Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 407 - Ang Opisyal na Labanan

Chapter 407 - Ang Opisyal na Labanan

Ang kasiyahan mula sa lubusang pagpapahiya sa mga ito, at ito ay posible lamang sa taong may kakayahan. Mas madaling natalo ni Xinghe si Sun Yu, mas lubos ang pagkakapahiya sa mga ito. Pero, si Saohuang ang nauna na humamon sa kanila. Nararapat lamang sa mga ito ang nakuha nila at higit pa!

Isa pa, ginawang tama ni Xinghe ang lahat, tinulungan sila nito na ilabas ang galit na kinikimkim nila buhat ng una nilang pagkatalo.

Sunud-sunod ang naging pagtango ni Yan Lu. "Tama iyon, lahat ng ito ay kontribusyon ni Miss Xia! Miss Xia, ikaw ang aming bayani; tinulungan mo kaming mabawi ang morale na nawala sa amin!"

Tumango din si Munan. "Tama iyon, ang maliit na paligsahan na ito ay malaki ang itinaas ng ating morale. Gagamitin natin ang taas ng morale natin at dudurugin natin sila sa darating na labanan!"

"Yes, sir!" Lahat ay sumagot ng may umaalingawngaw na boses.

Sa kaparehong panahon, matapos niyang bumalik, nagsimulang pagbantaan ni Saohuang ang kanyang mga tauhan. "Sa pagkakataong ito, gusto ko na ilampaso ninyo sila sa sahig. Tandaan ninyo, sa labanang ito, ay kailangang tayo lamang ang mananalo!"

"Yes, sir!" Sabay-sabay na sagot ng kaniyang mga tauhan. Maaaring natalo sila sa paligsahan pero hindi ibig sabihin nito na ang kakayahan nila ay mas masahol pa sa abilidad ng mga tauhan ni Munan. Dahil napahiya sila sa paligsahan, kailangang makabawi sila sa labanan. Kailangang maipakita nila sa mga tauhan ni Munan kung ano talaga sila!

Matapos na umalis ang lahat pagkatapos ng pagpupulong, galit pa din si Saohuang. Ang pagkapahiya nila nang araw na iyon ay hindi katanggap-tanggap para sa kanya.

Sinubukan pang iligtas ni Sun Yu ang sitwasyon, "Boss, gusto mo bang nakawin kong muli ang kanilang istratehiya sa pakikipagdigma?"

Isang bungkos ng dokumento ang malakas na sumampal sa kanyang mukha. Galit na galit na pinandilatan siya ni Saohuang. "Nababaliw ka na ba? Gusto mong ibigay sa kanila ang ebidensiya na nakikialam tayo?"

"Boss, hindi iyan ang ibig kong sabihin pero kung hindi natin alam ang istratehiya nila…"

"Natalo ka na ng lubusan kay Xia Xinghe pero gusto mo pa gumawa ng mapanganib na hakbang? Sa tingin mo, gamit ang kakayahan niya, ay hindi niya malalaman?"

Nakaramdam ng galit si Sun Yu. "Nakaharang talaga sa landas natin ang babaeng iyon!"

Nakakatakot na ngumiti si Saohuang. "Ano naman kung hindi natin alam ang istratehiya nila, mananalo tayo. May tiwala ako sa magagaling kong tauhan. Mananalo pa din tayo, kahit na may konting kahirapan ito."

"Tama iyon, ang pagsasanay natin ay mas maayos kaysa sa kanila, ang talunin sila ay hindi isang problema. Hindi nila tayo matatalo ng basta-basta sa pagkakataong ito."

Naging malamig ang titig ni Saohuang. "HIndi ko na mapapayagan pa ang salitang pagkatalo, dahil, tandaan ninyo, tanging tagumpay lamang ang pinapayagan ko at hindi pagkatalo!"

Natakot si Sun Yu sa malamig nitong tingin, kaya mabilis siyang tumango. "Oo, sigurado tayong mananalo!"

"Para sa tagumpay! Para sa tagumpay!" Ang mga tauhan ni Munan ay pinalalakas din ang loob ng mga kasamahan. Matapos ang dalawang araw ng matinding paghahanda, ang laban sa pagitan ng dalawang lupon ay magsisimula na. Dahil ang dalawang grupo ay mga high-tech na unit, maliban sa aktwal na labanan, kasali sa labanan ang mga paligsahan sa paggamit ng iba't-ibang high-end na kagamitan.

Gayunpaman, bago ang aktwal na laban, ay mayroon doong dalawang wrestling na labanan. Ang partida ni Munan ay kinakatawan ni Yan Lu. Siya ang hari ng wrestling sa kanilang lupon. Sa grupo naman ni Saohuang ay may kahanga-hangang tao din. Ang wrestling match ay mga friendly match, natapos ito sa tabla, ang bawat grupo ay may pagkapanalo at pagkatalo.

Matapos nito ay isa namang air drill.

Ito ang unang beses na naging masuwerte si Xinghe na makapanood ng isang pormal na drill.

Related Books

Popular novel hashtag