay nasampal siya ng lubusan. Ang mga lalaking isinama niya ay ganoon din ang nararamdaman. Isang Xia Xinghe lamang ang nagparamdam sa kanila ng sobrang kahihiyan. Isa itong bagay na hindi inaasahan ni Saohuang o Munan.

Sa sandaling umalis na ang mga tao ni Saohuang, nagsimula nang magbunyi ni Yan Lu.

"F*ck, sobrang nakakatuwa ang nangyaring ito! Mas mainam kaysa sinasapak sila sa aktwal na labanan!" Tumatawang sabi ni Yan Lu.

Ang iba pa ay lubos ang kasiyahan. "Nakita ba ninyo ang mukha ni Feng Saohuang, kasing-itim na ito ng puwit ng kaldero!"

"Ang bawat mukha nila ay kasing-kulay na ng ilalim ng mga kaldero at takure. Ang mapahiya sila ng hindi man lamang nagtataas ng isang daliri, ang pakiramdam na ito ang pinakamainam sa buong mundo!"

"Dapat ay ginawa na natin ito noon pa kung alam lamang natin na magiging ganito kadali."

Hindi mapigilan ni Gu Li kundi tumawa. Pabiro niyang pinagalitan ang mga ito, "Mga tangek, kung hindi dahil kay Miss Xia, hindi tayo magbubunyi."